"Oy bes...Nasabi na sakin ni BI yung nangyari.." bungad ni Lud pagdating namin. Nakahanda na yung isang buong cake ni Neechan at kape ko. Bes ko talaga oo..
"Ayos lang ako.." -Sabi ko saka uminom nung kape.
'Ikaw ang dapat pumirmi. Sabi ni BI confirm na 3 weeks pregnant ka ah.. Ilang buwan lang kayo nawala ni BI. Kabilis ah.." sabi ko sabay tawa.
"Naku. 3 weeks palang to. Samahan mo ko mamili ng damit pag alam na natin gender ah.." -Lud
"Syempre. Dapat babae, ipakasal natin kay Neechan."
at sabay kaming tumawa sa kalokohan namin.. XD
"Pero Bes.. Subukan kaya nating ipaalam man lang sa kanya.." -Lud
"Wag na.. Magugulo lang siya.." -Ako
"Para...Naman.. Fair sa kanya diba?" -Lud
"Napakaunfair nga nila sakin e...Tapos ako lalaban ng fair sa kanila..Wag na Lud.. Gumawa siya ng bagong buhay...Basta ang anak ko sakin.. Ayos na ko.."
Wala na rin namang nagawa si Bes at iniba nalang yung topic.. Di naman na kasi to mababago..
Di na maayos.
2 years ago pa natapos ang istorya namin ni Bobby..
Di na madudugtungan yun..
BI's POV
Nakakabadtrip na tong si Bobby. Naging Bestfriend ko nga ba tong kumag na to?
Nawalan lang nang ala-ala.. Naging tanga na.
Alam kong maliit yung mata niya. Pero di naman siguro siya tanga para di makitang kamukang kamuka niya si Nee chan.
Buti napigilan ko kanina si Junhoe,susugod nasakanya e..
Sigh.
Kawawa naman si Nica. Kahit naman na habambuhay na kahati ko yun sa oras ng napakadyosa kong asawa at ina ng magiging isang daan kong anak. (Haha. Wag kayong kumontra.Babatuhin ko kayo ng basketball. Shooter ako no. XD) ay kaibigan ko parin yun. Napakalupet ng sinabi niya. E IKAW KAYA YUNG AMA! TANGA MO TOL. Sasapakin na kita e!
At di ko nga napigilan. Nasapak ko nga siya.
Haha.
Buti di gumanti. Saka di nakita ni Junhoe kasi tumakbo yun pasunod sa ate niya e.
Ngayon lang yun umiyak sa madaming tao na di naman namin kaclose.
Kaya malamang nasaktan talaga yun.
Kahit witch yun marunong pa rin masaktan yun. xD
At ayun na nga sabi ni Nica. Di na kinaya.. Kung ako rin naman yun, di ko papanuorin kasal ng mahal ko sa iba.
Buti nalang swerte ako sa pag-ibig.. Kahit muntikan na kaming di magkatuluyan ni Lud Anne ko dati.
Pero sana si Nica at Bobby Pa rin.. Napalitan lang ng puso, di na rin si Nica ang mahal? ganun ba yun?
Naniniwala naman ako na mas mahalaga ang ala-ala kesa sa pagtibok nun. Kasi di naman yun titibok kung walang ala-ala na nagtrigger para mangyari yun.
Naku naman lord, alam kong masama si Nica pero sobrang parusa na tong ginawa mo.
De joke.
Nandito na ko at si Junhoe sa garden ulit at nililinis yung floor plan ng kasal ni Bobby nang bigla siyang lumapit samin. Nagtaka pa si Junhoe kasi may hiwa yung labi ni Bobby. Syempre malakas akong manapak e. :D
"Pwede ba tol. Kung ayaw mong sirain ko tong plano sa kasal mo. Lumayo-layo ka samin?!" -nanggagalaiting sabi ni Junhoe. Mahal na mahal nito ate niya e.
"Pasensya na kanina tol. Nag-init lang yung ulo ko kasi importante yung lakad namin kanina.." -Bobby
"Gago ka pala e. Importante pero wala kang karapatang sabihin yun sa ate ko! Ikaw nga may kasalanan kung ba--"
"Junhoe! Tama na yan!" pigil ko. Muntik nang masabi ni Junhoe. Patay ako kay Lud anne at nica nito e.
"Anong ako?! bakit ako?!" nagtatakang tanong ni bobby.
"Tangna. Tama na nga to. Napipikon na ko." -junhoe sabay walkout.
Ano ba naman tong bata na to. ako iniwan dito.
"Mister Kim.. Ano yun?" -Bobby
"Ah wala. mali yung sinabi niya." kinakabahang sabi ko..Patay talaga ko nito.
"Kilala nyo ko.. Naguguluhan na ko.. BI pwede ba.. Alam kong may nililihim kayo sa kin.. at.. at.. yung bata.. bakit.. kamuka ko? at bakit..bakit napapanaginipan ko kayo.. Kayong lahat yun.. Ikaw..si Nica.. Si Lud anne...Junhoe...Jinhwan.. Seolhyun.. Pre.. Ipaliwanag mo naman sakin.. Naguguluhan na ko." -bobby. parang naguguluhan nga siya.. Sasabihin ko ba talaga.. ?
Pero patay talaga ko nito kay nica at lud anne.
YOU ARE READING
Hopeful Wish
FanfictionThe truth is, unless you let go, unless you forgive yourself, unless you forgive the situation, unless you realize that the situation is over, you cannot move forward. ...