PRESENT- 4

5 0 0
                                    

Nica's POV


3 days na rin kaming nagprepare para sa kasal nila Bobby.


Nasa balita na rin to. Bat ba naman hindi, e sikat na singer si Hani.. Anak pa ng isang senador..


Si Bobby, anak ng may-ari ng mall..Saka politician na rin siya.


Makapangyarihan rin talaga ang angkan ni Bobby. Kaya siguro kahit alam naman halos ng lahat ang tungkol samin.. Walang nag-issue samin..


Wow nga naman..


Sa lahat ng hotel..Sa ex pa..


Kakatawa.


Pero wala namang alam ang media sa nangyari kay Bobby..


Lihim yun..


Ewan nga pano niya nagawang bumalik sa dati niyang ginawa..


Syempre, pwera sa pagbalik sa amin ng barkada niya.


Andito kami ngayon sa garden, pinapaliwanag ko sa mga event organizer yung facilities ng hotel na pwede nilang gamitin para ma maximize ang space habang si Nee chan ayun, nakikipaglaro sa ilang staffs. Behave naman yung baby ko.. Si BI at Junhoe nandun sa isang gilid, mga artista kasi sa Star Maker ang kakanta para sa kasal at si BI naman ang in charge sa mga pagkain at sounds.


Asan kaya sila Bobby..


Naku wag mo na ngang hanapin..


Nagulat ako nung may biglang humiyaw kasabay ng iyak ng anak ko..


Pagkakita ko, si Neechan, nahulog yung isang buong chocolate cake na bigay ko sa kanya para ishare sa staffs. At sakto pa.. Sa pants ni Bobby at sapatos ni Lee Hi..


"Omo. Pano na yan.. May pupunta tayo Baby.. Nadumihan na yung sapatos ko.." reklamo ni Lee Hi...


Pwede namang punasan yun ah.. Pumunta na ko kay Neechan at pinatahan siya at sumensyas kila BI at Junhoe na ako na ang bahala.



"Sorry Bobby,Hani.. Ako nalang magpapalit sa sapatos mo Hani.." I said and bow at them pero nagulat ako nang humiyaw si Bobby.


"ANO BA KASING GINAGAWA NG BATA DITO SA TRABAHO!? KUNG IKAW KASI, HINDI LUMANDI AGAD AT HININTAY MUNA NA PAKASALAN KA AT DI KA IIWAN NANG AMA NG BATA NA YAN! EDI SANA DI KA NAHIHIRAPANG MAGTRABAHO HABANG NAG-AALAGA!"



Wow ha.. Wow lang..



I smile at him bitterly at saka nagsalita.



"For Your Information Mister Kim. Hindi paglandi ang tawag sa pagmamahal. At hindi ginusto ng lalaking ama ng anak ko na iwan ako. Kailangan niyang gawin yun! Wala kang alam kaya wag kang nagsasalita na parang kilala mo ko. Halos gusto ko nang mamatay ng mawala siya. Pero hindi pwede..Dahil kailangan ako ng anak ko. Kung may problema ka sa pagsabay ko ng trabaho at pagiging ina ko...Better look for another venue na walang single mom na katulad ko.." di ko na mapigilang mapaiyak sa harapan nila..


Ansakit. Ansama niya..


"S-so--" di na natuloy ni Hani ang sasabihin niya kasi lumakad na ko paalis dun habang buhat si Nee chan.


Grabe lang.


Sa kanya pa talaga nanggaling yun..


"Mommy.."


"Wag ka nang umiyak...Pupunta tayo sa bakeshop ni Tita Lud..Bibili tayo uli ng cake sa kanya ah.." I said and wipe my tears.


Grabe talaga siya.. Kung alam niya lang..


"Sorry Mommy.." -Neechan at saka ako niyakap.


"Ssh.. Walang kasalanan ang pogi kong baby okay?" sagot ko at niyakap din siya.


Basta nandito ang anak ko... Ayos ako..


"Ate. Kasi tong si Kuya BI pinigil pa ko sa pagsapak sa Bobby na yun e!" bungad ni Junhoe, sinundan pala nila ko.


"Iclose na natin yung deal nica.. Tama na to.." -BI


"Okay lang ako. Itutuloy natin to. BI, next week.. Bago yung kasal nila...Aalis muna kami ni Neechan ah.. Ikaw muna bahala.." sabi ko at ngumiti sa kanila..


Di naman ako abnormal para umattend dun...


"sige. papalabasin ko nalang na may business meeting ka dun." -BI


"Salamat.. Punta muna kami kay Lud Anne..Bibili kaming cake.." Sabi ko at lumabas na ng hotel kasama si Neechan at saka sumakay sa kotse ko papunta kay Lud.


Konting paghihirap nalang talaga.. 

Hopeful WishWhere stories live. Discover now