MAICY'S POV
Naiinis ako.
Naiinis ako sa kanya.
Bakit? Ano bang problema niya? Bakit ang cold ng pakikitungo niya samin kanina? May nagawa ba kami sa kanya? Bakit hindi niya sabihin samin? Maiintindihan naman namin yun eh,
Ang dami kong tanong sa isip ko.Masyado na siguro akong OA para sa inyo. Kasi eh.Big deal kasi para sakin ang mawalan ng isang kaibigan.Tinuring ko na siyang parang Ate.Sa kanya ko unang sinasabi ang problema ko.Tapos bigla nalang siyang magiging ganun?
Iyak nga ako ng iyak kahapon eh.Pati sila Jade naki-iyak na rin.Pagkatapos nun tumahan na rin kami,wala rin namang kaming magagawa eh..Hay!
Pupunta nga muna akong Convenience Store.Bibili ako ng meryenda.tsaka magpapahangin na rin ako.Wala namang pasok ngayon eh.Kalilimutan ko muna yung nangyari kahapon.
Lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta sa seven eleven,walking distance lang naman.
---
Pagkatapos kong bumili.Napatingin ako sa matandang babae na nakaabang sa may entrance at nanglilimos sa bawat taong lumalabas pero tila walang pumapansin sa kanya kahit isa kaya pagkalabas kong ng store binigyan ko siya ng mga Brownies tsaka isang mineral water.
"Salamat ineng, Pagpalain ka nawa ng Diyos." Sabi ni Lola pagka-abot ko sa kanya ng plastic.
"Walang anuman po,Mag-iingat po kayo.Sige po aalis na ako." At tumalikod na para maglakad paalis.Pero nagulat ako nang bigla siyang nagsalita.
"Ikaw ang mag-iingat ineng.Wag na wag kang makikinig sa mga sasabihin niya! Tinatraydor ka ng kaibigan mo.Hindi siya iyon." Sabi nito.
"P-po?" Taka kong tanong tsaka lumingon ako ngunit wala na ito.
Nasaan na yun? Anong ibig niyang sabiihin? Sinongg traydor?
Naku! Baka naman imagination ko lang yun.Nadadala na ako sa mga pinapanood naming mga horror.
(<_<)----(>_>)
Tumingin muna ako sa kaliwa at kanan kung may sasakyan,tatawid kasi ako eh.Hanggang sa nahagip ng mata ko si Rashell.
Si Rashell na may kausap sa cellphone niya.0_0
Nasa harap siya ng bahay nila,tila hindi siya mapakali,pabalik balik ang lakad niya at may nakapark din na black car.Hindi ko alam kung kanino yun pero parang familiar.
Dahan dahan akong naglakad at nagtago sa isang puno malapit sa bahay nila para hindi niya ako makita,gusto ko sanang malaman kung may tinatago siya samin.Mga 3 blocks a way sa Store na pinanggalingan ko.
"Hindi ko na kaya!...Itigil mo na toh!....A-ayoko!! W-wag!.. Oo na gagawin ko na! ....Basta tuparin mo lang ang sinasabi mo na hindi mo sila pakikialaman...S-si-sige.Bukas ko na gagawin."
At binaba na ni Rashell ang cellphone niya.Umandar na rin ang kotse at umalis.
Ano daw? Anong hindi niya kaya? Sinong hindi pakikialaman? Gusto kong malaman.Inaatake na ako ng curiosity ko.Ano bang lihim niya?
BRIANNE'S POV
Hay Naku! May pasok na naman.Im here at school while watching 'Three extremes',katakot din to ah .Sa cellphone lang naman ako nanonood,habang naghihintay sa mga kaklase ko na dumating.Maaga kasi ako naggising eh.Hindi rin naman ako mapakali sa bahay kasi nga iniisip ko si Rashell kung Okay lang ba talaga siya.
Nasa pnakalikod ako nakaupo.Lumabas yung iba ko pang kaklase para dun maghintay sa mga friends nila.Kaya ako nalang mag-isa dito sa room.Wala pa sila Wynne eh.
*Eeeekkk* Tunog ng pinto.
Narinig kong may pumasok,hindi ko ito tiningnan,nanananitili lang akong nakatutok sa pinapanood ko.
Then maya-maya nakita ko sa peripheral vision ko na may dumaan isa sa mga kaklase namin o si Rashell? para kasing parehas sila maglakad .
Hindi ko muna siya pinansin kasi pa-suspense na yung pinapanood ko eh.Ayaw lang paistorbo.
"Isa sa inyo ng mga kaibigan mo ang mamatay."
"Aaaahhhhhh!!!!!!!!!!" Kasabay ng sinabi niya ang pag-sigaw ko pano ba naman kasi biglang nag-zoom yung itsura ng babae sa pinapanood ko kaya nagulat ako.
"Ano ulit sabi mo?" Tanong ko sa nagsalita.Hindi ko kasi masyadong marinig kanina.Mahina lang kasi yung pagkakasabi niya ,tapos sumabay pa yung pag-sigaw ko.
Inangat ko yung ulo ko kasi hindi siya sumagot,pero nanlaki yung mata ko nang wala naman palang tao,Nilibot ko ang tingin ko sa buong room pero ako lang naman mag-isa.
Imposible narinig ko pa ngang nagbukas ang maingay na pintuan namin eh.
Naglakad ako papunta sa pintuan.Nang makalapit na ako dito unti-unti kong pinihit ang doorknob.
"Blaaaggg*
Biglang may nalaglag na malaking libro sa sahig galing sa itaas ng cabinet ni Ma'am Jessica.Kaya nilapitan ko ito para ibalik.
Saglit ko pang sinuri yung libro pero hindi ko binuksan mamaya sabihan pa ako ng pakialamera dito.Grabe naman tong libro na to ang creepy.
Dahil masyadong mataas ang cabinet kinailangan ko pang kumuha at pumatong sa upuan para ibalik ang libro.
--------------------
BINABASA MO ANG
The Old Lady in the Haunted School
TerrorKaya mo bang magbasa ng nakakapanindig balahibo na storya? Eh kaya mo bang basahin to? Kahit na nakakatakot,madilim at ikaw lang mag-isa?? Mag-isa nga ba talaga? Subukan mong tumingin sa paligid mo.. Baka hindi ka nag-iisa... Hindi mo lang alam na...