BRIANNE'S POV
Nag-uusap kami ngayon ng mga kaklase ko dito sa harap ng classroom namin tungkol sa nangyari kahapon.Humihingi daw kasi ng kaunting tulong ang pamilya ni Lauren."Basta,Bibisita nalang tayo doon sa Sabado.Ayos lang ba sa inyo?" Tanong ng class president.
"Sige." Sabay-sabay na sang-ayon ng mga kaklase ko.
///
"Ano bang nangyari kahapon ?" Tanong ni Maicy.Nag-rerecess kami ngayon sa Cafeteria.
"Ayan ang napapala ng umaabsent.Maraming namimiss na pangyayari." Pabirong sabi ko.
"Kahapon nga lang ako umabsent eh.Kasi si Mama,sinugod sa hospital." Biglang lumungkot ang mukha niya.Kaya hinagod ko ang likod niya.Para ma-comfort siya.
"Ikwento niyo na kasi." Parang batang sabi niya.
=====FLASHBACK
Papunta ako ngayon sa room ni Ma'am Jessica para ihatid itong papers na iniutos kay Wynne na ako ang gumawa.
Nagugutom na kasi ako at saka hindi ko naman maatim na kumain samantalang si Wynne gumagawa ng mga iniutos sa kanya kaya tinulungan ko nalang siya.
Malapit na ako sa room ni Ma'am nang madaanan ko abandonadong classroom.May narinig akong umiiyak na babae ,mahina lang ito.Huminto ako sa paglalakad at sumilip sa sirang bintana.Madilim sa loob kaya hindi masyadong kita ang nandun.Nang magsimula na akong maglakad tumigil yung pag-iyak.Tapos nakaramdam ako ng mga matang nag-mamasid sakin.Hindi ko nalang yun pinansin,kailangan ko pang ihatid ito at baka naghihintay na si Wynne sa Cafeteria.
"Ay Multo!!! " Waahh!! Ano ba yan!! Lumingon-lingon ako kung may nakakita sakin pano ba naman kasi bigla ako nadapa,Naku! buti nalang walang tao,Kahiya >u< .
Tumayo ako at pinulot yung mga papers na nabitawan ko.Tiningnan ko rin yung tuhod ko kung may gasgas,mabuti wala.Sunod kong tiningnan kung saan ako nadapa,wala namang bato or kahit na anong nakaharang,pero bakit at paano ako nadapa? Katangahan? Hayss.Pag-angat ko ng ulo ko.Saktong nasa harapan ko si Ma'am Jessica na may masungit na aura.
"A-ah ..G-good Morning Ma'am." Grabe naman tong aura ni Ma'am parang nakakakilabot.
"Anong kailangan mo,Ms.Estuche?" Nakataas ang kilay na sabi nito.
"Y-yung papers po na pinapahatid ng Principal." At nilahad ko sa harap niya yung mga papers.
"Si Lauren ang inutusan ko na mag-dala rito at hindi ikaw." Inagaw niya yung papers "Nevermind.Pwede ka ng umalis." Sabay sarado niya ng pinto.
Grr!!! Nakakainis naman tong teacher na to.Sarap ipakain sa kanya nung papers eh! Hmp. Nevamayn.
Habang pababa ako ng hagdan,muntik na naman akong madulas buti nalang nakahawak ako sa pader.Tiningnan ko yung naapakan ko,picture pala.Kaya pinulot ko ito para tingnan sa malapitan.Isang babae na nakabigti sa may electric fan. 0_0 P-parang si Lauren to ah?
Dali-dali kong nilagay sa bag ang picture at pumanhik pababa.
Pag-dating ko sa Cafeteria.Nagsisialisan yung mga tao dun at nagsisipuntahan sila sa..Room namin?
Nag-lakad ako papunta sa room namin para makita kung anong tinitingnan nila.Nang makarating na ako sa tapat ng room,umalingasaw ang masangsang na amoy..Amoy bangkay.
"Ang baho! Tara na."
"Grabe naman yun!"
"Kaya nga eh.Ang brutal masyado."
"Sino kaya may kagagawan nun?"
"Kamamatay lang ni Jerah tapos ngayon may namatay na naman."
Yan ang pinag-uusapan ng mga tao na kagagaling lang sa loob.Pinilit kong makisiksik sa mga tao para makita kung sino yun.Napahawak na lang ako sa bibig ko.Y-yung nasa picture! Yun mismo ang nakikita ko ngayon.Kagaya nung sa picture na naapakan ko kani-kanina lang,
====END OF FLASHBACK
"Ow Em!! Ganun talaga yung nangyari? Naku buti nalang hindi ko nakita kundi baka napanaginipan ko na yun ." Maicy,na mukhang nashock din sa nangyari.
"Teka,diba sabi mo yung may nakita kang picture? Nasaan na?" Seryosong tanong ni Wynne.Oo nga pala.Kinuha ko ung bag sa tabi ko at hinalungkat ang nasa loob,pero wala akong nakitang picture.
"W-wala rito eh."
"Pwede makishare ng table?" Sabi ng kararating lang na si Jandell atsaka umupo sa tabi ko.
"Sure." Sagot ni Maicy with matching pa-beautiful eyes pa.Umiling-iling nalang si Wynnw sa tabi niya.
"Sasama ba kayo samin mamaya?" Tanong ni Jandell habang kumakain.
"Baka hindi ako makasama ,may bibilhin pa kasi ako mamaya sa Mall eh." Tumango-tango nalang si Jandell sa sinabi ko at bumaling kay Maicy.
"Gustuhin ko mang sumama pero hindi pwede,kailangan ko kasing puntahan si Mama sa Hospital eh."
"Next time, susubukan naming dumalaw doon." -Wynne.
"Sige.Salamat." -Maicy.
"About Lauren.Suicide rin ba un?" Tanong ni Wynne kay Jandell.
"Oo.Nag-bigti eh."
"Pero bakit sa electricfan niya pa naisip?" Pwede naman sa iba nalang.
"Yun ang hindi ko alam.Nakakapagtaka nga eh may nakaukit din na parang mata sa bandang pulso niya."
"M-mata?" Nauutal kong tanong.Mata na nakaukit sa pulso ni Jerah.
"Oo.Yung Devil's Symbol na pareho nung kay Jerah." O-O
-------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Old Lady in the Haunted School
TerrorKaya mo bang magbasa ng nakakapanindig balahibo na storya? Eh kaya mo bang basahin to? Kahit na nakakatakot,madilim at ikaw lang mag-isa?? Mag-isa nga ba talaga? Subukan mong tumingin sa paligid mo.. Baka hindi ka nag-iisa... Hindi mo lang alam na...