BRIANNE'S pov
Nang ibabalik ko na sana yung libro biglang namang umurong kaunti yung upuan palayo sa cabinet.... o talagang malayo lang ang pagkakalagay ko sa upuan? 0.o
Tsk. Ayun bumaba ulit ako tapos nilapit ko yung upuan tsaka umakyat ulit.
Nang mailagay ko na sa taas bumaba na rin ako tapos binalik yung upuan kung saan ko ito nakuha.
Nang mapatingin ako sa sahig may nakita akong picture.
0_0 A-a-an-ano to?
Picture ni Jerah.
Naliligo sa sariling dugo,nakaupo sa sahig ng Cr tapos may hiwa siya sa leeg.
San nanggaling to? Eh buhay na buhay naman si Jerah ngayon.
Buhay pa nga ba siya?
"Jade,Ano yan?" Nagulat ako kaya mabilis kong natago ang picture sa likuran ko.Si Lauren classmate ko.
"A-a-aah W-wala. . Hehe.Nanjan na ba si Ma'am?" Nauutal ako sa kaba.Mahirap na.
"Oo ,Parating na.Ano ba yung tinitingnan mo?" Pilit kong tinatago ang picture sa likod ko.
"Ganun ba? Sige upo na tayo. Hehe" Sabi ko at dali-daling naglakad patungo sa upuan ko.
Pinasok ko ang picture sa bag ko at inipit sa gitna ng notebook .Mamaya pag may ibang nakakita nito magtanong-tanong pa kung bakit may picture akong ganun,tapos mapagkamalan pa akong killer.
"Yow! Ang lalim ng iniisip natin ah." Nag-snap si Wynne sa harap ko.Magkasunod sila ni Maicy na pumasok.
Nagsmile ako sa kanila "Hindi kaya."
"Goodmorning class!"
"Good morning Ms.Sanchez" Sabay sabay na bati ng mga kaklase ko.
"Jade! Kwentuhan mo kami mamaya sa kung ano man ang iniisip mo ha." Bulong ni Maicy.
Hindi ko nalang sila pinansin.Mamaya mapagalitan pa ako ni Ma'am.Takot ko nalang jan.
"Blaaa~~~~" Discussing mode.
"Dahil malapit na ang November magkakaroon tayo ng school activity.Hulaan niyo kung ano?" Tanong ni Ma'am.Himala ang bait nito ngayon? Har har.
"Chix Hunting Ma'am!!" Sabi ng mga boys.
"Camping?" Sabi ng iba.
"Overnight sa school"
"Trick or treat challenge!!??"
"Tsk.Ghost Hunting." Kalmado na sabi ni Wynne.
"Right! Ms.Barberan." -Ma'am Jessica.
"Whaaaattt? Ghost Hunting?" Sabi ng mga classmate ko except saming dalawa ni Wynne,pati kasi si Maicy naki-What.
"Yes .We are going to have a ghost hunting challenge dito sa school.Ngayong Friday na,kaya Be ready.Goodbye class."
Tsaka umalis.At ayun kanya-kanyang bulungan na yung mga classmate ko.
"Pupunta ba kayo? " Tanong ni Maicy.
"Depende." -Wynne
"Wag nalang kaya? Nakakatakot yun eh." -Maicy
"Wag ka nga! Ang taas siguro ng makukuha nating grade dun.Tsk tsk." -Wynne
"Waaaahhh.Sige na nga.Alang alang sa grades.Fight! " -Maicy
"Tara Next Class na tayo." Sabi ko sabay tayo.
"Teka!! Diba may ikukwento ka pa? Dali na." Hinatak ulit nila ako paupo.Tapos yung ulo ni Maicy nakapatong sa kanan kong balikat ganun din si Wynne sa kaliwa.
"A-anong ikukwento? Wala naman ah." Hindi yata ako makakaligtas sa dalawang to.
"Anong wala! Kilala ka namin noh." -Wynne
"May tinatago ka ba samin? Hmp" Sabi ni Maicy sabay talikod at kunwaring nagtatampo.
"Oo na! Ang kulit niyo naman eh.Hindi ko parin naman kayo matiis." Sabi ko sabay kuha ng picture kanina sa bag ko."Hala! Asan na ba yun?" Tiningnan ko na lahat ng nakaipit sa notebook ko pero wla na ito rito.San napunta yun?
"Ano ba yung hinahanap mo?" Takang tanong ni Wynne.
"Y-yung ..yung picture." Hinahalungkat ko laman ng bag ko at inalis ang mga laman nun pero wala talaga.
"Anong picture? picture ko? picture ng first love mo?" Tanong din ni Maicy.
"Tange! Hindi yun." Napahawak nalang ako sa noo ko.Wala talaga. "Picture ni Jerah yun."
Tapos ayun kinwento ko na sa kanila kung saan ko nakuha,pati yung creepy na libro.
"Omoo! Bakit may ganung picture? Sayang hindi namin nakita." -Maicy
"Hindi ko rin alam.Kung paano napicturan yun.Imposible ngang mawala yun eh.Nakaipit na nga yun sa notebook ko eh.Pero alive pa naman si Jerah diba?" Sabi ko
"Oo naman.Kasama nga yun ni Rashell kanina eh" -Maicy.
"Baka naman ginogoodtime mo kami?" -Wynne.
"Hindi no! punta na nga tayo next class." Next Long long discussion na naman.
Hahayaan ko na nga lang yung picture na yun,hindi naman totoo yun eh.Baka edit lang.
SOMEONE'S pov
Hahaha!! Nakita na niya ang unang palatandaan.
Mamatay kayong lahat!
Konting hintay pa.May araw din kayo,
Akala niyo kung sino kayong mga mababait na Anghel kuno,Mga bwisit!
Isang inosenteng bata ang kikitil sa mga buhay niyo!! Hahaha Mga bobo walang kaalam-alam.
'Abi in malam pestem! Haha'
-------------------
BINABASA MO ANG
The Old Lady in the Haunted School
HorreurKaya mo bang magbasa ng nakakapanindig balahibo na storya? Eh kaya mo bang basahin to? Kahit na nakakatakot,madilim at ikaw lang mag-isa?? Mag-isa nga ba talaga? Subukan mong tumingin sa paligid mo.. Baka hindi ka nag-iisa... Hindi mo lang alam na...