CHAPTER 11

3.7K 87 2
                                    

The party...

Napatingin ako sa loob ng bahay nila Leo, at pagkatapos ay tinaponan ko rin ng tingin ang mga taong nasa labas ng bahay, merong nasa hardin, nasa may pintoan halus lahat sila ay may dalang glass na may lamang wine.

Agad na dapo ang tingin ko kay Sam na umikot sa harap ng kotse para pagbuksan ako ng pinto.

Nilahad nya ang kamay nya para alalayan akong bumaba ..

Nabigla pa ako sa ginawa nyang pag lapit ng hawak nya sa baywang ko.

" you're so gorgeous Jessa.. always.."

Ramdam ko ang pagtayo ng aking mga balahibo sa katawan dahil sa pag lapit ng labi nya sa tenga ko para sabihin iyon..

Binigyan ko lang ito ng matamis na ngiti .

I am wearing white dress, na may mahabang slit sa kaliwa kong hita, ito ay may silky na tela, at bukas ang likod at may maliliit na strap, medyo kita rin yung hiwa sa pagitan ng dibdib ko at hindi naman ito masyadong ma eksi , ang haba nito ay hanggang tuhod, pinarisan ko rin ito ng 2 inches na white sandal with strap, at pinili ko ring talian ang buhok kong ma alon ..naglagay narin ako ng konting make up ..

" hindi ko masisisi ang mga lalaking nakatingin sa atin ngayon ..dahil maganda ka naman talaga .. "

Napatingin ako kay Sam ..

" binobola mo lang ako Sam.. "

Sabay ay umiwas ako ng tingin, ayokong makita ang reaksyon ng mukha nya ngayon.. para akong naiilang sa mga tingin nya ..

Agad kaming pumasok sa loob ng  mansyon at hinanap ko agad si Maam Valdez, nakita ko naman ito agad sa may sulok kasama ang mga bisita ni Leo, hinila ko si Sam patungo sa gawi nila..

" Goodevening everyone.. "

Bati ni Sam sa kanila, at agad naman kaming pinansin ..

" wow, you look so beautiful with that dress Jessa.. "

Sabi ni Maam Valdez , bineso ko naman sya agad ..

" thank you po.. "

" by the way ladies and gentlemen, ito pala si Jessa secretary ni Leo, sya ang nag design sa lahat dito.. "

Pakilala nya sa akin sa mga kasama nya..

" Goodevening "

Agad naman akong bumati sa kanila at ngumiti .. ngumiti naman sila at hindi malayong kaedad lang ni Leo ang iba sa kanila..

" hi, I'm Lucas kababata ni Leo.. nice to meet you Jessa.. "

Pakilala ng isang lalaking nasa tabi ni Sam.. nakita kong inakbayan nito si Sam..at nilahad ang isang kamay sa akin..

Agad ko naman itong kinuha..

" nice to meet you too Lucas.."

Lahat sila ay kinilala ko, dumaan ang tatlong oras at hindi pa dumating si Leo.. hindi kaya di sya dadating? Paano nalang itong hinanda namin? .. sayang ang-

Na alarma ako ng bigla akong hinila ni Maam Valdez at nagtungo kami sa kosina..

" you hold the cake and I will take a video .. okay? .. halika na sa labas at malapit na daw sila.."

Awang ang bibig kong kinarga ang cake sa kamay, .. nandito na sya? .. gumuhit ang excitement na may halung kaba sa dibdib ko.. sinundan ko nalang si maam Valdez at nagtungo kami sa tapat ng pintoan, nasa likod naman namin ang mga bisita para salubongin din si Leo.

Ilang lunok ang ginawa ko ng bumokas ang gate at pumasok ang isang kotse.. pumarking ito sa harap namin..

Nanginginig ang kamay kong karga ang cake habang nasa tabi ko si Maam Valdez na nag vivideo sa paglabas nila Leo sa kotse..

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon