One

1K 49 46
                                    


Erienne's POV

"Eri! Nasan na iyong assignment ko?"

Namumulang pisnging napatingin ako kay Leo. Nagmamadaling kinuha ang notebook niya sa bag ko at binigay sakanya.

"A-ahm..n-nasagutan ko lahat pero--"

"Thanks."

"--pero hindi ko alam kung tama lahat," Gusto ko sanang ituloy iyon pero nakaalis na siya sa paningin ko. Nalungkot naman ako. Ambilis naman niya nawala.

Si Leo, ilang taon ko na siyang gusto. Isang araw bigla na lang niya akong kinausap at sinabing paggawa daw ng project. Nagulat nga ako kasi alam niya palang nageexist ako sa mundong ito.

Pero mas lamang ang sayang naramdaman ko nung oras na iyon.

Dapat nga malungkot ako kasi alam ko na ginagamit niya lang ako para gumawa ng mga projects tyaka assignment pero anong gagawin ko? Kapag malapit siya kinakabahan ako kaya naman napapa'oo' agad ako.

Ahh. Ang tanga ko talaga pero gustong-gusto ko si Leo.

Hindi dahil gusto rin diya ng lahat, hindi dahil gwapo siya, kung hindi siya si Leo. Iyong kahit malayo palang pinapatibok na niya ang puso ko, iyong kahit masama siya sa ibang tao mabait naman siya sa mga kaibigan at pamilya niya at mapagmahal din siya sa diyos!

Arghh mukha tuloy akong stalker kasi ang dami ko ng alam sakanya. Pero, siya ang kauna-unahang binaliw ako ng ganito.

Napangiti na lamang ako magisa at umalis na sa bench na kinauupuan ko.

"Bakit ka ba pinapansin ni Leo?"

"N-nagpapasagot siya ng Assignment niya. Tinutulungan ko lang siya, K-kiara."

"Hmm..hindi ako magseselos kasi ang taba mo at ang panget mo. Pero kapag lumapit pa siya sayo lagot ka sakin! Naiintindihan mo ba?!"

"O-oo!"

Tango ako ng tango sa sinabi niya.
Siya si Kiara, ang sabi nila siya daw ang baliw na ex ni Leo. Naniniwala ako kasi lahat ng nilalapitan ni Leo, sinasaktan niya.

Ayoko matulad sakanila, baka letsunin nya ako.

Pero dapat layuan ko na siya sa lalong madaling panahon. Mas baliw pa yun sakin eh.

Umalis na siya sa harapan ko. Muntik ko ng makalimutang huminga kaya naman singhot ako ng singhot ng hangin.

Ah basta, lalayuan ko na silang dalawa. Baka mamatay ako ng maaga. Kahit ba gusto ko si Leo, kahit pinapakilig niya ako alam ko naman ang limitasyon ko.

Overweight nga ako eh. hindi din ako kagandahan kaya naman imposible na magustuhan niya ako.

diba? eri? Alam mo limitasyon mo? diba diba?

Kashe naman pag malapit siya natutulala ako eh.

Napailing na lang ako at mabilis na naglakad papunta sa classroom namin.

Yung klase na to, kaklase ko si Leo. Kakausapin ko siya na hindi ko na gagawin iyong mga pinapagawa niya sakin.

Hayan na pappunta na ako sakanya..

Magisa siyang nakaupo sa dulo. Sa harapan kasi ako kaya hindi naman talaga kami close, close lang pag may kailangan siya.

"L-leo..."

Tumingin siya sa akin na para bang naiirita siya.

"A-ah e-h huwag m-mo na sana--"

"Sino ka?"

Aray naman.

"Ako si E-eri iyong--ah wala."
Hindi ko na tinuloy kasi mukhang wala talaga siyang pakielam tyaka dumating na iyong prof namin.

DARE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon