Erienne's Pov"ANO NANAMAN RIENNE?! NAGKAMALI KA NANAMAN!"
Napapikit ako ng mariin sa sigaw ng mentor namin. Lahat ng kasali sa kompetisyon na ito ay tinignan ako at tinawanan. Napayuko na lamang ako sa hiya.
"S-sorry po."
"Lagi ka na lang nagkakamali! SANA HINDI KA NA LANG SUMALI KUNG AYAW MO! Girls, ulit tayo sa umpisa!"
Amg daming nagreklamo samin dahil palagi na lang daw umuulit ng dahil sakin. Napapayuko lang ako.
Ilang linggo na ang nakakaraan at malapit na ang Intrams. Nagprapractice na kami ng Ms and Mr pero puro naman ako palpak. Nanliliit kasi ako sa sarili ko, lahat ng kasali dito ay matatangkad at magaganda. Iyong bagay talaga sa Contest na ito. Parang ako lang ang naiiba.
Nakalimutan ko na kung bakit pa ba ako pumayag.
"Rienne. Kaya mo yan."
Nginitian ko si Red na kapartner ko. Siya ang napili sa Room namin pero hindi katulad ko gwapo siya at may pagasang manalo.
Napabuntong hininga ako. Ang dami ko pang dapat isipin. Hindi ko pa nga alam kung anong gagawin kong Talent sa Comtest na to.
Kung magsolve na lang kaya ako ng Math Equation sa harap ng mabilisan? Feeling ko talent yun, kaya ko yun kung ganon.
Dapat pala talaga hindi na lang ako sumali rito. Dapat sa Academics na lang baka manalo pa Club namin. Napabuntong hininga nanaman ulit ako.
"R-red, sorry ah? Nadadamay ka pa tuloy."
"Okay lang. Masyado lang talagang mainitin ulo niyang mentor na iyan. I don't like him too."
Wow. Parehas kami ng Opinyon. Ang mentor na nasa harapan namin ay kanina pa sigaw ng sigaw sa ibang contestant mostly sakin dahil lagi akong nagkakamali. Hindi kaya mamaos ito kakasigaw?
"Tatanong ko lang kung anong Talent mo?"
Napaisip siya sa sinabi ko. Mukhang pati siya ay hindi rin handa sa kompetisyon na ito.
"HEY YOU TWO! HINDI ITO ORAS NG DALDALAN!"
Napayuko kaming dalawa dahil sumigaw nanaman ang mentor.
Ah. Gusto ko ng umuwi.
"BREATH IN! CHEST OUT! CHIN UP! jusq! Maglalakad ka ng nakayuko ha?! Try mo yan sa mismong Contest ng madapa ka!"
Nagkatawanan ang ibang mga kontestant. Hindi ko naman kasi alam ang gagawin ko talaga, wlaa naman akong alam sa mga ganito!
"ISA PA!"
Parang nahihilo na ako sa pagod. Kanina pa kami rito tapos ang init init. Makikita mo na ang mga babae rito ay nagpapaypay gamit ang mga kamay nila.
"Okay ka lang?" Tanong ni Red. Nagthumbs up lang ako sakanya dahil baka sitahin nanaman kami pag nagusap kami.
Nang matapos ang practice namin nagmadali akong nagpasalamat sa langit, syempre sa isip ko lang.
"MAY PRACTICE PA TAYO BUKAS! Walang malalate o aabsent kung hindi huwag na lang kayo sumali! Sige alis na kayo sa harapan ko."
Nagmamadali akong lumabas sa Room na pinagpractice namin. Parang ayoko na, kita niyo namab ugali ng mentor tapos ako pa lagi napapagalitan. Parang ayoko na talaga.
"How's your practice?"
Nakangiting sinalubong ako ni Leo. May dala siyang tubig sakanayang kamay at binigay sakin. Kinuha ko iyon at uminom. Mabilis na naubos ko ang tubig dahil yhaw na uhaw ako kanina pa! Hindi lang ako makapagreklamo at baka mapagalitan nanaman ako kanina.
BINABASA MO ANG
DARE [COMPLETED]
Short Story"I dare you to fall inlove with her.." WARNING: SOBRANG CRINGE AT OVERRATED NA PLOT start: june 15, 2019 finished: september 1, 2019 shortstory series #1 xeveen