Erienne's Pov
Walang sinabi si Leo nung sinagot ko siya. Hindi siya masaya at mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
"Ah Rienne I have t-to go, may laro pa kami."
Nagmamadali siyang umalis sa harapan ko. Nasaktan ako sa ginawa niya, wala man lang ba siyang reaksyon? Ah mali, siguro pinagiisipan niya kung paano niya sasabihin na Dare lang naman ang lahat, na pinaglalaruan lang nila ako.
Ilang araw ko na itong pinagisipan. Gusto ko ng makawala sakin si Leo. Mukha naman kasing masaya siya sa piling ni Monique, sino ba naman ako para ipagkait ang kasiyahan na iyon sa taong mahal ko?
Tumayo ako sa bench at sinundan si Leo. Manunuod ako sa Laro niya. Umupo ako sa pinakadulo, nakita ng mga mata ko rito si Monique, naroon sa bench ng mga manlalaro. Bakit siya nandun? Dahil ba kay Leo?
Sumikip bigla ang dibdib ko. Ah oo nga pala, hiniram ko lang siya sa una pa lang naman hindi naman talaga siya sakin diba? Bakit ba ganito ako dapat tanggapin ko na anh mangyayari saming dalawa.
Na wala talaga kaming happy ending. Natawa ako sa mga naiisip ko. Sa tingin niyo ba may totoong gwapong lalake na magkakagusto sa isang tulad ko? Napakaimposible, walang sino man ang tatanggap sakin kasi hinfi naman ako kagandahan, ang mga tao ngayon kung sino lang ang maganda iyon ang magugustuhan nila.
Wala pa, Eri. Hindi ka pa niya sinasabihan huwag ka kagad umiyak diyan! Ang iyakin mo talaga!
Nanuod lamang ako ng laban nila sa Basketball at masasabi ko na parang may problema si Leo. Nakatulala lamang siya, nung pinasa sakanya ang bola ay pinasa lamang niya ito pabalik. Hindi ko alam kung bakit, anong nagyayari sayo Leo?
Hindi ako nanunuod ng mga basketball dahil hindi ako mahilig sa sports pero alam ko na matatalo na agad ang Team nila Leo.
Ngayon ay pinaoagalitan siya, bakit daw tulala siya? Ang layo ko at hindi ko man rinig pero nakayuko lang siya habang pinapagalitan ng mga teamates niya.
Marami ang nagsaya dahil nanalo ang kabilang team. Umalis na ako sa kinauupuan ko at pumunta kay Leo.
Girlfriend jiya ako diba?
"L-leo!" Hinanap ko sita pero sobrang daming tao nung pagbaba ko, hindi ko na siya mahanap.
"I get it, Monique. Huwag mo na akong sabihan alam ko ang gagawin ko."
"Just do it, Babe! Sinagot ka na pala eh."
"Fuck I know okay!? Umalis ka na."
Nung umalis lamang si Monique tyaka ako lumapit kay Leo.
"L-leo.."
Mukha siyang nakakita ng multo ng makita ako. Lumapit ako sakanya at niyakap siya kahit pawisan. Rinig ko ang lakas ng tibok na nagmumula sa dibdib niya.
"Ang lutang mo kanina." Natatawa kong sabi pero siya seryoso lang kaya nagseryoso na rin ako.
"Rienne, usap tayo."
"Naguusap na tayo ngayon." Nakangiti kong sabi, alam ko na, sasabihin niya na. Hindi na dapat ako masaktan kasi ineexpect ko na ito diba?
Kaya mo yan Erienne.
"Hindi dito, ayoko sa maraming tao. Sa garden tayo."
Sumunod ako sa sinabi niya sobrang kabog ng dibdib ko. Mas malakas pa ang kabog nito kaysa kanina habang rumarampa ako.
Mas kabado. Mas seryoso. Mas masaskatan ako.
Pero okay lang kung si Leo ang mananakit sakin, okay lang talaga.
BINABASA MO ANG
DARE [COMPLETED]
Short Story"I dare you to fall inlove with her.." WARNING: SOBRANG CRINGE AT OVERRATED NA PLOT start: june 15, 2019 finished: september 1, 2019 shortstory series #1 xeveen