Monique's POV"No! No! Leo sakin ka lang!! Sakin ka lang!!"
Hindi niya ako pinansin imbes na maawa ay umalis siya sa harapan ko. Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa inis. Kasalan to ni Erienne! Kasalanan niya tong lahat! Dahil sakanya kaya nagkaganyan si Leo, kami pa sana.. Masaya na sana kami ngayon kung hindi siya dumating sa buhay namin!
Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at ngumisi ng malawak. Ha! Akala ninyo mananalo kayo? Sisirain ko ang buhay ninyong dalawa! Para hindi lang ako ang miserable sating tatlo!
Dali-dali akong umalis sa kwartong iyon, hahabulin ko si Leo. Tatakutin ko siya na kapag bumalik siya sa matabang iyon ay sisirain ko ang pangalan nito, pati ang pangalan niya!
I will tell everyone that Leo cheated on me! Not a bad story huh?
Ang malapad na ngisi ko ay unti-unting nawala nang maramdaman ko na may humawak sa braso ko para pigilan ako sa aking pagtakbo.
Nilingunan ko siya at masamang tinignan.
"Who the fuck are you? Pwede ba bitawan mo ako!"
"Anong gagawin mo?"
"W-what do you mean?"
"Hulaan ko, maninira ka ng buhay ng ibang tao no? Dahil selfish ka."
Sino ba siya? Ano bang alam niya sakin ha! Wala siyang alam sa buhay ko!
"Wala akong pake! Pwede bang bitawan mo na ako?! May gagawin pa ako!"
"No. I won't let you go, Monique."
Nanigas ako sa aking pwesto, paano niya nalaman ang pangalan ko? Tinangka kong tanggalin mula sa kamay niya ang braso ko pero sadyang malakas at mahigpit talaga ang pagkakahawak niya rito.
Naiinis na ako! Hindi niya ba alam na nasasaktan na ako?
"Please let me go already! I have something to do!"
"Papakawalan kita pero sabihin mo muna kung anong gagawin mo."
Hahabulin ko si Leo. Sasabihin ko na kapag hindi niya ako binalikan ay sisirain ko ang buhay ni Eri pati ang buhay niya rin! Kayang- kaya ko yon sa isang pitik lang..pero dahil sa lalakeng ito ay baka hindi ko na magawa!
Sira nanaman ang mga plano ko.
Hindi ko siya sinagot at umiwas ako nang tingin sa mga mata niya. Something felt weird, feeling ko kilala ko siya."See? Ayaw mong sabihin sakin. Kung ano mang binabalak mo itigil mo na."
"Bakit k-ka ba nangingielam?! You know nothing! Ako ang mahal ni Leo hindi ang panget na yon! Pinahiram ko lang sakanya si Leo ng saglit pero ano?! Inagaw n-na niya sakin!" mangiyak-ngiyak kong wika.
"Monique, walang inagaw sayo si Erienne, Leo never loved you."
"What are you talking about?! Wala kang alam okay?! Wala!"
Bumuntong hininga siya bago niya ibuka ang bibig niya para magsalita.
"Monique..the way Leo looks at you is different, sobrang magkaiba kapag tinitignan niya naman si Eri. Do you get my point? He sees you only as his friend..he's attracted to you noon pero kay Eri kung makatingin ito para bang ito ang mundo niya. Sana alam mo yong pagkakaiba ng dalawang yon."
Parang sinampal ako sa pisngi nang dalawang beses dahil sa sinabi niya. Tumulo nanaman ang luha ko dahil dito. Alam ko na siguro iyon pero hindi ko lang maamin. Kung paano siya tumingin sa akin ay ibang iba kung paano siya tumingin kay Erienne.
Pero bakit hindi ako?! Bakit hindi na lang ako?! I'am so much better than Erienne! Mas maganda ako sakanya, mas sexy at mas sikat! Why did he choosed her over me?! Hindi sila bagay!
"She's nothing! isa siyang basura! Bakit pinili ni Leo ang isang basura kaysa sa dyamanteng katulad ko?"
Nakita ko ang galit sa mga mata niya nang sabihin ko iyon. What? I'm telling the truth!
"Dahil sa 'basura' siya masaya at hindi sa dyamante. Tandaan mo Monique, hindi sa pisikal na anyo ang minamahal ng tao kung hindi sa kung sino ito. Ang basurang sinasabi mo ay may tinatagong dyamante sa loob nito."
Tumingin siya sa relo niya tapos ay binitawan niya na ang pagkakahawak sakin.
"Aalis na ako, nandito lang ako para pigilan ka. By the way I'm Red."
BINABASA MO ANG
DARE [COMPLETED]
Short Story"I dare you to fall inlove with her.." WARNING: SOBRANG CRINGE AT OVERRATED NA PLOT start: june 15, 2019 finished: september 1, 2019 shortstory series #1 xeveen