Eight

329 24 29
                                    


Erienne's Pov

"Mali naman tono ng gitara mo, pre."

Kanina ko pa tinitignan si Leo. Ano bang ginagawa niya? Nangingielam siya samin ni Red eh!

"Ah, sige itotono ko ulit."

Lagi niyang pinapakielaman ang ginagawa ni Red sakanyang gitara. Minsan naririnig ko pa siyang bumubulong na "tsk bulok naman to eh"  ako na nahihiya para sakanya.

"Red, gusto mo ba sa bahay na lang namin tayo magpractice?"

Sabay na nangunot ang noo ng dalawang lalakeng nasa harapan ko. Inis na bumaling sakin si Leo.
Eh, kasalanan ko rin naman dapat pala sa apartment ko na lang.

"Andito na kayo, why bother go to your apartment?"

Parang gusto kong irapan si Leo. Tinatanong pa ba kung bakit gusto kong umali rito? Hindu kami makapagpractice ni Red dahil sa kanina pa niya pangingielam, malapit na ang Mr and Ms. Intrams kaya kinakabahan ako kapag nagkamali kaming dalawa.

"Baka kasi naiistorbo ka namin."

"No! I'm perfectly fine. Just fucking do your thing."

Tinignan ko na lang si Leo tapos ay bumaling kay Red na nagtotono parin. Hay, bahala na nga!

"Ayan okay na hehe!"

Salamat naman.

"Leo, ikaw na lang muna judge namin?"

Tumango na lang si Leo. Wala naman siyang choice eh.

"One..two..three."

Pagkastring niya ng guitar naghintya muna ako ng ilang second at kumanta na.

"Rose girls in glass vases
perfect bodies, perfect faces
they all belong in magazines"

Napapatingin ako kay Leo habang kumakanta. Nakatitig lang siya sakin kaya mabilis na namula ang mga pisngi ko at binaling ang tingin sa sapatos.

"Those girls the boys are chasing
Winning all the games there playing
They're always in a different league.

Stretching towards the sky like i dont care
Wishing you could see me standing there."

Bakit ba tamang-tama sakin ang kanatang ito?

"Cause I'm a sunflower a little funny
If I were a rose maybe y-you'd want me
If I could I change overnight
I turn into s-something you'd like"

Nanginginig na ang mga boses ko at tila ba gusto ng pumatak ng mga luha ko.

Katulad na lang sa mga kanta, kung pwede lang maging maganda o sexy gagawin ko, kung pwede lang pumalit ng anyo gagawin ko, para magustuhan mo Leo, para magustuhan ng tao at tanggapin ako ng mundo mo. Kung pwede lang sana, ginawa ko na.

"Cause I'm a s-sunflower a little funny if I were her maybe you'd pick me
If I could I change overnight
I'd turn into something you like.."

Kung ako na lang si Monique, siguro hindi ka na mahihirapang mahalin ako.

"A-ayos ba?" Tanong ko sakanya.

"H-hindi."

Nanlaki ang mata ko. Ibig sabihin panget? Dapat ay magpractice pa kami ni Red para gumanda ng kaunti.

"Bakit?"

Siguro ay dahil medyo nanginginig ang boses ko kaya pumangit. Paano na kaya kung sa harapan pa ng maraming tao ako kakanta? Baka mahimatay na ako.

DARE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon