Four

347 26 24
                                    


Erienne's Pov

"A-ang dami namang tao."

Kaya pala niya ako pinabihis at pinaparlor kasi pupunta kami sa Birthday ng Tita niya. Sobrang engrande ng birthday at parang nahihiya ako kasi ako pa ang kasama niya.

Hindi ako bagay dito. Parang gusto ko ng umuwi. Tapos naalala ko na hindi pala ako nakapagtrabaho kay Mia! Hala, magagalit iyon!

Pero nandito na kasi ako eh.

Nasa tabi lang ako ni Leo. Sobrang tangkad niya at sobrang liit ko naman kapag nagtatabi kami.

Nang pumasok kami sa venue ay lahat ng tao tinignan kami. Nagtataka kung sino daw kasama nung gwapong lalake.

"Darling!"

"Happy Birthday, Tita."

Sinalubong kami ng Tita ni Leo. Mukha siyang nasa mid 30's na pero maganda din. Puro ginto naman ang mga suot niya. Halatang mayaman talaga.

"You didn't tell me, You'll bring a date."

"Biglaan, tita."

Nakataas ng kilay iyong Tita niya at parang sinusuri ako ng mabuti. Napayuko ako pero kailangan kong magpakilala.

"E-erienne M-mendoza po."

"Hmm..parang hindi naman ganito ang mga type mo, iho?"

"Tsk. Uupo na lang kami."

Sinundan ko lang si Leo at kung saan kami uupo. Sobrang nahihiya talaga ako dahil pinaguusapan kaming dalawa. Ang dami ring mga babae ang tinitignan siya at mga mukhang asong naglalaway sa atensyon niya.

Ganon talaga siya kagwapo no?

"Do you want to eat?"

Tanong niya. Umiling ako pero sa pagiling ko bigla na lang kumalam ang sikmura ko. Nakakahiya naman! Tinignan ako ni Leo at tumawa siya ng mahina.

"I'll just bring us some food. Dito ka lang, huwag kang aalis okay?"

Tumango ako. Hindi naman ako aalis dahil wala akong patutunguhan.

Ako lang magisa na sa table namin. Pinagtitinginan din ako. Parang nahiya ako sa suot ko. Masyado bang halata na sobrang taba ko? Kita kasi iyong braso ko. Hindu katulad ng ibang mga babae dito, nakatube, ang payat at sexy tapos magaganda pa.

Ganun siguro mga type ni Leo no? Sexy tapos maganda.

"Bumaba ata ang standards ng pamangkin ko?"

Napaayos ako ng upo at Tinignan ang Tita niya na ngayo'y nakaupo na sa harapan ko.

"P-pasensya na po."

"hmm..si Leo hindi yan nagseseryos, papalit palit iyan ng babae kada week or even days! Sobrang babaero pero you see may pinakilala ako sakanyang babae."

Alam ko naman na hindi seryoso sakin si Leo. Alam ko yon. Minsan hindi ko lang talaga matanggap, o ayaw kong tanggapin.

"You know Monique Fernandez? She's pretty, sexy, smart and a good person. Sobrang bait sa personal! When I saw her nasabi ko sa sarili ko na bagay sila ni Leo."

Alam ko po. Alam na alam ko po. Napayuko ako sa sinabi niya. Ano bang pattunguhan ito? Bakit niya sinasabi ang mga bagay na ito?

Para ba saktan ako? Kung ganon hindi na kailangan. Matagal na akong nasasaktan.

"Yun lang ho ba?"

Nakangiting sabi ko sakanya. Parang nainis siya sa sinabi ko dahil mukha akong hindi apektado.

DARE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon