Two

436 33 16
                                    


Erienne's POV

"Oh, rienne bat namumugto mata mo?"

Nagulat ako sa sinabi ni Mia. Kaibigan ko sa trabaho. Siya din ang may-ari ng Restau na to. Siya ang kaisa-isa kong kaibigan, nagaaral din siya sa school kaso mas matanda siy sakin ng isang taon pero parehas lang kaming senior.

Pero, Ganun ba kahalata iyong mga mata ko?

Ayaw pa nga tumigil nung luha ko eh, kahit nung pagsakay ko sa jeep kaya pinagtitinginan ako ng mga tao eh.

"Ah, nakagat ng ipis."

"Really?"

Mukhang hindi siya naniniwala. Hays. Kasi naman simula nung umalis ako sa School biglang naginit iyong mata ko at walan tigil akong umiyak.

Masakit kaya yung pakiramdam na paglalaruan ka.

"Oo. Mia."

"Okay ka lang ba talaga?"

"O-oo naman!"

"Psh. I believe you pero bago muna tayo magkwentuhan magtrabaho ka na," Nginitian ko siya at pumuntang staff room para magbihis ng uniporme dito sa Restau.

Mahabang oras pa ako rito. Mabuti na't isipin ko na lang ang trabaho ko at huwag sila Leo at Monique.







"Hi,"

Nagulat ako na pagdating ko sa School nasa harapan ko na si Leo. Malungkot akong tumingin sakanya. Hindi naman talaga siya ganito sakin. Hindi niya ako pinapansin tuwing may kailangan lang siya.

"A-ah! Nagawa ko iyong Assignment mo eto nga pala."

Hinanap ko sa bag ko iyong Notebook na binigay niya sakin tapos ay sinauli ko sakanya.

"Tsk. Starting today don't do anything for me now."

"Sige. Iyon din sana ang sasabihin ko kahapon kaso umalis ka. Leo alam ko na pa--"

"Can i court you?"

Hindi ko alam kung bakit dire-diretso niya iyong sinabi pero parang tumigil iyong mundo ko, sobrang lakas ng tibok ng puso ko n na para bang ilang minuto na lang ay lalabas na sa katawan ko.

Bakit ganito? Bakit ganito ang epekto mo sakin Leo? Kahit na iyong pagkakasabi mo ay hindi sincere, kahit na alam ko na laro lang ang lahat para sayo--sainyo bakit ganito?

Dapat ay galit ako sayo. Dapat ay umiyak ako dahil paglalaruan niyo ako. Pero iba ang nararamdaman ko ngayon.

"S-sige, okay lang,"
Ang tanga ko talaga. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon. Dapat ay pinigilan ko ang nararamdaman ko. Masasaktan lang ako kay Leo.

Kahit na alam kong dare lang naman ang lahat.

"Really!?"

Mukhang gulat siya na masaya na ewan. Iba-ibang emosyon ang pinakita niya sakin.

"I'll take your bag. Okay lang ba?"

"Ha?"

"I said I'll take your bag with me."

"Huwag na. Kaya ko naman."

"No I insist."

"Bahala ka."

Nahihiyang binigay ko sakanya ang bag ko. Kinuha niya ito at binuhat. Kahit kaunting oras lang ibigay mo sakin Leo. Kahit kaunting oras na makasama ka.

Kahit alam kong iiyak ako bandang huli.

Hindi kita sisisihin kasi ginusto ko rin naman ito. Naglakad na kami ng magkasabay sa Corridor. Nakakahiya kasi pinagtitinginan pa kami ng mga tao. Tapos nakita ko pa si Kiarra na nakasimangot sakin.

DARE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon