Erienne's Pov"May sasalihan ka ba sa Intrams?"
Tumango siya sa sinabi ko.
"Probably Basketball."
Napatango-tango ako. Oo nga pala, magaling siya sa Basketball. Dapat nga ay Varsity siya ng Basketball Team dito sa School pero isang araw na lang ay umayaw siya bigla.
Gusto ko siya noon diba? Kaya alam ko iyon. Siya pa naman ang pinakamagalin at may pinakamalaking potential sa kanila. Sayang.
Gusto ko sanang tanungin siya tungkol roon pero baka naman magalit siya bigla sakin at sigawan ako.
"Ikaw ba?"
"S-sa Ms. Intrams ako sinali nila Sir."
Para siyang nainis sa lumbas sa bibig ko. Kinuyom niya ang mga kamao niya na para bang ready na siyang manuntok kung sino ang una niyang makikita.
Hinawakan ko ang kamao niya unti-unti itong nawawala sa pagkuyom kaya ang ending ay magkahawak kamay na kami ngayon.
"Ayaw mo ba? Sasapakin ko na lang iyong nagvolunteer saiyo na isali ka don kapag ayaw mo."
Natawa ako sa sinabi niya pero seryoso lang ang mga tingin niya sakin. Napahinto tuloy kami sa paglalakad papuntang room.
"Joke yon diba?"
"I'm serious, Eri."
Ang totoo niya, ayaw ko talaga. Halata namang pinagtripan lang ako ng mga kaklase ko dahil mataba at hindi ako kagandahan. Siguro gusto nilang pagtawanan ang katawan ko at ang gagawin ko roon sa stage.
Pero, ayokong pagtawanan. Ayokong maging mahina sa mga mata nila (kahit totoo namang mahina ako) kaya napagdesisyunan ko na sasali ako.
Hindi ko ineexpect na manalo pero gagalingan ko at gagawin ang makakaya ko."Okay lang. Susubukan ko na rin."
"You sure?"
"Oo."
Tapos ay nginitian ko siya, nginitian niya rin ako pabalik at ginulo ang buhok ko. Naiinis na tinignan ko siya.
"Huwag mo nang guluhin! Kakayaos ko lang nito eh."
Tinawanan niya lang ako kaya naman napanguso ako.
"A-ah. Teka pupunta muna akong washroom."
Kumunot ang noo niya sakin. Binitawan niya ang pagkakahawak sa kamay namin at nagsalita.
"Samahan kita."
"Huh? Wag na."
"Baka kung ano nanaman ang mangyari sayo don."
"Bahala ka."
Pagdating sayo, minsan talo ako. Sabay kaming pumunta sa C.R naghintay lamang siya sa labas.
Naiisip ko na ilang araw na lang, ilang araw na lamang ay sasagutin ko na siya. Isang Month lang ang gusto kong ihingi sakanya, pagkatapos noon ay paniguradong panalo sila.
Panalo sila sa laro. Ang paibigin ako. Ah, hindi. Mali. Hindi pa nga nagsisimula ay hulog na hulog ako kay Leo. Kahit noon na hindi niya ako pinapansin at kinakausap. Presensya niya palang kinikilig na ako.
Kaya natatakot ako na kapag mawala siya ay mabaliw na ako ng tuluyan. Baka hindi ko kayanin ang sakit..pero gusto ko pa siyang makasam ng matagal, gusto ko pang maging sweet siya sakin kahit na hindi naman totoo.
"Balita ko kasali ka daw Ms. Intrams?"
"M-monique.."
Tinanguan ko siya. Nasa harapan siya ng salamin at naglalagay ng lipstick na pula sakanyang labi. Mas lalo siyang gumanda dahil sa lipstick.
BINABASA MO ANG
DARE [COMPLETED]
Short Story"I dare you to fall inlove with her.." WARNING: SOBRANG CRINGE AT OVERRATED NA PLOT start: june 15, 2019 finished: september 1, 2019 shortstory series #1 xeveen