Time check: 1 am
Antok na antok na ko kasi galing kami ng recognition kanina tas diretso byahe na grabeee pero okay lang kasi excited na ko ngayong bakasyon.
Sino ba namang may ayaw ng bakasyon dibaaa?
Btw guys nasa kotse kami ngayon on the way to Bulacan.
Susunduin namin ang mga kaibigan ni mama.
Mag asawa sila and may anak sila na mas matanda daw sakin ng 2 years .
Let me introduce myself pala muna guysss
I am Berlin F. Orcena , 17 years old. Mag gegrade 12 ngayong pasukan and nag aaral sa Saint Claire University.
Humss ang kinuha ko and wish me luck ngayong g12 guys XD .
Btw ang height ko ay 5'5".. di rin sobrang payat di sobrang taba lol katamtaman lang kasii ehhh.
Yung tipong pag naparami yung kanin nagkaka puson hahaha pero pag diet dietan eh wala naman hahaha.
Maganda ako sabi nilaaaa hahaha makinis kasi and mejo maputi.
Humble ako guys kaya di ko na idedescribe sarili ko hahaha baka humangiiiin
So back to reality andito na kami sa Meycauayan Bulacan and hinahanap yung Village kung nasaan nakatira sina tita Celeste (bestfriend ni mama) ..
Hindi ko alam kung bakit sila nagpapasundo pero si mama kasi nagmamadali na puntahan talaga sila..
Nagdadasal nalang kami dito ni Sam (my younger sister) kasi Grabeeee ang tulin ng patakbo ni momsiee.
Magkatawagan sila ngayon ni tita at naguusap sila kung san papasok si momsiee
And teneeeen we made it.
"Hi po tita" bumeso ako pagka baba ko ng kotse at ganun din ang kapatid ko
"Berlin ang laki laki mo na.. And manang mana kayo ni Sam sa ganda ng mama"
"Thankyou po tita. You're so pretty din po" i smiled
Inakay na kami ni tita papasok sa bahay nila.
Ang ganda ng bahay nila and malinis.
Hindi sya katulad ng magagandang bahay na may pool at magandang garden ahhh.
Hanggang second floor sya at malinis super as in pwede kana magsalamin sa tiles nila.
Maaliwas and maluwang.
Cute ng bahay nila maganda yung interior.
Pagpasok namen ay bumeso si tito kay mama at bumeso din saken.
Parang ambabait kamo talaga nilang dalawa, nameet ko sila dati nung 7 palang ako and yung anak nila na lalake pero sa ospital yun kasi sakitin si Adam.
"anak labas ka muna may playground dyan sa labas ng bahay nila tita Celeste mo dun ka muna may paguusapan lang kami" bulong sakin ni momsiee
"Momsiee eh si Sam?"
"tutulog daw sya sa kwarto sa taas hahatid ni tito mo. kakahiya naman nga eh kaso pagod na "
"edi sa taas nalang din po ako momsiee"
"osige kaso walang signal daw dun."
"ngeks"
"oh kaya sa labas kanalang sunduin kita dun pag tapos na kami magusap usap"
"opo"
Dumiretso na ako palabas at ngumiti muna kina tita.
Ano kaya paguusapan nila?
Ang chismosa ko ba hahaha sornaman
Parang importante kasi ata masyado
Pumunta na ko sa swing ng playground at nagduyan.
Nilagay ko sa magkabilang tenga ko yung earphones ko and started to close my eyes and sing along.
My tears started to fall..
Kasalanan ko ba kasi talaga na I made promises na akala ko matutupad ko and hindi pala.
Kasi nung time na nangako ako eh akala ko matutupad ko talaga.
But i think..
Tama din yung naging desisyon ko.
Imbis na paasahin pa si Liam na matutupad ko yung pangako ko na i'll stay forever.
I just want to be honest sakanya.
Tyaka after nung nagawa nya.. Ewan ko na
Pero kasalanan ko parin ba talaga?
Dahil dun
Unti unting nagfade yung feelings ..
Hindi ko alam kung pano o kelan.
It just happened at ang tanging nasa isip ko nalang ay kelangan kong mag move on sakanya.
Nasaktan ko sya oo.
Nasaktan nya rin ako
Pero i know he understands.
Halos mag wa-one year na din kami .
Simula 4thyear pa kami eh and we ended our relationship nung grade 11
Seryoso talaga kami and nararamdaman ko yun.
Pero wala ehh.. Madaming nagbago
And sabi nila na love never fails.
So if it fails eh hindi sya love.
I can feel my tears falling down .
Mixed yung emotions eh... Relieved na free na ko na hindi na ko nagsisinungaling at di ko na sya pinapaasa
Pero masakit din na naka sakit ako and the memories can never be erased.
Aaminin ko nung una .. I broke up with him because I feel like hindi ko na sya ganun kamahal katulad ng dati
Dahil din sa mga nababalitaan ko about him..
Tinry ko kung aamin ba sya pero
"ehem"
But now mag gegrade 12 na ko. Hindi ko na dapat baunin yung ganong mga bagay
"ehem"
Think positive Berlin aja aja fightinggg
Lezgooo and be positivee coz life never stops
"aray!"
ano ba yunn bat may nagtanggal ng earphones ko?
BINABASA MO ANG
Broken Guy Meets Broken Girl (ONGOING)
RomanceNakilala ni Adam si Berlin the day he broke up sa girlfriend nya. Without knowing na si Berlin ay nagsusuffer parin sa breakup nya kahit na ang tagal ng panahon nung nangyare yun. Titira si Adam sa bahay nila Berlin because of an issue na kailangan...
