Berlin's Pov
Nagprisinta si Adam na ihated na tong si Liam .
Tuluyan na kasing nakatulog hays
"Kapain mo yung bulsa baka andyan yung susi ng kotse nya"
Sabi ko kay Adam dahil mas malapit naman na sya kay Liam hihi tamad ko talaga
"eto nahanap ko na. tulungan mo nalang akong alalayan to"
"sige"
At ayun na nga po pinagtulungan namin na ipasok si Liam sa kotse nya
"Juskoo Adam yawkonaa ang bigat!" sabi ko pag ka bagsak nmin ni Adam kay Liam sa passengers seat.
"puro ka reklamo eh bisita mo yan"
At ang cold nanaman ng mukha nyaDi ko nalang sinabayan yung attitude nya dahil baka magsabog lang kami.
Gets ko naman na parehas kaming pagod. Ang daming ganap ngayong araw tas inabala ko pa sya para dito kay Liam
Umupo naman na si Adam sa seat ng driver at ako naman yung dun sa tabi nya sa unahan
Tahimik lang syang nagddrive
Galit ba to?
Baka pagod lang..
"adam sorry naabala pa kita. Kung marunong lang sana akong magdrive edi sana-"
"edi sana ikaw nalang naghatid?"
"oo".
Lalong nagiba ang muka nya habang nagddrive. Diretso lang ang tingin Nya sa daan pero ewaaan ang blangko ng muka nya. Nakakatakot
"ganun ba yun Berlin?"
"oo eh kung marunong naman talaga sana akong magdr--"
"tapos ano? Kaya mong bitbitin to pauwi sa bahay nila?"
"hindi pala hehe"
"magisa lang ba to sa bahay nila"
"oo"
"tapos may balak ka pang ihatid ng kayo lang. Pano kung may gawin to sayo"
Aba nagagalit na po talaga sya . Pero yung galit na may halong concern naman
"Adam di kita sasabayan ngayon sa init ng ulo mo. Hindi ko alam kung bakit ka nagagalit pero.."
"panong hindi magagalit . Ang tanga ng mga sagot mo"
"teka nga Adam . Tinatanga tanga mo nalang ako ngayon? Wow ah. Ang ayos ayos kong kumausap sayo"
"isipin mo nga Berlin. Lalaki padin to. Pano kung wala ako .. Edi ikaw pa naguwi dito tapos ano? Sa kwarto mo dadalhin tapos ano pa? Baka manyakin ka neto"
Bat ba ang OA nito
"edi maraming salamat po at dumating ka sa buhay ko" i said in a sarcastic way
Bigla naman syang napatingin sakin saglit bago ibalik ang tingin nya sa daan
"Berlin hindi ako natutuwa sa tono mo"
"eh ako muka bang nageenjoy sa ugali mo? " sabay erap ko pa
"sige. Magmatigas ka pa"
Hindi ko nalang sya pinansin.
Nagsasalita lang ako kapag ituturo ko yung daan .
At ayunn nakarating naman kami kina Liam na tulog na tulog paden sya
"magdodoor bell nalang ako sakanila baka andyan si manang Minda at manong Rolly" sabi ko na super inis paden yung tone
Hindi naman nya ako sinagot at lumabas na nga ako ng kotse

BINABASA MO ANG
Broken Guy Meets Broken Girl (ONGOING)
RomantiekNakilala ni Adam si Berlin the day he broke up sa girlfriend nya. Without knowing na si Berlin ay nagsusuffer parin sa breakup nya kahit na ang tagal ng panahon nung nangyare yun. Titira si Adam sa bahay nila Berlin because of an issue na kailangan...