Broken Guy Meets Broken Girl

55 6 0
                                        


Adam's Pov

Ginabi na kami ng uwi ni daldal ngayon. Naglalakad kami sa village nila para daw sumexy sya at lalaban pa daw kami sa pageant .

Nakapag audition na kami sa club na gusto nya hahaha kawawa si daldal di naman pala kasi kailangan na may script script

Dahil yung club officials mismo nagbigay ng eksena samin hahaha yung hilatsa ng muka ni Berlin nung nalaman nya na ganun eh hahaha di maipaliwanag

"hoy Adam bat patawa tawa ka dyan!" sabi nya ng makarating kami sa tapat ng gate nila

Peste nahuli pala akong tumatawa

"wala may naalala lang wag kang mausisa"

"ewan ko sayoooo pero diba f na f ko yung ganto na busy busyhan kunware hahah kasi may practice sa pageant tapos nag aaral pa tayo yiee feeling celebrity ako" 

Good mood na good mood ata to ah
Maaway nga

"di naman bagay sayo maging celebrity"

"omg how dare youuu. Bagay kayaaa"

"sama ng ugali mo tapos takaw takaw pa"

"atliz sexy padin namaan" umuusok na tenga nyan hahaha

"sino may sabi na sexy ka ha?"

"yung mga lalaki kaninaaa habang nagpapractice sabi nila na I'm the best among the rest!"  nakapamewang nya pang sabi

"Suntukan pa kami ng mga yun eh"

"hayieee nagseselos ang boyfieee kooo"

Kanina nya pa ko pinuputakte sa boyfie boyfie nayan. Dahil ang alam nga ng iba ay kami na

Nilagpasan ko lang sya at tuluyan ng pumasok sa bahay

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko . Mukang wala sina tita sa bahay..

Nag shower lang ako  at nahiga na sa kama.

Nakakapagod nga ngayong araw .tama naman si daldal napaka busy ngayon

Ipinikit ko na ang mga mata ko

Gusto ko ng matulog

Pero si daldal  kumain na kaya?

Di pa nga pala kami kumakain .

Ang huling kain namin eh yung bago kami mag practice para sa pageant

Bigla akong napabangon sa kama ko at lumabas ng kwarto

"Berlin parang awa mo naaa"

Ano yun?

Parang sa kusina nanggaling yung boses

Di na ako nag atubiling pumunta doon

Ito ba yung..

Sino ba yun ?

Ryan?

Brian ?

Ano bang pangalan nunn

"Liam ano ba"

Ayunn Liam pala

Yan yung nakita namin ni Berlin sa mall dati ah

Yung parang ex nya ba yun

Nagtago ako sa may pintuan sa kusina

T*ng ina lasing yata yung Liam

Berlin's Pov

Haysss kakapagoddddd naligo muna ako at pagtapos nun ay pumunta ako sa sala para manuod ng tv

*Malibu nights playing*

I reached for my phone beside me and tinignan kung sino ang tumatawag

Si Liam

Bigla akong nakaramdam ng kabog  sa dibdib ko

Kinakabahan ako..

It has been awhile since he called me

I can still clearly remember that night na I went to the bar kung nasaan sya

And I saw him kissing another girl

Haha bat ba binabalik ko pa ang past

I answered the call out of curiousity

Di ako ngsasalita

I'm waiting for him to talk

"Berlin patawadin mo na ako sa lahattt Hindi ko alam kung bakit ka nagka ganyan sa akin. kayo na raw nung Adam? "

Wait is he drunk?

"...."

I gave him no response

"Berlinnnn are you there? Sagutin mo naman ako oh! Kayo na baaa?"

Oo lasing nga siguro sya..
Napaka engeng eh

"If you won't answer me. Just open your gate. Nandito ako sa labas"

At narinig ko na parang nasusuka na sya

Lumabas ako at pinagbuksan sya ng gate. Naabutan ko syang nagsusuka na sa labas

Tinap ko ang likod nya para naman gumaan gaan ang pakiramdam nya




Broken Guy Meets Broken Girl (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon