"Adam tara muna sa labas" pinabayaan ko nalang si Berlin na hilahin ako.
Mabuti na rin siguro to kesa tuluyang tumaas yung emosyon ko at baka kung anong magawa ko sa babaeng yun
Dinala ako ni Berlin sa garden ng school. Walang tao dahil lahat ay may klase ngayong oras na to
"Adam upo muna tayo" sabay upo nya sa isang bench. Umupo na rin naman ako
"Berlin pasensya na"
"ayos lang yun noh" tumingin sya sa mata ko at ngumiti sya sa akin
"Hindi ko na mapag timpian yung babaeng yun "
Palagi din ako nilalapitan nun at minemessage sa social media.
Nakakainis yung mga ganoong babae mga atat.
"alam mo.. " napahinga sya ng malalim at tumingin sa puno sa di kalayuan na katapat namin
"hmm?"
"ayokong may napapa away ng dahil sakin pero ngayon ewan hahaha natuwa ako" lumingon sya sakin at ngumiti
Nakakawala ng galit yung ngiti nya
"Hindi na kasi tama yung kanina Berlin. Pero bakit ka naman natuwa?"
Tinignan k osya sa mga mata nya at napansin na .. Naiiyak sya?
"teka bakit naiiyak ka? May masakit ba sayo?" bakit naluluha to si daldal?
"masaya lang ako" may pumatak na luha na sa mata nya.. Ayokong nakikita syang umiiyak
Pero yung mga mata nya.. Hindi sumisigaw na malungkot sya.. Nakikita ko na parang masaya nga sya
"hahaha ang weird pero I feel like protektado ako at that time. Kahit sa maliit na bagay alam ko na hindi mo ko pababayaan " her tears started to fall again
Umusod ako sa kinauupuan ko para mas lumapit sakanya .
Gamit ang left hand ko ay ipinatong ko ang ulo nya sa balikat ko..
"Berlin .. I don't really want to see you cry.."
"bakit? *huk* Tears of joy naman to ah" iniangat nya ng onti ang ulo nya para makita ang muka ko
"Alam ko naman. Sana nga laging tears of joy lang ang dahilan ng pagiyak mo."
"sana nga.." sumandal ulit sya sa balikat ko
*dug dug dug dug*
*dug dug dug dug*
I don't know what I am feeling . But one thing is for sure... There's nothing wrong with it kahit ano pa yan .
Sherdon's Pov
Masakit pala yun noh? Kala ko dati nung wala na si Berlin at si Liam.. Kahit papaano ay mapapansin nya na ko.
Nasabihan na akong play boy ng lahat pero wala akong pake.
What's wrong with trying my luck with other girls?
Na baka sakali may isang tulad ni Berlin sakanila..
Na baka magselos din si Berlin na may iba akong pinopormahan na babae
Ngayon naka sandal pa si Berlin sa balikat nung Adam.
Dapat talaga sinabi ko na kay Zindy na nakita ko na tong kinaaadikan nyang lalake eh haha
Edi sana nasakin si Berlin diba?
Edi sana solo ko sya diba?
Teka
Sorry sorry. Mali tong naiisip ko
Masyado akong nadadala ng emosyon ko
mali to.
Kung saan masaya si Berlin dapat suportahan ko sya
Dapat kung saan ang mas makakabuti sakanya ay suportahan ko sya.
Sorry sorry
Sorry sa mga naisip ko kanina.
Aalis nalamg siguro ako sa garden na to..
Kaya lang naman ako nandito ay dahil nakita ko si Berlin na hinila si Adam papunta dito kanina habang papunta akong cr
Nagalala lang ako na baka nagaaway sila o ano
.
.
Dumiretso na ako sa court para magtraining ng basketball
Bakit walang naglalaro?
"pre wala bang training" sabi ko dun sa dumaan na team mate ko
"wala daw pre pero tara sa bench manuod tayo." mukang excited na excited tong si Joseph ah
"anong meron ba pre?"
"may audition ng cheering squad(๑♡∀♡๑)"
Ito talagang si Joseph kahit kailan manang mana sakin haha!
Naupo na kami sa isang bench at pinanuod yung mga nagaaudition.
Andun din sina Cara at Shiela
Mga 30 mahigit siguro ang nagaaudition
Magaganda naman sila.
Matatangkad
Mahahaba ang legs
Makikinis
Mga magagaling sumayaw
Pero walang papantay kay Berlin
"Huy pre iniisip mo nanaman si Berlin noh?"
Takte naman to si Joseph sinisira yung pagiisip isip ko
"Palagi naman" sagot ko sakanya
"sa lahat ng babaeng nadate mo wala kapa din talagang natitipuhan ah?"
"wala."
"eh iyon?" sabay nguso nya sa isang babae
Maamo ang muka
Maganda, matangkad, makinis , maputi
Pero mukang maarte
Si Berlin simple lang.
I still prefer Berlin's simplicity
"Candice DelaFuerte is the name. 17 years old and I've been in a dance troop since first year high. I'm also a part of the cheering squad in my previous school"
Then she started performing.
Oo magaling nga
Confident at halatang she knows what she is doing .
Lumingon sya sa part namin at kumindat?
"pare whoooo kumindat satiiiin!"
"sige pre alis na ko".
"ha? Di mo ba naeenjoy yung audition?baka dyan mo mahanap ipapalit mo kay Berlin oh"
Di ko nalang sya pinakinggan at umalis na ako. Matutulog nalang siguro muna ako sa resting room naming mga athletes.
BINABASA MO ANG
Broken Guy Meets Broken Girl (ONGOING)
RomanceNakilala ni Adam si Berlin the day he broke up sa girlfriend nya. Without knowing na si Berlin ay nagsusuffer parin sa breakup nya kahit na ang tagal ng panahon nung nangyare yun. Titira si Adam sa bahay nila Berlin because of an issue na kailangan...
