Berlin's Pov
"huwaaaaat!? Ma namaaaan" sabi ko sabay takip sa bibig ko. Shemss napalakas ata boses ko (+_+)
"Ano bang problema dun anak? Mageenroll lang naman kayo ni Adam"
Kumakain kami ngayon sa dining area at ayuuuun si Adam the great nagpipigil ng tawa.
Kakainisss porket nauna sya na nilikha ng diyos nung unang panahon eh akala nya naman kung sino syaa ( ̄へ ̄)
"Eh bakit po kasi di kayo sasamaaa?"
"Dito nalang kami ni Sam. Nak naman ang tatanda nyo na kaya nyo nayan.. Nasayo naman na Adam lahat ng requirements mo diba?"
"opo tita"
"edi okay na pala. Bilisan nyo na kumain at baka madaming nageenroll ngayon.. Pila pa kayo"
Napalunok nalang ako ng laway haysh
Nakakahiya padinnn >_<Nagddrive si Adam ngayon at nagsasalita lang ako tuwing magtuturo ako kung saan yung daan.
Ewan ko kung bakit pero parang may gusto syang itanong sakin na ewan.
Baka gumagawa lang ako ng issue hahaha nakakabaliw na kasi ang silenceeee
"ayan dyan ka papasok sa gate nayan. May parking lot dyan" Sabay turo ko dun sa gate.
Nagpark nakami at ang tahimiiiik gigel. Wala pang bumababa ng sasakyan..
Ano to walang lalabas?
Tiningnan ko si Adam at nakatingin lang sya ng diretso sa mga kamay nya na nakapatong padin sa manibela.
Yung mga kamay nya..
Nanginginig?
Dahan dahan kong inangat ang kaliwang kamay ko at dahan dahang pinatong ito sa balikat nya
Nagreact yung katawan nya sa ginawa ko. Halatang nagulat ko sya
"Ah eh sorry ahh.. Pero May problema ba Adam ?
"w-wala" lumingon sya sakin pero halata kong may iba sa kanya.
Napansin nya siguro na napansin ko na iba sya kaya dali dali syang bumaba ng van at naglakad.
Tsk di pa nga nya alam yung pasikot sikot ng school ehhhh haysh pasaway talaga haha
Lumakad ako ng mabilis para mapantayan ko sya..
May mga ibang papasok nadin ng entrance para siguro mag enroll
"uy Adam ayos kalang?" sabay sukbit ng kamay ko sa braso nya
Napatigil sya sa paglalakad at tumingin sa akin.. Ganda ng mata nya gigel ≥﹏≤
"uy ayos kalang?"
"Pwedeng sa ibang araw nalang tayo magenroll?"
"S-sure.. Pero bakit?"
Oooops mukang wrong move ata yung pagtatanong ko.. Parang nalungkot yung mga mata nya eh >_<
"okay ganto nalang Adam.. Mall nalang tayo sayang porma ko hehe" ヾ(〃^∇^)ノ
Napatawa naman bigla si Adam dahil sa sinabi ko waaaah mabuti naman at napatawa ko sya.
Bumalik na kami sa kotse at inistart nya na yung kotse.
Lumingon sya sakin at ngumiti.

BINABASA MO ANG
Broken Guy Meets Broken Girl (ONGOING)
RomanceNakilala ni Adam si Berlin the day he broke up sa girlfriend nya. Without knowing na si Berlin ay nagsusuffer parin sa breakup nya kahit na ang tagal ng panahon nung nangyare yun. Titira si Adam sa bahay nila Berlin because of an issue na kailangan...