Broken Guy meets Boken Girl

44 5 0
                                        

Sherdon's Pov

Nung natanggap ko yung text ni Berlin ay nandito naman na din ako sa may stage.

Akala ko magisa lang ako magpapractice ngayon mabuti naman at pumasok sya

Ibinilin sya sakin ni Adam at babalik na pala yun ng Bulacan

Ayos din na sinigurado nya na hindi mapabayaan si Berlin.

Pero alam naman nya na hindi ko talaga papabayaan tong bespren ko na to kahit di nya ko sabihan.

Mahal na mahal ko kaya to :-)

Nakaupo ako sa hagdan ng stage .. Wala padin yung magcocoach samin.

Kami lang ni Berlin ang magpapractice ngayon.

Hindi kami kasabay sa mga strand representatives kasi sa school lang naman daw based yung event na yun

Yung sa amin ni Berlin, pang buong Cavite.

Nakanang diba!

Umaasenso na yung career ko hahaha joke lang

Eh kesa nga naman yung Liam na yun diba?

Akala ko nga din na baka yun ang kunin dahil model ng school yun pero mabuti nalang nirefer din ako ni Adam

Pogi rin kaya ako! May lahi paaa

Alam nyo nman na half korean ako diba.

Kamuka ko yung yung Jungkook niyooo

N/a: Mga army dyan labaaaaassss hayieeee . Sino bias nyo sa Bts? Yung mga walang paki po dyan sa Kpop world hahaha ayos lang yann normal lang yan lab ko padin kayooo ฅ'ω'ฅ

Hindi nga lang ako marunong mag korean. Bata pa ako nung iuwi dito sa Pinas kaya ayun.

Ang tagal naman nung coach at ni Berlin

Kakabagot magintay hanapin ko na kaya si Berlin?

*blaaag!*

Napatayo ako bigla sa pagkakaupo sa hagdan sa stage at tumakbo papunta kay Berlin na natisod

"Berlin ayos ka lang?"
Sabi ko nung naitayo ko na sya

Hindi nya naman ako sinagot at parang hindi nga nya ako nakikita at hindi nya yata ako naririnig.

"Huy Berlin!"
Niyugyog ko na sya at tumayo ako sa harapan nya

"Ay sherdon ikaw palaa hehe sorryyy lutang lang ako ngayon"

"muka nga"

"sorry hehe tara practice na?"

"wala pa yung mag cocoach sa atin"

"sino daw ba ang magcocoach"

"di ko rin alam ehh"

"sorry nalate ako"

Sabay kaming napalingon ni Berlin sa nagsalita

Pagkakataon nga naman

"oh pare kaw pala?" bati ko kay Liam

"di naman malabo haha model yan ng school eh" nahihiyang sabi ni Berlin

"Berlin Thankyou pala last night. And I'm sorry"

Ano naman kayang nangyare

"bakit anong nangyari?"

"wag mo na itanong Sherdon. Coach naten si Liam ngayon. Tama na ang chismis"

Eh ano naman kaya talaga yun?

May ginawa ba tong masama si Liam

"Berlin magsabi ka ng totoo. What happened?" bulong ko sakanya

"He went to my house and he is drunk"

"what happened next?"

"Adam drove him home"

"that's all?"

"yah. Pero teka nga bat ba tayo nageenglish hahaha"

"nasimulan ko ata haha sorry"


Berlin's Pov

Hindi naman narinig ni Liam yung bulungan namen dahil pumunta sya sa stage para ayusin yung magigung music para sa rampa.

And you know what guyss? May talent portion pa pala juskooo

Parang binibining Pilipinas na ata tong sinalihan ko jusko

Mauubos pera ni momsiee sa pag suporta sakin dito eh hahaha

Pero ang twist nya guys ay walang rampa na magisa lang ako.

Laging sabay kami ni Sherdon

Pero syempre.. Pwedeng isa lang manalo samin .

Individual padin daw ang scoring and judging.

Jusko guys malaman malaman namin ni Sherdon na may talent portion din pala

Parang gusto na naming mag backout nung may swimsuit din juskoo

Si Sherdon ayos naman daw sya dahil nay abs daw sya haruuuu gusto nga nya ipagmalaki yun eh kaso ayaw nya ko mag two piece huhuhu ayoko din naman kasi mag ganuun

Pero no choice guysss

Pipili nalang kami ni momsiee ng two piece na elegant padin. Yung tipong di super showy. Gusto ko di bastusin tignan.

Bale guys ganto yung mga ganap

- Uniform yung suot
-Casual wear
-Long gown
-swim wear
-evening gown
-talent portion
-question and answer
-elimination (pwedeng si Sherdon lang magapatuloy or ako lang.pede ding talo kmi parehas. Depende sa scores and after ng elimination ay kanya kanya na kami ni Sherdon. Di na kami pair"

-(last but not the least) Coronation

Ayan guyss ganan kadaming ganap sa loob ng isang pageant night

Juskooo buti next 2months pa tooo nakakapag diet dietan pa ko hahaha kala mo talaga sesexy ako eh

Wish us luck guyss

Sana manalo kami ni Ad--

Este ni Sherdon pala hehe

Nagsimula na ang practice after iexplain ni Liam ang lahat.

Mejo awkward na ex ko yung nagtuturo pero okay nadin past is past >_<

"Berlin hawak ka ng maayos kay Sherdon. As in yung pang couple na holding hands"

"ah sige sige"

"ayan good"

"sherdon alalay kay Berlin lagi ah. Tyaka yung eye contact pag kailangan wag mawawala"

"sige pare"

"by the way .. Okay na yung rampa nyo. Bagay sa music . Make sure lang na may resemblance yung isusuot nyo sa isat isa"

"oo tama ngaaa. Sherdon sabay tayo mamili pag pang talent lang naman at casual wear. Yung gown ko iiinform nalang kita if what color"

"oo tama sige.."

"and guys yung tingin nyo sa isatisa dapat inlove na inlove. Ayoko ng parang niloloko nyo ang mga nanunuod sa inyo"

Hayshh ang hirap naman nunnn

"tyaka I Can still sense some nervousness at ilangan between the both of you. Kailangan iwork out agad yan . Maaaral naman yan. Just try to be more comfortable with eachother. Understand?"

"yesss" sagot naming dalawa ni Sherdon

"okay patingin ulit ako "

At ayun guysss paulit ulit lang ang ganap

Hayyy kakapagoddd

After how many hours of rehearsals ay pina uwi naman na kami ng maagaaaa

Haysh buti nalang.

Dahil nasira nanaman ang araw ko ngayon

May nagawa nanamn si Liam..

Bakit ba kapag nalilibang ako eh may isang problema nanaman .









Broken Guy Meets Broken Girl (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon