Brent's Pov
Umuwi agad ako pagkagaling sa university at nagpalit ng damit..
Nakatanggap ako ng tawag kanina habang pauwi ako na may gulo nanamang ginawa ang nanay ko
Yan ang kauna unahang dahilan kung bakit gustong gusto kong magsarili na at lumayo sakanila
Sino banamang magkakagusto sa buhay ko
Matalinong babae ang nanay ko pero tulad ng iba eh pag dating sa lalaki eh game over na
Kaya nung iniwan sya ng tatay ko na may asawa naman na pala .
Iba ibang klaseng pagpapakamatay ang ginawa ng nanay ko kahit alam niyang pinagbubuntis nya ako
Himala nangalang na nabuhay pa ako.
Nasa mental hospital ang nanay ko dahil ipinasok na sya dun ng lolo at lola ko nung 5 years old ako .
Tinangka kasi ng nanay ko na magpakamatay ulit at kasama na ako sa gusto niya din na patayin.
Punong puno ako ng galit sa nanay ko na hindi manlang nya naisip na magpakatatag dahil may anak na sya.
Hindi niya manlang naisip na kailangan ko sya.
Ano bang meron sa tatay ko at hinding hindi
Niya makalimutan.
Ni hindi ko nga alam ang pangalan at itsura manlang ng tatay ko.
Kaya mabuti nalang may lolo at lola ako na umaagapay sakin kahit papano.
Ang miserable ng buhay ko diba?
Pero sanay na ko.
Kung may natutunan man ako sa mga pangyayari sa buhay ko simula bata pa ko
Eh yun ang huwag na huwag mong bibitbitin sa sarili mo ang mga bagay na alam mong makakapag lugmok sayo
Kaya imbis na mag rebelde at magpasaway ay minabuti kong suklian ang mga tinutulong sakin ng lolo at lola ko.
Hindi ako walang pusong tao na kadalasang sinasabi sakin.
Hindi ko lang siguro kasi alam kung paano iexpress ang sarili ko .
Wala namang ibang nagpakita sakin ng tunay na pagmamahal bukod sa lolo at lola ko kaya siguro ganito ako.
*Ding dong*
*ding dong*
Lumabas ako para buksan ang gate
Andyan na pala yung inorder kong pizza at chicken .
Ako lang kakain neto since wala naman akong ibang kasama sa bahay na prinovide ng lolo at lola ko.
Medyo magulo pa ang bahay dahil bahay talaga nila lolo and lola ito dati. Pero nung medyo tumanda na sila.. Naisipan na nilang sa probinsya na tumira.
Kakain lang ako at lilinisin ko na to.
Maraming dorms at apartment malapit sa bahay ko ngayon... Marami kasing gustong pumasok talaga sa Cypress university.. Kahit pa mga taga malayo.
.
.
Kinain ko na yung pagkain ko at nilagay sa ref ang mga natira.
*sigh*
Simula na ng matinding linisan.
Isang floor lang naman ang bahay na to pero may tatlong kwarto kaya talagang matrabaho linisin.
*ding dong*
Ano bayan! Hindi pa ko nakakapag simula eh!
Sino ba to?
Nilabas ko na kung sino ung nag doorbell
"luh ikaw nanamann?"
Sabi sakin nung babae. Ito nanaman yung sa kaninang natisod
Ano naman kayang kailangan nito
"bakit may kailangan ka?"
"ah eto" sabay pakita niya sakin ng nasa phone nya.
Nakapost pala sa internet tong bahay
Letse di ko manlang alam na pinaparentahan pala nila lolo at lola yung dalawang kwarto
Napa facepalm nalang ako at pinapasok sya sa loob
Pumasok sya at pinag masdan ang paligid
"sorry di ko alam na pinaparentahan na pala ng lolo at lola ko yung ibang mga kwarto" napakamot naman ako sa ulo ko
"ayos lang. .. Naisip ko kasi na dito nalang ako kesa mag dorm. Atleast dito may sariling kwarto . Walang kashare tapos 2,500 lang per month may aircon pa"
"Kaso pasensya ka na di pa ko nakakapag linis. Ngayon kana ba lilipat?"
"ah eh..oo sana " napatingin siya sa dala niyang maleta
"titignan ko muna kung anong kwarto ang malinis linis"
"ganto nalang maglinis na tayo ngayon. Di ka naman na others sakin noh. Okay din na kahit papano may familiar na mukha sakin ngayong college"
Sabi niya sabay kuha ng dalawang walis at ihinagis sakin ang isa
Nag walis na kami ng buong bahay.. Nag tanggal ng alikabok.. Nag mop at nag lilinis siya ng cr ngayon
"Sigurado ka ba?" tanong ko sakanya
"nako oo naman noh! Sooner or later gagawin ko din to lalo na iisa lang tayo ng bahay na titirahan"
"basta sa susunod may schedule na tayo para patas"
"okee"
Gumawa naman ako ng juice habang dumiretso na syang maligo . Iisa lang ang cr dito sa bahay..
Pero sa bawat kwarto may cr naman pero hindi pang ligo.
"Tapos na ko ikaw naman" sabi nya pagkatapos nyang makalabas ng banyo
Nag nod naman ako
"ako na pipili ng kwarto ko ah" sabi niya
"sige basta akin yang sa gitna ."
"okayy"
"pero teka"
Hindi ko kasi mapigilan mag tanong eh
"hindi ka ba naiilang na lalaki ang kasama mo s bahay
"hmm.. Di naman . Muka ka namang di gagawa ng masama .anlapit kaya natin sa guard house isang sigaw ko lang hahaha. Tyaka sanay na ko dati kasi may nakasama na ko sa bahay namin si Ad---"
Bigla siyang sumeryoso at ngumiti
"hehe nevermind sige ligo kana para makapag pahinga kanadin"
Anong nangyare bakit parang bigla siyang tumamlay?
Pero ano bang pake ko
BINABASA MO ANG
Broken Guy Meets Broken Girl (ONGOING)
RomansaNakilala ni Adam si Berlin the day he broke up sa girlfriend nya. Without knowing na si Berlin ay nagsusuffer parin sa breakup nya kahit na ang tagal ng panahon nung nangyare yun. Titira si Adam sa bahay nila Berlin because of an issue na kailangan...
