Salamat 15

2 1 0
                                    

Dianne: Nagseselos ka eh! Ah si Junjun nagseselos!

Asar nya sa akin

Ako: Oo na! Nag seselos na ako! Ayaw ko kasing sumama ka sa kanya, gusto ko kasi na ako yung kasama mo nun ambis na si charles. Kasi gusto kita Dianne! Matagal na! Ayaw kong sabihin ito kasi ayaw kong masira yung pagkakaibigan natin pag nalaman mo ito.

Pasigaw na sabi ko kay Dianne.

Sa mga oras na iyon nagulat ako sa mga sinabi ko dahil hindi ko akalain na masasabi ko ang totoo.

Nagulat din si Dianne at biglang tumawa sa harap ko.

Ako: O bakit ka naman tumawa?

Dianne: Kasi kailangan lang pala kita pag selosin para sabihin mo yung totoo eh. Hindi totoo na niyaya ako ni Charles sa Velentines. Gawa gawa ko lang yun para malaman ko yung nararamdaman mo.

Ako: Ano ngayon, okay ka na? Alam m na!?

Dianne: Gusto din kita Jun

Ngiti nyang sabi sa akin

Ako: Gu u s to? Mo mo rin ako?

Gulat na gulat ako sa narinig ko

Dianne: Oo matagal na Hahaha

Ako: Kung ganon li li ga a wan na kita!

Bulol na pagkakasabi ko dahil hindi parin ako makapaniwala.

Dianne: Wag na, Tayo na!. Sayang lang ang oras para sa ligaw ligaw na yan

Ako: So Tayo na?

Dianne: Oo

Salamat (Thankyou)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon