🤱1

185 8 34
                                    

Jisung's POV

Maaga akong gumising at nag-ayos ngayon. Tinext kasi ako ni Ahjusshi na 9am ko daw susunduin ang magiging asawa ko.

"Oy tama na yan! Mababasag na yung salamin sayo!" saway sakin ni Minhyun na may hawak pang sianse.

"Nginamo! Ituloy mo na lang ang pagp-prito mo at wag mo kong istorbohin" mataray kong sabi sa kanya.

"Gago ka ba hyung? Salamin ko kaya yan!" sigaw nya.

Oo nga pala, nasa kwarto nya pala ako.

"Eto na nga! Lalayas na. Damot masyado. Buhusan kita ng tubig-dagat dyan eh" padabog akong lumabas ng kwarto nya.

"Eomma! Lapit ka sakin dali!" tawag sakin ni Daehwi pagkababa ko.

Ako naman si uto-uto, lumapit nga!

Inayos nya naman ang suot ko. FashionHwista mode na naman sya.

"Eomma you should wear this" ini-spray naman ni Kuanlin ang dala nyang pabango sa damit ko.

"Eomma, ayusin natin ng beri layt ang hairlalu mo" lumapit naman si Jinyoung at pinakialaman ang buhok ko.

"Yan! You smells manly now" nakangiting sabi ni Kuanlin.

Masaya sya habang ako naman eh silaw na silaw na.

"Ang bango nga Linlin ah! Nice" nakipag-apir si Daehwi kay Kuanlin.

"Ayan! You already look perfect Eom--- Jinyoung hyung anong ginawa mo sa buhok nya?" sigaw ni Daehwi nang makitang itinaas ni Jinyoung ang buhok ko gaya ng kay Goku.

"Cute naman ah?" -Jinyoung

Oo, kyut. Kyutangina -_____-

Inayos naman ni Daehwi ang buhok ko kagaya ng kanina. Medyo sinuklay nya lang ng onti kaya mas maayos na tignan.

"Wow! Looks so fresh!" -Jihoon

"Wala pa rin namang pempem" -Sungwoon

"Eto na naman si Walang Pempem! Mamaya sendan kita ng marami hyung" -Jaehwan

"Ano yun Jjaeni?" sigaw ni Minhyun na nasa kusina.

"Wala hyung! Brand lang yun ng beauty products. Oo yun nga!" sigaw ni Jaehwan pabalik kaya natatawa naman kami sa itsura nya.

Parang batang nahuli ng nanay nya na nagmu-mura eh.

"Beauty products naman pala" -Daehwi

"Kingina nyo. Wag kayong tumawa!" -Jaehwan

"Osya! Lalarga na ako. Bahala na kayo dito ah?" paalam ko sa kanila at nagsi-tango naman sila.

"MINHYUN BEBE ALIS NA KO!" sigaw ko kaya sinamaan naman ako ni Jaehwan ng tingin.

"INGAT BEBE KO" sigaw ni Minhyun at nag-belat naman ako kay Jaehwan na mukhang iiyak na habang binubugbog naman ni Daehwi sina Kuanlin at Jinyoung dahil sa sobrang kilig.

Lumabas naman na ako ng gate at naglagay ng earphones sa tenga ko.

Naglakad naman na ako papunta sa bus stop at nag-abang doon.

Mas pinili kong mag-commute para mas ma-enjoy ko ang byahe.

May huminto namang bus sa harap ko kaya sumakay na ako.

Umupo ako sa bakanteng upuan at umandar naman na ang bus.

Huminto ito sa sumunod na station at may mga nagsi-sakayan.

"Oppa, may naka-upo po ba dito?" tanong sakin ng isang babae.

Umiling naman ako at umupo na sya sa tabi ko.

We Got Married #3: [Yoon Jisung]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon