Mriel's POV
Napamulat ako ng mata nang ma-realize kong naka-idlip pala ako.
Ramdam ko pa rin ang hot compress na ipinatong ni Jisung oppa sa tyan ko bago ako maka-idlip.
Iniupo ko naman na ang sarili ko nang mapansin ako sa side table at kinuha ko ito.
It's my favorite drink!
Napansin kong may sticky note na nakadikit sa likod nito.
"I know it makes you feel better pag iniinom mo to everytime na sinusumpong ka ng acidity mo kaya naging favorite mo to. Ubusin mo to ah?
-Ji 🖤 "Napa-iling na lang akonang mabasa ko ang note. Alam pa rin talaga ni Jihoon ang favorite ko.
Bumukas naman ang pinto at lumitaw ang asawa ko.
"Okay ka na?" umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Masakit pa ba?"
Umiling ako at pinisil ang kamay nya.
"I feel a lot better now. Magaling ang nurse ko eh" I smiled at him. "I just feel my tummy empty"
"May gusto ka bang kainin? Ramen? Or anything?" tanong nya.
"Kahit ano oppa"
"C-Can I hug you?" tanong nya kaya ako na mismo ang yumakap sa kanya.
I really love being on his arms. I think it's the safest place ever. A home for me.
"Natakot ba kita kagabi nung bigla kitang niyakap kaya ka nag-passed out?" he pat my back.
Nag-passed out pala ako? Kaya pala di ko maalala kung pano kami nakauwi.
"No oppa. Hindi yun yung reason"
"Then yung lalaking sumisimple pala sayo? Natakot ka ba?" iniharap nya ako sa kanya.
"About that..."
"Bakit wala kang ginawa? Ni hindi mo sya sinigawan or what. Bakit hinayaan mo lang sya?" ramdam ang pag-aalala sa bawat salita nya.
"Di ko din alam oppa" I lied.
Niyakap nya naman ulit ako.
"You're lying. I know you are" he mumbled.
"Sorry oppa"
"It's okay kung di ka pa ready mag-kwento. I can wait until the day that you can fully trust me with your secrets, gaya ng pagtitiwala mo kina Jaehwan at Ong" he caressed my back.
Iniharap nya naman ulit ako sa kanya.
He then cupped my face then lean closer to seal his lips on my forehead.
Bat feeling ko nangyari na to noon? Is this dejavu?
He smiled at me sincerely.
"Mag-toothbrush ka na. Mas masarap kumain pagkatapos mag-toothbrush" natatawa nyang sabi.
BINABASA MO ANG
We Got Married #3: [Yoon Jisung]
FanfictionIsang ordinaryong citizen at isang idol, sa isang REALITY SHOW? Would a FAKE LOVE STORY has a chance to be a REAL ONE? 3rd part of my own version of 'WE GOT MARRIED' series~ [COMPLETED]