Sobrang sakit man isipin ng mga nangyayari ngayon. Pero bakit? Bakit kailangan pang magkaroon ng ganito.
Hindi ko kayang tanggapin lahat ng mga nangyayari. Sabi n'ya babalik pa siya. Napaka sinungaling n'ya naman pala. I hate him so much!
"Kz," napatayo ako ng dumating si Kcly at niyakap siya.
"Kc bakit? Bakit ang sinungaling ng kuya mo! Lagi n'ya nalang akong pina paasa. Ang sasabi n'ya babalik siya. Ang sabi n'ya uuwi siyang ligtas! Pero bakit?!" Nag-unahan ng tumulo ang mga luha ko.
"Nasasaktan din ako Kz, kuya ko siya. Pero sana buhay pa siya or naka ligtas man lang siya."
Tumahan na ako sa pag-iyak at naupo sa isang tabi. Sana nga naka ligtas si Kulog. Pero kahit anong gawin ko 'di mawala 'yong pangamba. Sana naman tuparin n'ya 'yong promise n'ya na babalik siyang ligtas.
Parang 'di ko 'ata kakayanin na makita 'yong katawan ni Kulog na wala ng buhay. Sana lang nakaligtas siya nong sumabog ang sinasakyan n'yang Helicopter.
Si Kuya Ke nasa critical din ang lagay ganon din si ate Nicole. Sana maging ligtas silang lahat.
*****
Ilang araw ang lumipas pero wala akong nabalitaan about kay Kulog na nakita na siya. Bakit kasi kailangan pang sumabog ang sinasakyan n'ya.
"Kz," pumasok si mom sa room ko at niyakap ako. Sobra akong kinabahan sa kinikilos n'ya.
"Nakita na ang bangkay ni Thunder and he's dead." Ayaw mag sink-in sa utak ko ang sinabi ni mommy. Hindi ako naniniwala kasi nangako sa akin si Kulog na babalik siya. Bakit? Bakit?
"Sabihin n'yo namang hindi 'yon si Thunder mom!" Bumuhos na ang luha ko dahil 'di talaga ako makapaniwala.
*****
"Gusto mo ba makita si Thunder?" Pinunasan ko ang luha ko at umiling ako. Ngayon kasi ang libing n'ya pero ayokong pumunta baka bumigay nalang ako bigla at sumunod sa kanya.
Halos 'di na makilala si Kulog nong nakita 'yong katawan n'ya. Pero nalaman nila na si Thunder 'yon dahil sa kwentas tsaka walang ibang kasama si Thunder na nasa Helicopter kaya imposible na iba 'yon. Pero sana iba nalang talaga 'yon dahil 'di ko kayang tanggapin.
"Kz," hinawakan ni mommy ang kamay ko. "Alam ko sobrang sakit ng pinagdadaanan mo. Kaya naiintindihan kita kong 'di ka makaka punta." Pinunasan ni mommy ang luhang pumatak mula sa mata ko.
Halos wala akong tigil sa ka iiyak dahil 'di ko talaga tanggap. Halos maga na 'tong mata ko.
Umalis na si mommy at naka tulala lang akong naka tingin sa kawalan. Sobrang sakit pa rin kasi lahat ng mga pangako n'ya sa akin 'di na matutupad. Lahat din ng gusto kong mangyari kasama siya hindi na mangyayari.
Tumingin ako sa salamin at tinitigan ang mukha ko. Sobrang panget ko na. Napakagulo ng itsura ko. Ganito 'yong naging impact sa akin nong nawala si Thunder.
Pupunta ba ako? Kakayanin ko ba?
Tumayo ako at inumpisahang ayusin ang sarili ko. Pero habang nakatingin ako sa sarili ko hindi ko pa rin maiwasang 'di maiyak.
****
Nasa malayo lang ako naka tingin sa mga taong papalayo kong saan inilibing si Thunder. Ayokong lumapit, ayokong makita nilang ganito ako.
"Hindi mo ba siya pupuntahan?" Napatigil ako nang may katabi na pala akong babae na 'di ko namalayan.
"Hindi ko pa kaya." Nakita ko naman siyang umirap.
"Okay take your time." Pero napansin ko ang pag smirk n'ya sa akin bago siya umalis. Hindi ko nalang pinansin 'yon dahil 'di ko naman siya kilala at wala akong time para sa ganon.
****
Malapit ng lumubog ang araw ng sinimulan kong lumakad palapit kay Thunder. Ako nalang din ang taong nandito. Habang papalapit ako tumutulo ang luha ako.
Nakakainis lang kasi hindi na talaga kami magkakaroon ng label. Kasi tuluyan n'ya na talaga akong iniwan.
Umupo ako sa harap at tinitigan ang picture nya na nakalagay sa gilid.
"Napakadaya mo bakit mo ako iniwan na nag-iisa. Hindi naman kita iniwan bakit ako lagi mong iniiwan? Ganon ba talaga ako kadaling iwan huh? Hindi mo ba iniisip 'yong nararamdaman ng mga iiwan mo huh? Bakit napaka selfish mo?!" Pinunasan ko ang mga luha ko na namang walang tigil kaka patak.
"Masaya ka bang iwan kami? Sobrang saya ba? Napakasama mo! Hindi ko na alam kong paano ako mag-uumpisang ulit kasi palagi mong ginugulo ang buhay ko. Hindi ko alam kong magsisisi ba ako na na kilala kita o hindi. Kasi may mga araw rin na kapag kasama kita 'yon na 'yong pinaka masayang nangyari sa akin. Pero ikaw din lahat ang sumisira ng lahat ng masasayang araw ko. Sobrang sama mo talaga!" Tumayo na ako at pinunasan ang mga luha ko.
"Aalis na ako. Hindi kita makakalimutan at hinding hindi ka mawawala sa puso ko. Hindi ko man masasabing ikaw na ang huli kong mamahalin pero sana ikaw na nga. Kong meron man please guide me kong siya na nga. Sana rin 'di siya maging kagaya mo na nang-iiwan nalang basta." Ngumiti ako bago ako tuluyang umalis.
'Magiging okay rin ako. Hindi man ngayon pero darating din ang araw na 'yon. Ayoko ng maging mahina. Ayoko ng maiwang mag-isa.'
******
— Hi guys if ever na di nyo gets ang part na 'to, you can read THE BATTLE WE FIGHT. PERO SIGURO I PUBLISH KO NA LANG DIN YONG PART NA YON DITO PERO SOON PA MARAMI PA KASI AKONG IN-EDIT. CHAPTER 43 and 44 po sa the Battle we fight yong part na nangyari to. Connected kasi sila...
BINABASA MO ANG
Thunder Clyde | ✔ [BAD BOY SERIES 2]
ActionKeana Zeil, the daughter of a big, influential family took a liking in a boy named Thunder Clyde who calls her often as 'bata' because of their undeniable age-gap. As years passed by, Keana Zeil has remained faithful to Thunder, waiting...