Chapter 32

369 17 0
                                    

Thunder Point of View

"Totoo ba kuya na bumalik na si Keana?" Tanong sa akin ni Kcly.

"Yeah,"

"At totoo rin ba na may anak na siya?" Hindi ako sumagot at nag lakad paalis.

Hindi ko alam kong anong sasabihin ko rin sa kanya kapag nagkaharap kami.

******

Keana Point Of View

Matagal na rin naman nong huli akong umuwi at nakakagaan na rin ng pakiramdam.

Alam ko namang lagi lang akong welcome sa pagbalik ko. Pero nakaka himala lang kasi ito pa rin 'yung bahay dati wala sila mommy lumipat.

"Aiana baby," humawak sa kamay ko si Aina. 1 year old and 6 months na siya.

Akala ko dati 'di ko kakayanin lalo na nong nanganak ako. Pero buti nalang kasama ko non si Lorena siya 'yung friends na kasama ko.

"Welcome anak." Nakakatampo kasi 'di na baby tawag sa akin ni mommy.

"Ba 'yan mom 'di mo na ako baby?"

"Baby pa naman, ah. Kaso may baby ka na rin." Hindi din nagtanong sila mommy kong sino ang ama ng bata.

Kasi ako.. Hindi ko rin alam..

Hindi ko alam kong anong isasagot ko sa kanila once na mag tanong sila.

"Hi baby, kiss me." Kinarga ni mom si Aiana at natutuwa ako na makita silang dalawa.

"So, it's true?" Nagtataka nga ako kong bakit 'di nila alam na may anak ako.

Kasi gulat na gulat ang reaction ni mommy at daddy kanina.

"Yes, dad I'm sorry." Umiling naman si daddy.

"It's okay, we miss you so much." Niyakap ko si daddy.

"Mis ko rin po kayo."

"We tried to locate you but we can't. Kaya hinayaan ka nalang namin siguro gusto mo talaga mapag-isa." Nagtataka lang ako kasi kong tutuusin kayang kaya ng organization na i-locate kong na saan ako. Pero hindi nila ako natagpuan. That's imposible.

"Mamaya nandito sila? Haharapin mo ba sila?" Hindi ako naka sagot agad pero —

"Yes, mom I can. Sobrang tagal na rin naman at ayokong tumagal 'tong galit na mga nararamdaman ko. Alam ko rin namang 'di nila sinasadya 'yun. Kaibigan nila si Thunder at kaibigan din nila ako, tingin ko nahirapan lang sila mamili between us."

Pipilitin ko ng intindihin lahat para lang maging maayos. Hindi naman kasi habang buhay ko silang tatakbuhan dahil lang sa nangyari. May mga bagay na dapat harapin para matapos na.

Nakatulog na pala si Aiana habang karga ni mommy.

****

Tinitignan ko lang si Aiana habang nakapikit at napangiti ako sa maamo n'yang mukha.

Mabuti nalang hindi ko na isip dati na i-abort si Aiana. Kahit na hirap na hirap ako nong mga panahon na 'yun.

Siya na nga 'ata ang pinaka magandang nangyari sa akin. Kapag nakikita ko siya nawawala lahat ng problema ko. Kahit na 'di ko alam kong sinong ama n'ya.

****

Nandito sila ate Kie sa bahay kasama n'ya si Blaze. Sila palang 'yong unang dumalaw dito at si ate Blaze nilalaro si Aiana.

"Gosh, hindi ko akalain na mauunahan mo pa kami ni Blaze." Kasi hanggang ngayon sila wala pa ring mga anak.

"Pero ayoko talaga magkaroon ng anak." Dagdag nya pa. "Sakit sila sa ulo."

"Dzuh! They are not Kie. Ang cute ng babies no!" Defend naman ni ate Blaze.

"Whatever!"

****

Lumabas ako ng bahay may mga nagbago naman kahit pa paano. Hanggang nakarating ako sa may unahan kong na saan ang bahay nila Allistaire.

Pero nakakapagtaka lang kasi wala na 'yong mga security guards. Parang walang tao.

"Hey!" Parang napako 'ata ang mga tuhod ko ng marinig ko ang boses n'ya. Nasa likod ko siya at parang hindi ko kaya na humarap sa kanya.

Akala ko kapag nakaharap ko siya kaya ko na, pero ito na naman ako. Ganon ba talaga ako ka rupok? Sobrang faithful at loyal ko 'ata sa kanya to the point na hanggang ngayon he's still.

Don na ako nawalan pa ng lakas ng nasa harapan ko na siya.

Medyo mahaba na rin 'yong hair n'ya at naka ponytail siya. Pero still ang gwapo pa rin! Potek! Ayoko ng ganito! Ayoko ng maging marupok.

Huminga ako ng malalim at sumagot sa kanya.

"Hey too." Mabuti nalang na sagot ko na rin siya kahit na 'di ko alam kong anong sasabihin ko sa kanya.

May girlfriend na siguro siya? Baka sila talaga ni Allistaire ang nagka tuluyan.

"Kamusta?" Tumayo ako ng tuwid at tumingin sa mga mata n'ya kahit na anytime feeling ko bibigay na naman ako. Kaya dapat ko na 'tong tapusin pa.

"Ayos lang ako. Naka move-on na ako. Sige mauuna na ako." Gosh! Mabuti nalang na kaya ko. Lalakad na sana ako paalis ng hinawakan n'ya 'yong wrist ko.

'Yung puso ko nag-uunahan na naman sa pag pintig nakakainis.

"Ano pa bang kailangan mo?" Lakas loob na tanong ko. "Tsaka may anak na ako Thund." Hindi ko tinignan kong anong reaction n'ya. Ayokong makita baka ma dissapoint lang ako.

"Gusto ko lang sabihin na mahal pa rin kita." Bago binitawan n'ya na ang kamay ko. Mabuti nalang talaga baka may masabi pa ako na 'di ko na dapat pang sabihin.

****

Na kausap ko na rin kanina sila ate Nicole at kuya Ke. Syempre naman naging okay na kami. Ayoko na magkaroon pa ng sama ng loob.

Isang tao nalang 'ata 'yong wala dito si Kcly. Sana naman pumunta siya.

"Sinong hinihintay mo?" Napansin n'ya bang parang kanina pa ako may hinihintay.

"Si Kcly, dad." Mis ko na rin kasi siya kasama. Kamusta na kaya siya?

"Oh, maybe she will be here later." Tumango lang ako kay daddy.

Lumapit sa akin si Aiana. Kinarga ko naman ito.

"May anak ka na pala?" Napalingon ako sa nag salita and it was Kcly.

"Yah, kamusta na?" Tumabi siya sa akin at nilaro ang kamay ng anak ko.

"Ayos lang naman ako. Ikaw okay ka na ba? Alam ko sobrang dami kong kasalanan sa'yo. Kami ni kuya." Tumingin ako sa malayo dahil naiiyak na naman ako. Ayaw ko ng umiyak pero kailangan ko na talagang harapin 'to.

"Okay na ako Kcly, tsaka napatawad ko na kayo. Oo sobrang sakit kasi akala ko nababaliw na ako. Pero totoo pala lahat ng mga nakikita ko. Pero kalimutan na natin 'yong mga nangyari. Siguro harapin na lang natin 'yong ngayon." Niyakap n'ya naman ako.

"Thank You sissy."

****

A/N

Baka sa June 03, 2020 ko nalang update yung chapter 34 to epilogue.

Kasi nga pinag-iisipan ko pa kong babaguhin ko yung chapter 34 to epilogue. Only 3 chaps nalang including epilogue.

Hindi kasi ako satisfied sa sinulat ko kaya baka magbago kaya di ko muna i-uupdate.

Thank you so much for reading..

Thunder Clyde | ✔ [BAD BOY SERIES 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon