Ngayon ko lang na isip na lagi pala talaga ako nag-iisa simula ng nawala si Kulog. Parang tingin ko wala na akong kakampi sa lahat kahit na binabalewala ako lagi ni Kulog dati. Sobrang mis ko na rin si Kcly pero kahit siya mismo busy din 'ata. Ayoko naman siyang guluhin.
May kanya-kanya na rin silang buhay ngayon. Hindi katulad ng dati na parang ang easy lang ng lahat. Lalo na mga bata pa kami non, wala pa kaming mga iniisip na problema gaano.
"Lalim ng iniisip mo," nagulat ako sa biglaang pag intro nitong lalake na 'to. Siya na naman! Bakit ba lagi kaming nagkikita nito?
"Siguro stalker kita 'no? Kasi lagi kitang nakikita!" Nagpigil naman siya ng pagtawa sa pagsabi ko non.
"Hahaha ayos ka lang? Siguro, maybe I'm a stranger."
"Nagkita naman tayo ulit. So, sabihin mo na sa akin 'yung totoo." Nandito kasi ako ngayon sa park malapit lang naman 'to sa bahay. Pero boring na boring na kasi ako sa bahay. Hindi ko akalain nandito din 'tong lalake na 'to.
"Bakit interesado ka masyado malaman?" Umupo siya sa tabi ko. "Tsaka hindi kita sinusundan or in-stalk ka kanina pa ako nandito. Hindi mo lang napansin kasi sobrang layo na 'ata 'yung nilipad ng isipan mo." Dagdag n'ya pa. Napasimangot tuloy ako.
"Bahala ka nga dyan! Kong ayaw mong sabihin sa akin ang totoo ako ang maghahanap." Inirapan ko siya.
"Ikaw bahala." Ngayon ko lang din napansin na sobrang lapit n'ya pala sa akin. Tapos kumakalabog na naman 'yung dibdib ko. Ano ba meron sa lalake na 'to ba't nag-uunahan 'tong heartbeat ko.
"Bakit ka ba nandito? Ngayon lang kita nakita na nandito."
"Kasi ngayon ka lang din naman nandito. How come na makikita mo ko?" Oo nga pala, minsan may pagka slow rin ako.
"Pero taga dito ka talaga?"
"So, are you interested to me?" Napangisi naman siya at napasimangot ako sa pinagsasabi nito. Napaka feeling n'ya kasi!
"Hindi!" Tumayo ako para sana umalis na kasi na ba-bad mood ako sa lalaki na 'to.
"Aalis ka na?" Napahinto ako sa tanong n'ya.
"Oo bakit? Wala ka naman ng kailangan sa akin at 'yong kailangan ko sa'yo ayaw mo namang sabihin."
"Okay bye!" Nag wave siya pero 'di ko na pinansin.
****
Habang naglalalad ako pauwi sa bahay nakasalubong ko si Kcly at 'yung bruha. Magka kilala din sila nito? What the hell?! Bakit parang ang dami kong hindi alam!
Kasalanan ko 'to, e. Nawala ako tuloy hindi na ako updated sa mga buhay nila.
"Hi Kz," ngumiti ako kay Kcly bago niyakap siya.
"I miss you bestfriend." Bumitaw na ako at napatingin sa babae na 'to. Siya 'yong kasama ng lalake na si Sam.
"It's you again." Hindi ko siya pinansin. Pakialam ko sa kanya hindi naman kami close.
"Siya si Allistaire Kz. Ate Alli for short." Hindi ko alam pero naiirita ako pero ngumiti ako sa kanya ng pagka tamis tamis at ganon din naman 'yung ginawa n'ya.
"Siya 'yong ex ni Kuya." Agad naman akong napatingin sa kanya at tinaasan n'ya naman ako ng kilay n'ya. Okay maganda na siya or whatever!
"Una na kami Kz. May pupuntahan pa kami." Marahan lang akong tumango kay Kcly.
Bakit feeling ko ang dami kong hindi alam. Bakit feeling ko rin pinagkakaisahan nila ako? Gosh, nababaliw nw 'ata ako.
****
"Kz baby, pwede bang ikaw nalang 'yung pumunta don sa party. Busy kasi si mommy. Ngayon lang naman nag favor sa'yo ang mommy mo."
"Saan po bang party?"
"Sa mga Vaugh may celebration kasi 'yung anak nila. Invited kasi tayo kaso mukhang 'di naman kami makakarating ng daddy mo. Total hindi ka naman busy ikaw nalang siguro." Hindi ako sanay sa mga party lalo na 'di ako mahilig mag party.
"Sige po, ano po bang klaseng party?"
"It's just a ordinary celebration nak. Umuwi kasi 'yung anak n'ya." Malapit lang naman sila dito kaya mahahatid ka ng daddy mo.
****
Ang hirap pala kapag ganitong feeling. Yung nalulungkot ka nalang bigla kasi parang ang dami ng nagbago nong bumalik ako.
Napatingin ako sa family picture namin. Naalala ko pa non dati lagi kong kinukulit si kuya na kausapin ako. Samantalang nagbago 'yung lahat nong na kilala ko si Thunder. Siya na 'yung lagi kong kinukulit. Namimis kaya kakulitan ko ni kuya?
Napatingin ako sa wrist watch ko maaga pa naman. 5:00 pm palang at 'yung party 7:30 pm pa. Marami pa akong time na maka pag-ayos. Pupunta muna ako kila ate Nicole.
Lagi ko lang kasing nakikitang pumupunta dito sa bahay si Ayu. Lagi n'yang kinukulit si mommy.
****
Pagpasok ko sa gate walang tao sa labas. Kaya nag tuloy tuloy akong pumasok sa loob.
At naabutan ko sa loob na nandoon si Ailee, Erin, Ayu at Niccolai.
"Erin, thino boyiend mo?" Napahinto naman ako sa pinag-uusapan ng mga 'to.
"Thecret thong thino hehehe."
"She's always bwisi to yer boyiend Ayu." Sagot naman ni Ailee.
"Hoy! Colai bathit ithaw tayimik?" Tanong sa kanya ni Ailee. Samantalang si Niccolai in-snob siya.
"Hmp! Panget tayaga at dugyot!" Sagot sa kanya ni Ailee.
"kaysa naman sa baboy at slow." Napahinto ako sa sagot ni Niccolai. OMG. Ito 'ata ang ka una-unahang narinig ko siyang nag salita. Tama nga si ate Nicole si Ailee kailangan ni Niccolai.
"Hi tita Kz?" Napahinto ako ng makita ko si Ice na palapit sa tatlo. Bakit hindi na sila bulol. nakaraan medyo bulol pa si Ice ngayon straight na siya mag salita. Ganon din si Niccolai straight na din mag salita. Samantalang si Ayu at Ailee ay mas matanda sa kanila ewan lang si Erin di ko pa rin siya narinig mag salita.
"Napadalaw ka Kz, may problema ba?"
"Wala naman ate, si kuya po?"
"Ah nasa labas. Kausapin mo nga baka inabot na naman ng artic yung isip n'ya at nanlamig na naman."
Lumabas ako at nakita kong nasa may dulo ng bahay nila si kuya naka upo at nagbabasa.
"So, you're here?" Binitawan ni kuya 'yung binabasa n'ya at tumingin sa akin.
"Kamusta kuya?"
"Nah, I'm fine. But I am the one who asked that. You, are you okay?" Tumango naman ako. Okay naman talaga ako.
"Mis lang kita kuya. Tagal na rin nong huli kitang na kausap at kinulit." Niyakap ko siya sa likod.
"Keana Zeil!" Ayaw n'ya talaga kapag gumaganito ako sa kanya. Na mis ko lang talaga siya.
"Kuya talaga 'di ka pa rin nagbabago! Hindi mo man lang na mis pangungulit ko sayo!" Nakakatampo naman kasi talaga.
"Tss ngayon mo lang naman kasi ako na mis. Bored ka?" Napangiwi naman ako kasi totoo talaga 'yung sinabi.
*****
BINABASA MO ANG
Thunder Clyde | ✔ [BAD BOY SERIES 2]
ActionKeana Zeil, the daughter of a big, influential family took a liking in a boy named Thunder Clyde who calls her often as 'bata' because of their undeniable age-gap. As years passed by, Keana Zeil has remained faithful to Thunder, waiting...