Chapter 33

375 19 0
                                    

Keana Point Of View

"Wala ka bang balak pa imbistigahan kong sinong ama ng anak mo?" Tanong sa akin ni mommy. Bakit pa? Hindi naman siguro kailangan. Ayokong malaman kong sino ang ama.

"Ayoko mom."

"Why? Naiinis kasi ang daddy mo kong sino mang ama n'yan. Napaka iresponsible naman."

"Mom, he don't know na may nangyari sa amin. Lasing ako non at tingin ko lasing rin siya." Hindi lang lasing—

"Pero baby, we have a connection malalaman natin kong sino siya." Hindi nalang ako sumagot.

Alam ko namang balang araw malalaman din nila kong sino ang ama. Kasi ako hindi din sigurado kong sino ang ama ni Aiana.

Sobrang hirap non kasi mag-isa lang ako na nagpalaki sa kanya. Wala 'yong ama at hindi ko alam kong siya ba talaga. Lalo na't nong nangyari 'yon lasing ako at siya rin.

"Ma'am may naghahanap po sa'yo sa labas." Nag paalam muna ako kay mommy na lalabas ako.

Sino kayang naghahanap sa akin?

It's Allistaire. Ngayon ko na lang siya ulit nakita.

"Anong ginagawa mo dito?" Tumaas naman 'yong kilay n'ya.

"Gusto ko lang sabihin na congrats!" Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya.

"Kasi hindi na maibabalik 'yong dating pagmamahal sa akin ni Clyde. Simula ng dumating ka sa buhay n'ya nagbago siya. Siguro nga mahal na mahal ka n'ya. Sumuko na rin ako. Ayoko na kayong guluhin pa." First time kong nakita ang pagpatak ng luha n'ya.

Hindi ko alam kong anong sasabihin ko sa kanya. Siguro nga mahal n'ya din si Thunder. Pero sa part na mahal ako ni Thunder? Hindi ko alam kong totoo 'yon. Kasi may mga time nararamdaman kong gusto n'ya at may mga time rin na hindi.

"Sana maging masaya kayo na dalawa. Gusto ko rin palang maging totoo sa'yo total huli na lang rin 'to. Gusto kong malaman mo na ayoko talaga sa'yo at naiinis ako." Alam ko naman talaga 'yun pero good thing pa rin kasi kahit ayaw n'ya ginawa n'ya pa rin 'to.

"To the point na gusto na rin kitang mawala." Napatigil ako sa sinabi n'ya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Naaalala mo ba? 'Yung mga gustong pumatay sa'yo and the heck niligtas ka ni Thunder. Akala ko hindi n'ya malalaman pero nalaman n'ya pa rin." Hindi ko na alam kong anong nararamdaman ko. Magagalit ba ako or ano.

"I'm the one who sent assassin to kill you." Hindi ko alam na aabot na pala talaga sa papatayin n'ya na ako sa inis at galit n'ya sa akin. "Kasi kahit ako ang kasama non ni Thunder ikaw pa rin ang nakikita n'ya. Kahit na anong gawin ko ikaw at ikaw pa rin! Ayokong sumuko non kasi baka may pag-asa pa."

"Pero hindi ko inaakala na gagawin mo 'yong mga bagay na 'yun." Sagot ko sa kanya.

"I can. Lalo na pagdating sa kanya."

"Pero bakit mo ba kasi siya iniwan! Sana kong 'di mo siya iniwan sana ikaw pa rin!" Sagot ko sa kanya naiinis na ako.

"Bakit ko 'yon ginawa? Wala akong choice non? Kailangan kong gawin ang pangarap ng parents ko para sa akin! Akala ko kasi maiintindihan n'ya ako pero hindi pala. Kasi nong dumating ka kinalimutan n'ya ako! Dumagdag pa 'yong issue about sa amin ni Sam na kahit ang totoo pinalabas lang 'yun ng parents ko. Gusto akong ipakasal ng parents ko kay Sam!" Ngayon ko lang din nalaman kaya siguro gusto n'ya akong mawala. Kasi si Sam at Thunder iisa pwede silang ipa kasal na dalawa.

"Umalis ka nalang."

"Pero ito ang tandaan mo Keana masaya ka man ngayon darating ang araw na babawiin ko ang lahat!"

"Akala ko ba ayos na?" Tanong ko sa kanya.

"Oo ayos na ako! Pero sa tuwing makikita kong masaya ka naiinis ako! Pero sa ngayon mananahimik nalang muna ako kaya magpa kasaya ka nalang habang tahimik pa ako!" Bago umalis na siya.

Hindi ko alam na magiging ganon ang epekto sa kanya ng pagmamahal.

"Narinig ko ang pinag-usapan n'yo." Si mommy pala. "Hindi mo sinabi sa akin na may nangyari pala."

"Okay na rin naman mom. Tsaka matagal na 'yun. Akala ko kasi kaaway lang natin 'yun sa organization pero hindi pala."

"Basta iwasan mo nalang 'yan, okay. Isang maimpluwensya din ang pamilya nila Allistaire. Kaya hindi natin alam kong anong galaw nila."

"Mom hayaan mo nalang baka naman magbago din siya tsaka nadadala lang siya ng galit n'ya."

"Okay. Nandyan pala si Thunder." Ano na naman ginagawa non dito?

Umalis na si mommy at ako naman dumiritso sa sala. Nakita ko siya na nilalaro si Aiana. Sobrang saya din ni Aiana habang kalaro siya.

Napapangiti tuloy ako para kasi silang mag-ama.

"Nandito ka na pala." Hindi ako sumagot sa kanya at kinarga si Aiana.

"Papatulugin ko lang si Aiana. Mukhang inaantok na siya." Tumango lang siya sa akin at ako naman pumunta sa room ko.

"Baby behave lang ikaw, a. Tulog muna ikaw."

****

Akala ko wala na si Kulog nong bumaba ako. Halos 1 hour din kasing nasa room ako.

"Nandito ka pa pala." Napansin ko ring wala sila mom at dad. Umalis 'ata sila. So, kami lang ni Kulog dito? Wala din dito ang mga maid mukhang day off nila.

"Oo hinihintay kita, e."

"Dapat 'di kana nag aksaya pa!"

"Nah, gusto kong hintayin ka. Gusto na rin talaga kitang ma kausap. Hindi tayo nag kausap ng maayos nakaraan." Umupo ako sa kabilang sofa. Ayoko ngang katabi siya.

"Ano bang pag-uusapan natin?"

"Sorry—"

"Kong yan lang sasabihin mo. Hwag ka na mag aksaya pa ng panahon. It's okay!" Sagot ko sa kanya. Mabuti nalang malakas ang loob ko ngayon at 'di ako nanghihina.

"Si Aiana?"

"Anak ko siya. May anak na ako kaya tumigil kana. Hindi na kita mahal kuntinto na ako kay Aiana."

"Talaga bang 'di mo kilala ang ama ng anak mo?"

"Oo!" Tumayo na ako baka ano pang masabi ko.

"Alam kong mahal mo pa ako."

"Ang kulit mo sabi ng move-on na ako." Akmang aalis na ako ng yumakap siya sa akin.

"Alam kong ako 'yong ama ni Aiana." Napabitaw naman ako sa kanya. Pinapagsabi ng lalake na 'to?

"Nakakatawa ka!" Sabi ko nalang sa kanya bago ko pa masabi ang katotohanan.

*****

Thunder Clyde | ✔ [BAD BOY SERIES 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon