Chapter 18

374 20 1
                                    

Nasa canteen kami ngayon ng pinapag trabahuhan ko. Lunch na kasi kaya kami nandito.

Hindi pa din talaga mawala sa akin 'yung lalaki nakaraan. Nakakainis halos gabi-gabi ko ng iniisip kong sino siya. Hindi nya ako pinapatulog ng maayos.

Hindi 'yong lalaki na nagbigay ng payong ah. Basta 'yong lalaki na bumulong sa akin hindi ko kasi alam kong imagination ko 'yon or totoong nangyari. Pero may mga time din na pumapasok sa isip ko 'yong lalaki na tumulong sa akin.

Kasi may posibilidad na siya din 'yon kasi siya lang 'yong taong nandoon pero 'di naman halata na siya 'yon. Imagination ko lang siguro talaga na nangyari 'yun nababaliw na talaga ako.

"Hoy Kz tulala ka na naman dyan. Hwag mong masyadong isipin 'yung lalaking yon. Pinapa sakit lang ang ulo mo." Sabi sa akin ni Lorena. Kasama ko siya dito sa trabaho ko, siya lang din ang nag-iisang kinakausap ko dito. Wala na kasi akong balak mag hanap pa ng ibang kaibigan.

"You are right sis, bakit ko ba kasi iniisip pa 'yung stranger na 'yun. Wala din namang kwenta kong iisipin ko siya." Nakwento ko kasi sa kanya 'yung nangyari.

"Bakit parang hindi na pumupunta dito si Joshua? Anong nangyari sa kanya? Sumuko na 'ata 'yung admirer mo." Pang-aasar n'ya sa akin.

Si Joshua nanliligaw kasi siya sa akin. 1 month palang naman siyang nanliligaw pero wala naman akong balak sagutin 'yun. Pero sobrang kulit n'ya buti nga wala siya dito ngayon. Kahit saan 'ata ako pumunta naka abang 'yun. Nakakapagtaka nga kasi simula nong isang araw wala siya.

"Mabuti nga 'yun wala ng mambubulabog sa akin." Pumasok na ako sa loob para makapag simula na ako ng trabaho.

Nasa isang Publising Company kami at ang position ko dito taga lay-out ng mga cover.

Binago ko rin 'yung pangalan ko. Gumawa ako ng mga fake documents about sa information ng buhay ko. Tanging Kz Alcantara ang pangalan ko ngayon.

Alam naman nila dad and mom kong na saan ako. Pero ako na ang humingi ng privacy ko sa kanila na 'wag nila akong pakialaman muna. Good thing pumayag naman sila. Ganon din si kuya Zk, sila lang nakakaalam kong na saan ako.

Pero maliit lang naman ang mundo, I'm sure alam din 'to ng iba kong na saan ako. Pero nirerespeto nila ang decision ko kaya walang may nagpapakita sa akin. Pero okay naman sa akin kong dumalaw sila matagal na rin simula ng huli ko silang nakita.

Nakakamis na din kasi sila. Lalo na si Kcly kamusta na kaya siya? Sobrang tagal ko na siyang hindi nakikita 2 years na sobra. Ganon din sila kuya, dad and mom. Nakakausap ko lang sila via call pero mukhang busy din sila kasi thrice in a year lang ata kami nagkakausap.

Busy na sila sa kanya kanya nilang buhay. Namimis ko na rin 'yung mga pamangkin ko. Si Ayu siguro ang laki laki na baka nag-aaral na siya ganon din ang dalawang kambal.

"Kz may naghahanap sa'yo sa labas." What? Sinong tao ang maghahanap sa akin? Wala naman sa aking nakaka kilala.

"Sino?"

"Hindi ko na tanong. Ang ganda nga, e. Mukhang mayaman." Huh? Sinong babae maghahanap sa akin?

Lumabas ako para malaman kong sino ang naghahanap sa akin.

Totoo ba 'tong nakikita ko?

"Mom?" Ngumiti siya sa akin at napayakap tuloy ako sa kanya. Sobrang na mis ko siya. Hindi man lang napagkamalang may anak na at asawa si mommy. Ang ganda n'ya kasi parang mag kapatid nalang tuloy kami ni mom kong mag kasama kami.

"I really miss you baby." Napa pout nalang ako sa sinabi nya. Baby again? Hayys kailan ba ako hindi magiging baby?

"Mom hindi na ako baby. 21 years old na kaya ako." Pagrereklamo ko sa kanya.

Thunder Clyde | ✔ [BAD BOY SERIES 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon