Chapter 5

640 28 6
                                    

Nasa bahay lang ako ngayon bawal naman kasi akong lumabas lalo na maraming problema ngayon ang family namin.

Habang nakaupo ako sa couch may tumabi sa akin at napanganga ako ng malaman ko kong sino. Oa ba? Pero ganon talaga ang naging reaction ko nong makita ko siya. Kahit na nasaktan ako kahapon sa nakita ko wala naman akong magagawa. Bata pa ang tingin n'ya sa akin sabagay bata pa naman talaga ako.

"A-anong ginagawa mo dito?" Nag smirk pa siya sa akin bago siya sumagot.

"Binabantayan ka." What?

"Binabantayan? Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko." Sumama 'yung tingin ko sa kanya ng tinawanan n'ya 'yong sinabi ko.

"Anong nakakatawa huh?!" Napipikon na talaga ako sa kanya. Kahit na crush ko siya or ano pa man pero kasi nakakainis ang reaction n'ya.

"Sa lagay na 'yan malaki kana." Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa at tumawa na naman. Gusto ko siyang sapakin kaya lang ayoko kasi 'di ko naman talaga kaya.


"Malaki naman na talaga ako ah!" Nakakainis talaga siya. Pero masaya ako kasi nakakausap ko siya.


"Hindi ka pa malaki." Tapos tinap n'ya 'yung ulo ko at ginulo ang buhok ko. Tinabig ko naman 'yung kamay n'ya, naiinis na kasi talaga ako sa kanya. Ayoko kasing tinatawag akong bata lalo na kapag nanggaling yon sa kanya.

Hindi ko matanggap!

"Look baby ka pa. Ilang taon ka na nga? 10 years old ba?" Mas lalo akong nainis sa kanya ng sinabi n'yang 10 years old palang ako. Binato ko siya ng unan na nasa gilid ko na sinalo nya lang naman.


"13 years old na ako!" Tumayo ako habang dumadabog dahil sa inis ko sa kanya.

"Oh? 13 ka na pala? Pero still bata pa rin 'yun. Mukha ka kasing 10 years old pft." Okay tanggapin ko nalang na compliment yang sinabi nya. Kasi meaning non baby face ako. Pero nakaka hurt pa rin.


Hindi ko siya pinansin at umakyat na sa taas papunta sa room ko.

Nilock ko ang pinto baka pumasok kasi siya. Ako nang assuming alam ko namang hindi 'yun dito papasok sa room ko. Umupo lang ako sa gilid ng kama at pinakalma ang sarili ko. Naiinis talaga ako kapag sinasabihang bata ako.

Tumayo ako at pumunta sa salamin at tinignan ko ang itsura ko.

Oo na bata na talaga ako. Naiinis pa ako kasi ang bagal ko tumangkad. 4'10 lang 'ata ang height ko.

Kahit 'yun nalang sana ang dumagdag sa akin kasi kapag mag kasama kami ni kulog nagmumukha talaga akong kapatid n'ya. Hanggang armpit n'ya lang kasi ako.

Bakit ba kasi ang tangkad n'ya?

Baka kasi maliit lang talaga ako! Matangkad naman si daddy pati si kuya kaya dapat matangkad ako. Si mommy naman average yong height nya. Tapos ako ganito? Siguro dahil bata pa talaga ako. Maybe pagka 16 years old ko tatangkad na rin ako. Sana lang 'di ko na crush non si Thunder!


Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago ako bumaba. Ayoko na talagang masabihang bata. Ang sakit kasi sa pakiramdam kapag siya ang nagsasabi non.


*****

Nandito na ako ulit sa baba pero wala na si kulog. Baka umuwi na siya ang tagal ko kasi sa taas. Pero baka nasa labas siya. Lumabas naman ako at nilibot ko na ang buong kabahayan namin pero hindi ko siya makita.

Nagulat nalang ako ng may humawak sa beywang ko.

"Sinong hinahanap mo?" Then my heart started to race and my hands started to shake.

Hindi ako makasagot sa kanya ng humarap na siya sa akin. Napatitig nalang ako sa kanya, ang gwapo n'ya talaga. Ang amo ng mukha pag nakangiti lang siya at lumalabas 'yung dimple n'ya.


"Hoy Keana!"

Sana lumaki na ako huhuhu.

"Hey Zeil!" Natauhan ako ng hawakan n'ya ako sa balikat at alugin.

"Ayos ka lang ba?" Agad akong umayos at sumagot sa kanya.

"Ah o-oo naman." Naiilang tuloy akong ngumiti sa kanya.

"Hindi mo ako natiis no?" sagot n'ya habang nakataas pa ang isang kilay n'ya.

"Anong hindi natiis na pinapagsabi mo?" sagot ko sa kanya. Halata ba masyado na crush ko siya?

"Wala!" Tapos ginulo n'ya na naman ang buhok ko. Nakakainis inayos ko pati 'to para sa kanya tapos ginulo n'ya lang?

"Bakit ka nga pala nandito?"

"Binabantayan ka." sagot n'ya naman pero 'di ako naniniwala.

"Yung totoo?" Sinamaan ko siya ng tingin at naka ngiti lang naman siya sa akin.

"Binabantayan ka nga. Bakit ba ayaw mo maniwala? Wala kang kasama dito kaya ako muna ang kasama mo."

"Sana araw-araw na nandito ka." Napatigil ako sa sinabi ko ng matauhan ako.


"Talaga?" mas lumawak yong ngiti nya.

"Wala sabi ko sana lumayas kana." Agad ko siyang iniwan.

Pahamak talaga 'tong bibig ko! Kusang nagsasalit ng walang pahintulot ko.


*****

Dito rin matutulog si kulog sa bahay pero nasa guest room siya. Ang saya ko tuloy kasi buong mag hapon talaga nandito siya.

Pero ano kayang ginagawa nila kuya, daddy and mommy? Hmp.

Medyo nag-aalala tuloy ako kasi kapag ganyan may malaking problema.

Bumaba na ako para kumain ng dinner. Kaso wala pa nakakababa si kulog. Kong puntahan ko kaya siya sa guest room. Waah! Paano kong— never mind na nga.


Bumalik ako ulit sa taas at pumunta sa guest room. Kumatok ako pero walang sumasagot.

Ano kayang ginagawa non?

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto dahil 'di naman naka locked at tamang pagpasok ko sa loob..

Napanganga ako sa nakita ko dahil eksaktong kalalabas lang din ni kulog sa bathroom. Napalunok ako sa nakita ko, bumaba ang tingin ko sa katawan nya.

Manyak na ba ako sa lagay na to?


"Keana! Anong ginagawa mo dito!" Halos mapatalon ako ng sumigaw siya. Hindi ko tuloy alam kong saan ako pupunta. Agad akong tumalikod.


"Ah- a-ano b-bumaba k-kana ka-kakain na." Agad akong lumabas ng pinto pagkasabi ko non.

Waah! Ang tanga mo Keana dapat talaga 'di ako pumasok don, e. Buti nalang talaga naka short siya at tanging pang taas lang nya na katawan ang hubad.

Waah mommy my innocent eyes!

****

Habang nasa hapag kainan kami ni kulog sobrang akward. Walang nagsasalita sa aming dalawa at hindi rin ako maka tingin sa kanya. Ano ba kasi 'tong nagawa ko? Ang tanga-tanga ko talaga.

Tanging mga tunong lang ng kutsara at tinidor ang naririnig ko. Ayoko talagang makita mukha ni kulog nahihiya ako sa nangyari kanina.

"Oy Keana." Nagulat ako sa biglaang pag salita n'ya. Pero hindi ko siya sinagot at kahit tumingin man lang sa kanya 'di ko magawa.

"Ayos ka lang ba?" tanong n'ya, walanghiya! Paano akong magiging ayos sa nakita ko kanina?


"Ayos lang ako." sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Okay," yun lang ang huli n'yang sagot.

Pagkatapos naming kumain pumunta na ako kaagad sa room ko. Nahihiya pa rin talaga ako. Lalo na ngayon naiisip ko na naman 'yung nangyari kanina. Hayys namumula na naman pagmumukha ko i think, umiinit kasi.

*****

Thunder Clyde | ✔ [BAD BOY SERIES 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon