STB 15: How Will I Know

2.9K 41 2
                                    

3RD PERSON'S POV

Kinaumagahan, naunang nagising si El. Sa sofa sya natulog kagabi dahil di na din nya pinabalik si Reign sa kwarto nito dahil nakatulog na ito habang yakap yakap sya sa veranda.

El did her morning routine at nagpunta sa resort's gym na isang floor pababa lang mula sa kwarto nya. Nag iwan din sya ng note para sa dalaga in case magising ito at hanapin sya.

"Reign,

Hi! Good morning. I'm at the gym kung sakaling hanapin mo ko. Di na kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo. I hope you feel better now. May breakfast dito sa gym if you want. Pinag order na din kita. 😊

- El"

Pinagsabay ni El ang pagmimix and mashups ng songs while doing her gym routine.

Kakatapos lang nya maghanging sit-ups nang magising si Reign.

Napangiti naman ang dalaga nang makita ang note ni El sa katabing table ng higaan na may kasamang isang tangkay ng white daisy.

"Awwweee that's so sweet Reign. Si El nalang kaya gustuhin mo kesa dun sa ex mong gunggong? Tutal single naman sya at ang pogi pa" Sabi ng isang parte ng utak ni Reign.

"No! That's not possible kasi mahal pa ng engot na to yung Bobby na yun! Magiging unfair lang yun kay El. El deserves the best" Sabi naman ng kabilang parte ng utak nya.

"Mahal pa nga ba talaga? Or that's what she wanted to believe?"

"ARRRGGGHHH tama na nga to! Nababaliw na ata ako" Napahiga ulit si Reign at nagtakip ng unan sa mukha. Iniisip pa rin nya ang naging moment nila ni El kagabi. Nakatulog sya sa mga braso nito. Nagising nalang sya nang binuhat sya nito at hiniga sa kama bago hinalikan ang noo ngunit di nya pinahalata na gising sya nung mga oras na yun. Napapangiti nalang sya kapag naaalala nya.

"Ang sweet sweet talaga nya. Tanga na nga siguro yung ex nya dahil pinakawalan pa nya si El" Nasabi nalang nya sa sarili. Tiningnan nya ulit yung note at kinuha ang daisy at tsaka nakangiting bumangon.

Nag-ayos muna si Reign bago sinundan si El sa gym.

Nang marating na nya ang gym ay naabutan nya si El na nagriremix ng song while on her gym outfit. Hindi nya napigilan ang sarili na lihim na kuhanan ito ng picture.

 Hindi nya napigilan ang sarili na lihim na kuhanan ito ng picture

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Titig na titig sya sa picture na nakuha nya. Di nya alam na napapangiti sya.

Nakasandal lang si Reign sa may pintuan at nakacross arms na pinagmasdan si El. Maya maya pa'y naghubad ang huli ng jacket at tanging sports bra lang ang natira.

JENLISA || CHAESOO: Spin To Breathe [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon