STB 3: Oh Shit

6.6K 59 1
                                    

EL'S POV

Nakasakay na kami ng train. Buti konti lang tao nakaupo kami. Nagsasoundtrip lang ako ng bigla akong siniko ni Tyler.

"Bro, chix oh!" Bulong nya sakin.

Tinuro nya yung dalawang babaeng kakapasok lang ng train at mukhang naghahanap ng magandang pwestong mauupuan.

Napatingin naman ako kung san sya nakatingin.

"Damn" Tanging nasabi ko habang sinusundan ng tingin yung dalawang babae.

"Damn" Tanging nasabi ko habang sinusundan ng tingin yung dalawang babae

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Nakatingin lang ako sa kanya. The moment I saw her biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko.

This is the first time na naramdaman ko ulit to since my last relationship, which is obviously didn't go well.

Could this be. . .it? I mean. . .Love

Nasa ganung pag-iisip ako nung biglang nagsnap ng finger si Tyler sa mukha ko.

"What?"

"Ang lalim ng iniisip mo bro ah. Mahuhukay pa ba yan?"

"Gago"

"Alam ko kung anong iniisip mo ngayon. Gets kita bro."

"Anong pinagsasasabi mo jan unggoy ka?" Sabi ko habang natatawa.

"Asuuss deny deny pa. Type mo yung isa dun alam ko. Wag mong itatanggi tatadjakan kita"

"Tangina hindi ka naman mapanakit sa lagay na yan no?"

"Hahaha biro lang. Ang ganda talaga nung nakashorts na blue. Red lips ang sarap halikan. Buti nalang wala na kong jowa pwede na lumandi ulit."

"Gago! But I agree maganda nga sya. Pero I'll bet my soul for the one in ponytail and boots. Ang hot nya." Nakatingin ako sa babaeng tinutukoy ko habang kausap si Tyler.

Bigla syang tumawa ng malakas na nakaagaw pansin sa mga pasahero. Lumingon ako sa dako ng mga chix na pinag-uusapan namin kanina. Bigla akong tinakasan ng kaluluwa nung nakatingin din sila samin na halatang naiirita.

"Tangina tumahimik ka jan gago ka! Tinitingnan nila tayo tangina mo talaga pati ako nadadamay sayo. Pag ako napahiya, gugutumin talaga kitang unggoy ka! Manahimik ka sabi eh! Papasakan ko yang bibig mo ng sapatos!" Bulong ko sa kanya habang nakatakip ang isang kamay ko sa bibig ni Tyler.

Ampota ayaw pa rin tumigil ng baliw tangina. May sayad nga ata talaga to.

"Tangina pag di ka pa tumigil sasabihin ko dun sa crush mo na may asawa't anak ka na unggoy ka!" Natahimik bigla si Tyler.

"Tangina ka bro wag naman ganun"

"Gago ka talaga! Ba't ka tumawa bigla? Para kang sinapian tangina kakahiya! Unggoy ka talaga hayup ka!"

JENLISA || CHAESOO: Spin To Breathe [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon