STB 33: Happy Moments

2.4K 35 17
                                    

Author's Note:

Hi guys! Kumusta? Thank you so much sa patuloy na sumusuporta sa story na to. Thank you guys. Love you all 😚 If you have any comments and reaction sa chapter na to, feel free to drop them all below. Thank you guys 😊

_________________________________________________

3RD PERSON'S POV

Kinaumagahan, nauna sa hapag kainan sina El at Reign. Magkatabing nag-uusap ang dalawa pero nakaharap sa isa't isa at hawak ang kanya-kanyang mug sa isang kamay; hot chocolate milk para kay El at gatas naman yung kay Reign, habang ang kabilang kamay naman ay hawak ng isa't isa. Nagtatawanan ang mga ito at paminsan minsang hinahampas ni Reign ng marahan sa braso si El.

"Good morning guys" Nag-uunat na bati ni Cassey sa dalawa. Tila di man lang sya napansin ng dalawa.

Mayamaya pa'y sumunod na bumangon si Nayeon.

"Good morning bitches!" Tila di din sya napansin ng dalawa. Nilapitan ni Nayeon ang nakaupong si Cassey na nasa parehong table at kaharap lang mismo nina El at Reign.

"Uy sis, patay na ba tayo???" Bulong ni Nayeon na umupo na din sa tabi ni Cassey.

"Ha? Anong pinagsasasabi mo? Buhay tayo gaga!"

"Kung buhay tayo, kurutin mo nga ko" At kinurot nga ni Cassey ang pisngi nya.

"ARGGHHHH PUTA ANG SAKIT! TANGINA BA'T MO NILAKASAN?"

"Para magising ka! Inaantok ka pa ata at kung ano anong sinasabi mo!"

"Alam ko sinasabi ko no! Kung buhay tayo eh ba't hindi tayo pinapansin ng dalawang yan???" Nagkibit balikat lang si Cassey. Pinapakinggan lang nila ang pag-uusap ng dalawa.

Mayamaya pa'y nagising na rin sina Irene at Seulgi.

"Good morning guys. Hope you had a good sleep" Bati ng magjowa pero wala ding pumansin sa kanila. Busy sina Reign at El sa isa't isa. Busy din sina Cassey at Nayeon na nakikinig sa dalawa.

"I wanna go to be beach, wear swimsuit while riding a horse" Dinig nilang sabi ni Reign.

"Ohhh that would be awesome! I might faint babe. BUTTTT. . .would you mind catching me?" Nangingising tanong ni El sa dalaga.

"Ikaw ang landi mo no? Ilang babae na ginanyan mo ha?"

"No one. Ikaw lang. By the way, papabili muna ako ng katol"

"Katol? Anong katol?"

"Yung. . .KATOLad mo" Natawang banat ni El. Natawa si Reign hindi dahil sa banat kundi sa kacornyhan ng DJ.

"HAHAHAHAHAHA KATOLAD MO DAW! HAHAHAHAHA TANGINA ANG CORNY HAHAHAHAHAHAHA" Asar ni Nayeon. Nagtawanan sina Cassey, Irene at Seulgi. Nahahampas naman nila ang lamesa sa kakatawa. Nagulat naman ang dalawa nang makitang nagkumpulan ang mga kaibigan sa table nila.

"Oh guys, kanina pa ba kayo jan? Ang ganda ng umaga no?"

"Oo maganda nga. KATOLAD MO! HAHAHAHA DI AKO MAKAHINGA! TANGINA KA TALAGA MANOBAN! THE BEST TALAGA MGA BANAT MONG HINUKAY PA SA BAUL HAHAHAHA" Panay ang hawak ni Nayeon sa tiyan nya. Di na sya halos makahinga sa kakatawa.

"Ah ganun? O sige yan ang gusto mo? Di ka talaga makakahinga pag sinakal kita! Halika ka dito hinayupak ka!" Hinabol ni El ang tumakbong si Nayeon. Tawa pa rin ito nang tawa. Asar na asar na si El.

"Sooo sis. . .what's with you and El? Kayo na ba?" Tinaas taas ni Cassey ang kilay. Nahihiya namang tumango si Reign sabay kagatlabi.

"Ayun naman palaaa. OMG congrats baby girl! We are so happy for the both of you! Kaya naman pala kanina pa kami dito, di nyo man lang kami napapansin" Masayang bati ni Irene. Excited at kilig na kilig na ikwinento ni Reign ang nangyari kaninang madaling araw. Nagtititili naman ang mga kaibigan nya.

JENLISA || CHAESOO: Spin To Breathe [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon