STB 27: Falling Apart

2.6K 29 9
                                    

Author's Note:

Hello hello! Kumusta kayo? Nagbago isip ko mag-aupdate nalang ako. Here you go. Enjoy reading. No quota for this chapter 😊

_________________________________________________

3RD PERSON'S POV

*time skip

"Bro, nacontact mo na ba si Cassey?" Tanong ni El sa kaibigan na nasa sala lang at walang ganang magkikikilos.

Cassey hasn't contacted her for 2 weeks already at hindi nya alam kung bakit. Hindi din alam ng mga kaibigan nya. Every time sumasagot ito ng tawag, palaging busy. Ilang beses na din pinuntahan ni Tyler sa bahay nito, palagi namang wala. Nagawa din nyang mag-intay ng dalawang araw sa labas ng bahay ni Cassey mula umaga hanggang gabi pero hindi ito umuwi. Isang beses nacontact ito ni Reign pero busy daw. May ginagawa dawng ibang project sa modeling.

Umiling lang si Tyler sa tanong ng kaibigan.

"Bro. . .ano bang nagawa ko? May nasabi ba ko sa kanya na di nya nagustuhan? O may nagawa ba kong mali? I don't have a fucking idea kung anong nangyayari samin. Feeling ko kasi iniiwasan nya ko eh"

"Bro wag kang mag-isip ng ganyan. Baka busy lang talaga siguro. Imi-message ka din nun don't worry. Tara labas nalang tayo. Sama ka samin ni Reign. Pupunta kasi kaming Ocean World. We'll tag you along para naman di ka nalulungkot jan. Wag mo muna isipin yun. Magkakausap din kayo. Sama ka na samin. Pagbigyan mo na ko please. Just this one promise" Bumuntong hininga lang si Tyler bago tumango.

Nagpunta ang magkakaibigan sa Ocean World. Sinama na din nila si Nayeon, Irene at Seulgi para naman di mabored si Tyler.

"Wow tangina ang ganda naman dito" Nayeon commented na aliw na aliw kakapicture ng mga naglalakihang isda.

"Oo nga eh. Babe, bakit pala di tayo nagawi dito no?" Tanong ni Seulgi sa kasintahan.

"Eh kasi busy ka! Eh ngayon mo nga lang ako niyayang magdate ulit eh! Buti nalang napilit ka ni El kundi di mo pa ko idi-date" Nakasimangot na sagot ni Irene.

"Naku Ate Irene sumama lang yan kasi libre ni El eh hahaha kuripot amputa"

"Gago ka Nayeontot! Nakuuu nagtatampo ang baby ko? Lika nga dito. Wag na ikaw tampo please. Promise magdidate na tayo every week kung gusto mo. Okay ba yun?" Paglalambing ni Seulgi.

"Promise?"

"Promise"

"Nga pala bro nacontact mo na ba si Cassey? Antagal ng di nagpaparamdam satin ah" Tanong ni Seulgi.

"I called her ulit many times kanina pero di nya sinasagot mga tawag ko. Di ko na nga alam anong nangyayari samin eh. Parang iniiwasan nya ata ako. Di ko naman alam anong nagawa ko" Malungkot na sabi ni Tyler.

"Nakausap ko sya sa phone kanina since nag-aalala na din ako. She said busy lang daw sya. Mukhang nagmamadali nga yun kanina. May lakad ata" Paliwanag ni Nayeon. Bumuntong hininga nalang ang lahat.

Nilibot ng magkakaibigan ang Ocean World hanggang sa napunta sila sa isang area kung saan pupwedeng magdate ang couples. Candle lit place ito na may nakapalibot na aquariums na tanging nagbibigay ng liwanag sa buong venue.

Kumuha ng isang table ang magkakaibigan at pumwesto na ng upo. Umorder na din sila ng makakain at inumin.

"Ang ganda dito no? Ang romantic ng place" Komento ni Reign habang iniikot ang mga mata sa kabuuan ng lugar.

"Oo nga eh. Pero wala ng mas gaganda pa sayo" El winked at Reign. Namula naman ang dalaga.

"Naku eto na nga ba sinasabi ko eh! Kaya ayaw kong nagsasasama sa inyo eh! Naglalandian kayo sa harap ko eh ha!" Blunt na sabi ni Nayeon.

JENLISA || CHAESOO: Spin To Breathe [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon