STB 14: A Night To Remember

3.1K 45 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Masayang nagkwentuhan sila Tita Sam, El at Reign habang nagbibreakfast. Tawanan lang ng tawanan ang tatlo. Kung ano ano nalang napag usapan nila magmula sa family stuff hanggang sa fashion trends pati meme jokes na tackle na din nila. Halos tatlong oras din silang nasa hapag lang at kwentuhan nang kwentuhan.

"Alam nyo ngayon lang ulit ako nakatawa ng ganito simula nung mamatay yung tito nyo. Salamat"

"Me too Tita. Medyo gumaan po yung nararamdaman ko"

"Kung ano man yang dinadala mo hija, andito lang ako kung gusto mo ng kausap, okay? And besides anjan din si El. Masaya din naman yan kasama kahit papano"

"Wow Tita ha 'kahit papano' talaga?"

Nagtawanan ang tatlo.

"Thank you Tita"

"Welcome hija. O sya maiwan ko na muna kayo ha. Aasikasuhin ko pa yung ibang bisita dito sa resort. Feel free to roam around. El, anak, i-tour mo si Reign sa resort. At wag mong hahayaan mag-isa, mahirap na at baka mapagtripan"

"I will Tita. Ako na bahala sa kanya"

"Thank you again Tita" Ngiting sabi ni Reign tsaka tumayo at niyakap ang matanda.

"Welcome hija. Enjoy ha"

At umalis na nga ang matanda. Di naman alam ni Reign anong dapat i-react nung mahuli nya si El na nakatingin sa kanya. Nagbawi din ito ng tingin nung mahuli nya.

"Uhm. . .so. . ." Panimula ng dalaga. Nag-angat ulit ng ulo si El at tumingin ulit sa dalaga. Para namang napapaso ang dalaga sa mga titig ng huli.

"You wanna go swimming?" Nagpout naman ang dalaga.

"Wala akong dalang swimming attire eh. Puro gym clothes lang meron ako"

Natawa naman si El dahil cute na cute sya sa dalaga.

"You know what you're cute. C'mon! Tita has merchandise for guests. Pili ka nalang"

"Really?"

"Yeah. So. . .tara?"

"Tara! Yey swimming" Parang normal lang na pinulupot ni Reign ang kamay sa braso ni El. Nagulat naman ang huli pero nakabawi din ito agad.

*time skip

Tapos ng magbihis si El at iniintay nalang nya si Reign sa reception area.

Kasalukuyang nagchicheck ng social media accounts nya si El. Nung mag-angat sya ng ulo, isa lang ang tanging lumabas na salita sa bibig nya.

[A/N: Imagine below pic is Reign's outfit]

[A/N: Imagine below pic is Reign's outfit]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wow"

Nakatingin naman sa kanya si Reign habang nakangiti. Sinusundan lang ng dalaga ng tingin ang bawat galaw at reaction ni El.

JENLISA || CHAESOO: Spin To Breathe [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon