STB 30: What A Tricky Plan

2.3K 36 10
                                    

Author's Note:

Hello guys. Welcome to Chapter 30. Thank you for those who are still supporting the story. Love you guys. Salamat sa mga nagvote and nagcomment sa previous chapters. Appreciate it guys. Enjoy this update 😉

_________________________________________________

3RD PERSON'S POV

Sa loob ng isang buwan, marami ang nangyari. Nagawa na ring mapatawad nina El at Nayeon si Cassey dahil sa ginawa nito sa kaibigan nilang si Tyler. Kasabay ng pagpapatawad ng dalawa sa kaibigan ay sumuko na din si Cassey na hanapin si Tyler at hinayaan itong makapagmove on. Di na rin pinilit ni Cassey si El na sabihin sa kanya kung nasaan si Tyler. Ngunit sa kabila ng mga magagandang nangyari sa magkakaibigan, kabaliktaran naman ang nangyayari kay Reign.

Sa loob ng isang buwan na yun, naging preso ng mga magulang nya si Reign. Naging malungkutin ito at ayaw ng kumain. Mugto din ang mga mata nito sa araw araw na pag-iyak. Maski sila Cassey at Nayeon ay di na pinayagan pang madalaw si Reign. Controlado ang mga galaw nito at palaging may bantay.

Si El naman nawalan na ng gana sa buhay. Bagama't nagpatuloy ito sa pagdi-DJ sa kabila ng pagquit ng partner nyang si Tyler, humina naman ang bar ni Seulgi dahil sa kabi-kabilang paninira ng bagong tayong bar na halos 100 metro lang ang layo mula sa kinatatayuan ng The BENT.

Lahat na ng paraan ginawa na ni El upang makita si Reign. Pabalik balik ito sa mansion ng mga Kim at paulit ulit na nagmakaawa. Tanging malulutong na sampal at masasakit na mga salita at insulto ang inabot nya mula kay Mrs. Kim.

Isang araw nagpunta ulit sya sa mansion at dun nakita nyang magkayakap ang babaeng mahal nya at ang lalaking pilit sumisira sa kanila. Hindi pa nga sila pero andami ng gustong humadlang.

Nakita ng mga kaibigan nila kung gaano dahan dahan nawawasak ang buhay ni El dahil sa sitwasyon nila ni Reign. Kaya naisipan nilang tumulong. Mahirap man gumalaw sa parte nila dahil pati sila minamanmanan ng mga tauhan ng mga Kim, ay pasecreto silang nagplano.

"El? Is anybody here?"

"Oh my beautiful Cassey, how are you? Bakit ka naparito?"

"Mommy Shelly, I'm looking for El. Andito po ba sya?"

"Nasa kwarto nya anak. Puntahan mo nalang dun. Mamamalengke lang muna ako"

*TOK TOK TOK

"El?"

"Come in"

"El. . .uhm Nayeon and I thought that baka kelangan mo ng tulong about Reign" Napabalikwas si El sa hinihigaang couch.

"Tulong about Reign? Nacontact nyo na ba sya? Is she okay? Pakisabi miss na miss ko na sya"

"No, no, El. Uhm. . .Nayeon and I have a plan"

"Plan for what? Ayokong mapahamak pa kayo dahil lang tinulungan nyo ko"

"It's our choice El. Choice naming tulungan ka at si Reign"

*****

After 5 days. . .

"Listen to me okay?" Nayeon explained to El their plan.

Nasa bahay ngayon ng mga Kim si Cassey para sa pangalawang parte ng plano.

"Hi Tita. How are you? As usual you look really gorgeous"

"Hi sweetheart. Naku nambola ka pa. I'm fine, I'm fine. Thanks for asking. Anyway, what brought you here? Are you here for Sam? I'm sorry but she can't go out"

JENLISA || CHAESOO: Spin To Breathe [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon