STB 23: LQ

2.3K 32 8
                                    

Author's Note:

Hello guys! Excited na ba kayo for this update? Alright then enjoy reading 😉

_________________________________________________

REIGN'S POV

After 4 days. . .

"Alam mo sis, I still can't believe na El doesn't like you. Parang di pa rin ako makapaniwala na sinabi nyang di ka nya gusto in front of their fans. Like what the hell just happened?" Galit na sabi ni Cassey. Andito kasi sila ngayon nila Ate Irene at Nayeon sa bahay ko. Simula nung nangyari sa The BENT 4 days ago, parang nawalan nako nang ganang lumabas ng bahay. Madalas tinatawagan nila ako para gumimik pero parang gusto ko lang mapag-isa.

"Yaan mo na. We can't force her naman kung ganun talaga nararamdaman nya. Kung wala naman talaga, bakit pa ipipilit diba? Maybe we just assumed so much. It's like binigyan lang natin ng kulay lahat ng ginagawa nya when in fact nagmamagandang loob lang siguro yung tao"

"Naku Reign pinagtatanggol mo pa yung paasa na yun! Akala ko pa naman iba sya sa lahat! Baka mamaya magkapareho lang pala yan sila ni Tyler, mga pa-fall" Banat ulit ni Cassey.

"Di naman siguro guys. May reason naman siguro kung bakit ganun naging sagot nya dun sa last twitter question. Kilala ko si El. Sa tagal ng pinagsamahan naming tatlo nila Tyler, super dedicated yan si El sa babaeng gusto nya. Kaya alam ko na may reason kung bakit yun yung naging sagot nya. I know she likes Reign a lot. I can see it in her eyes every time Reign is around. Lumiliwanag mukha nya at inspired sya lagi"

"Yaan na guys. Okay lang yun. Okay lang naman ako. Enough na yung nalaman ko na hanggang dun lang. Ayoko naman na kasing bigyan ng meaning yung mga ginagawa nya for me. Mabait lang siguro sya kaya ganun. I mean mabait sya sa lahat ng kaibigan nya"

"Okay ka lang??? After ka nyang pahiyain sa bar sasabihin mong okay lang??? Nasisiraan ka na ata ng ulo Reign! Alam mo, yan si Manoban kaibigan ko yan eh pero di ko mapapalampas pamamahiya nya sayo!" Nayeon said na nakakuyom pa ang mga kamao. Ngayon ko lang ulit sya nakitang ganito magreact. I mean, I saw her being like this nung kami pa ni Bobby.

"Right! Everyone expected it to be you yung tinutukoy nyang nagpapasaya sa kanya ngayon romantically. Paasa lang pala!"

"Relax guys. Wag nyo naman i-judge agad yung tao. Di pa naman natin naririnig yung side nya eh. Chill lang muna kayo. Reign, I know kahit hindi mo aminin, you've grown feelings for El. Just please let her explain kung ano ba talaga ang nangyari"

"Para saan pa Ate Irene?! Para ipamukha nya ulit sa kaibigan ko na wala syang gusto?! Madalas man akong siraulo pero di ko hahayaang ganun ganunin lang nya kaibigan ko" Nayeon said. Medyo tumataas na yung tono ng pananalita nya.

"Speaking of the devil, nagtext ang gago!" Binasa naman nang malakas ni Nayeon ang text message ni El sa kanya.

Text Convo:

"Nayeontot, I need your help 😔"

"What now?"

"Galit ka ba? Sorry na oh. Di naman talaga yun yung mean ko eh 😔"

"Putangina mo! Tinulungan kita't lahat lahat tapos papaasahin mo lang pala kaibigan ko? Gago ka!"

"Please let me explain 😔"

"Wala kang kasalanan sakin Manoban. Kay Reign ka mag explain. Sa taong pinahiya mo sa harap ng maraming tao. Wala kang mapapala sakin. Wag mo na kong i-message ulit"

End of Text Convo

"Ano daw sabi?" Usisa ni Cassey habang sinisilip ang phone ni Nayeon. Mabilis namang itinago ng huli ang phone nya. At dahil nasa tabi lang nya ko nung kausap nya si El, nabasa ko lahat ng pinag-usapan nila.

"Wala. Stupid messages lang. Anyway, san na nga ba tayo sa usapan?" Paglilihis ni Nayeon sa topic. Sumakit ang ulo ko bigla kaya nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko na magpapahinga muna ako sa kwarto ko.

-----

EL'S POV

"Bro, tangina talaga! Pati si Nayeon ayaw akong tulungan" Malungkot at naiinis kong reklamo kay Tyler. Nakaupo lang sya sa sofa at naglalaro ng Tekken.

"Tangina ka naman kasi! Bakit kasi ambobo mo?! Kasalanan mo yan! Bakit kasi sinabi mo sa lahat ng tao dun sa bar na hindi mo gusto si Reign? Ba't ka nagsinungaling??? Bro, pinapaalala ko sayo ulit ha, Reign is a super model. Sobrang laki ng epekto nun sa kanya at sa career nya"

"Eh diba nagpaliwanag na ko sayo na hindi nga yun yung mean ko. Hindi ako nagsinungaling kasi di naman talaga yun yung mean ko. Iba kasi pagkakaintindi nyo. Dapat kasi pinatapos muna ako ng babaeng yun bago kayo nagreact ng sabay sabay!"

FLASHBACK

#10: DJ El, do you like Miss Reign?

"Uhm. . .no. . .I don't. . .like her. I'm al---"

"So pinaasa mo lang si Miss Reign ganun?! Eh gago ka pala eh! Kala ko pa naman okay ka based sa mga sagot mo kanina sa ibang questions. Akala ko ikaw yung ideal girlfriend! Pa-fall ka lang din pala!" Sigaw ng galit na galit na fan ni Reign. Mukhang bitter ata tong babaeng to. Di pa nga ako tapos sa sinasabi ko nagreact agad eh.

"Miss ganito kasi y---"

"PAASA KA! PA-FALL KA! HMP MAKALABAS NA NGA DITO! AKALA KO PA NAMAN TOTOO MGA SINASABI MO! PAKITANG TAO KA LANG PALA!" Sabi nung isa pang fan. Tangina ano bang problema ng mga to!

"OO NGA PAASA! MAKALIPAT NA NGA NG IBANG BAR!" Tangina! Mga fans ba talaga namin to! Punyeta di pa nga ko tapos magsalita!

Sunod sunod ang paglabas ng mga tao sa bar. Di ko na namalayan na nakaalis na din pala sila Reign kasama sina Cassey, Nayeon at Ate Irene.

END OF FLASHBACK

"Tangina! Sino ba kasi yung babaeng yun?! Bakit parang di ko naman yun namumukhaan? Parang nung gabi na yun lang umattend ng gig natin bro" Takang tanong ni Tyler. Nagtataka nga din ako kasi parang di naman namin sya kilala. I mean. . .kahit papano parang may 'lukso-ng-dugo' feeling kaming nafifeel pag fans namin. Pero yung babaeng yun na nagsimula ng gulong to, di ko man lang sya feel. Tanginang yun! Tuloy di na sinasagot ni Reign yung mga texts and tawag ko sa kanya. Tuloy galit mga kaibigan nya sakin kasi ang buong akala nila pinahiya ko lang si Reign sa harap ng fans namin.

"ARRRGGGHHH ANG TANGA KO KASI BRO EH! Maloloka na ko nito. 4 days, 3 hours and 25 minutes na kong di pinapansin ni Reign and it's driving me crazy!!!"

"Wow bilang na bilang ah! And yes bro tanga ka! Bakit kasi maypa pickup line pickup line ka pang nalalaman?! Ayan napala mo!"

"I was supposed to say na I don't like her. I'm already falling for her. Eh kaso di naman ako pinatapos ng punyetang babaeng yun! I swear pag nakita ko yun ulit kakalbuhin ko yung lintik na yun! Panira ng plano!"

"Oh anong gagawin natin ngayon? May plano ka ba?"

"May naisip nako bro. Need ko lang ng help mo at ni Nayeontot"

"Oh ayun naman pala eh! Ano pa iniintay natin dito? Tara na execute na natin plano mo"

"Eh ang kaso nga pati si Nayeontot ayaw makinig sa explanation ko. Need ko din kasi ng tulong nya para magwork yung plan"

"Ano ba plano mo?" Sinabi ko kay Tyler yung buong plano na gusto kong mangyari sa gig namin sa sabado.

"We'll be doing White Rose Night" Nagsmirk naman agad si Tyler pagkasabi ko.

"I get you now bro and I'm liking the idea. Let's get started then! Let me take care of Nayeontot for you" Kinindatan lang ako ni Tyler bago kinuha ang susi ng kotse na nasa ibabaw ng lamesa.

_________________________________________________

To be continued. . .😊

JENLISA || CHAESOO: Spin To Breathe [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon