STB 8: Better Idea

3.3K 36 1
                                    

3RD PERSON'S POV

Nakababa na sina El at Tyler matapos nila magbihis. Nakaupo lang sila ngayon sa sofa kasama sina Nanay Pearly, Reign at Cassey.

Behave na behave ang dalawa; stomach in, chest out, hands on top of their knees, habang nakayuko.

"Oh ano kayong dalawa, sa pagkakatanda ko di ko pa naman kayo pinuputulan ng dila. Bakit na-pipi kayo ngayon jan? Mag-hi naman kayo kila Reign at Cassey!"

"Hi Reign. Hi Cassey." Sabay na sabi ng dalawa habang nakayuko pa rin. Natatawa naman ang dalawang dilag.

"Hello DJ El. Hello DJ Tyler. Reign by the way. N-Nice to uhm finally m-meet you." Sagot ni Reign na medyo nauutal pa. Inabot naman nya sa dalawa ang kamay. Mabilis naman yun tinanggap ni Tyler at ngumiti.

"Hi Reign. Nice to meet you. Alam mo ba tong si bro may cru--" Siniko at pinanlakihan naman sya ng mata ni El.

Si El naman nahiya pang abutin ang kamay ng dalaga.

"Shet ang lambot ng kamay nya. Mas lalo tuloy ako naiinlove jusko" Tanging nasabi ni El sa sarili.

"Matagal na kita gusto makilala" Kumunot naman ang noo ni Reign.

"Ah eh a-ang ibig kong sabihin nice to meet you too" El smiled.

"Hi DJs. Uhm. . .we are sorry for coming to your quarters unannounced. Nayeon said y---" Di na natapos ni Cassey ang sasabihin nung biglang sumingit si Nanay Pearly.

"Ohhh Nayeon? As in Nayeon Im?"

"Yes po sya nga po. Do you know her Mommy Shelly?" Cassey asked.

"Yes hija. She's a regular here and close sya sa dalaw---"

"Ah eh hehe Nay di ba sabi mo may lakad ka?" Putol ni El habang inaalalayan ang matanda patayo.

Nataranta sina El at Tyler dahil ayaw nila malaman ng dalawang dalaga na Nayeon is their friend.

"Oo nga po Nay sabi nyo ano uhm ano. . ." Bilis na rescue ni Tyler kay El.

"Ano? May sinasabi ka Tyler Cassidy? Alam nyo wala akong natatandaang lakad ngayon. Gusto ko dito kasi makikipagchikahan ako sa mga dilag na to. Buti pa sila naaappreciate nila beauty ko. And isa pa they recommend a makeup kit na bagay sakin. Tsaka di ko pa tapos ichika yung kay Nayeon. Eh diba nga close kay---"

"Nay diba ano uhm ano. . ." Sabi ulit ni Tyler.

"Ano nga Tyler Cassidy?"

Napapikit ng mata si Tyler dahil hindi nya gusto yung mga susunod nyang sasabihin.

"Nay kasi ano. . .diba ano. . .hmmm magsashopping kayo ngayon? Diba sabi mo?" Napakagat labi si Tyler.

Bigla namang nagliwanag ang mukha ng matanda sabay lahad ng kamay.

"Pera?"

Nagpanic naman ang dalawa. Siniko ni El si Tyler. Lowkey na sinasabi na panindigan nya sinabi nya sa nanay nila kasi alam na alam nila kung gaano kagastos magshopping ang matanda. Iniisip pa lang nila napapafacepalm na sila. Naalala tuloy nila nung unang beses nila sinabihan ang matanda na magshopping dati. Halos wala na silang makain kinabukasan.

"Ah eh hehe Nay ano. . .hmm. . ." Biglang nakaisip ng solusyon si Tyler.

"Ano Nay. . .ito si El maraming pera yan Nay"

"Tangina mo bro!"

"Aevry Elijah! Bibig mo huh! Di ka ba nahihiya sa mga bisita natin?"

Hiyang hiya naman si El at napayuko.

JENLISA || CHAESOO: Spin To Breathe [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon