STB 40: Getting Cozy

2K 25 21
                                    

Author's Note:

Hello guys! Third update for today. I hope you enjoyed the other chapters. I hope you'll like this update too. Thank you guys for supporting. Watch out for the mechanics of our raffle. Love you all 😚😊

_________________________________________________

3RD PERSON'S POV

Andito ngayon ang magbabarkada sa The BENT.

"Tangina guys inom pa tayo! Whooo ang saya! Kuha lang kayo sa counter marami pa dun" Sabi ni El na lasing na lasing na. Nakailang bote na din sya ng alak.

Bagama't wala masyadong nakisaya sa The BENT, dahil na din sa humina na ito nung magbukas ang isang bar malapit sa kanila, nagspin pa rin si El.

"Bro, bro tama na yan. Akyat na tayo sa kwarto mo. Tama na yan" Saway ni Tyler sa matalik na kaibigan. Pilit nyang inaagaw ang bote sa kamay ni El.

"No bro. Inom pa tayo! Ang saya saya!"

"Tama na Bro. Tara na. Iaakyat na kita sa kwarto mo"

"Elijah, anak, please tama na yan. Lasing ka na eh. Di mo na kaya. Please anak makinig ka na kay Tyler" Pagmamakaawa ni Nanay Pearly. Umiiyak na ito at nag-aalala sa sitwasyon ng anak-anakan.

"Hindi Nay kaya ko pa po. Mamaya na po nagkakasiyahan pa po eh"

"Bro tara na wag na matigas ang ulo" Hinawakan ni Tyler ang kamay ni El pero marahas nya itong binalikwas.

"ANO BA!!! SABI KONG AYAW KO PA DIBA?!! BA'T BA ANG KULIT NYO?! AYOKO PA UMAKYAT AT HINDI PA AKO LASING OKAY??!!"

"Bro lika na wag nan---" Hindi na nagawang hawakan ulit ni Tyler ang kaibigan kasi naitulak sya nito.

"AYOKO NGA DIBA??!!! KUNG GUSTO NYO UMUWI, UMUWI KAYO!!!"

"Bro sige na akyat ka na. Hindi ka na okay eh" Sabat ni Seulgi. Umiiyak na sina Cassey at Irene sa nangyayari sa kaibigan. Habang si Nayeon ay halatang naiinis.

"SINO BA KASING MAYSABI HINDI AKO OKAY??!! OKAY AKO, OKAY??? OKAY AKO! Okay lang ako. O-okay lang. . .na iniwan nya ko. Okay lang na pinagpalit nya ko sa iba. Okay lang na nagmukha akong tanga. Okay lang na ikakasal na pala sya sa iba habang ako nagdurusa. Okay lang. . .ako. Okay lang. . .talaga. . .ako. O-Okay lang. . .Okay. . .Ok" Dahan-dahang humagulgol si El sa harapan ng mga kaibigan at ibang tagahanga ng The Crackheads. Pinilit nya pa ring ngumiti kahit masakit. Napaupo na ito sa sahig.

Awang-awa naman ang mga ito sa sitwasyon ng DJ.

"Tangina! Grabe no? Binigay ko na lahat pero ako pa rin yung iniwan. Binigay ko na lahat pero ako pa rin ang niloko at pinagmukhang tanga" Tumungga ng alak sa bote si El at pinahid nya ang bibig ng likod ng palad. Natatawa pa ito habang masaganang umaagos ang mga luha nito. Sobrang sakit sa mga kaibigan at mga nagmamahal sa kanya na makitang down na down ang DJ.

"Kung sabagay sino ba naman kasi ako diba? Isang hamak na tomboy lang naman ako at walang narating sa buhay. Pinangarap ko kasi magmahal ng isang mayaman at makapangyarihan kaya ayan tuloy napala ko. Kasalanan ko rin naman. I wish her happiness kasi mukhang mayaman at pogi pa yung papakasalan nya. Swerte nila sa isa't isa" Natatawang sabi ni El. Pero mayamaya'y umiyak na naman ito.

"Pero pano naman ako? Mahal ko eh. Minahal ko eh. Halos wala nang natira para sa sarili ko. Ibinuhos ko na't lahat lahat para sa kanya, pero sa huli pala ako pa rin ang maiiwan. Ako pa rin ang talo. Nakakatawa lang. Wala na nga siguro akong karapatang sumaya" Tumungga ulit si El ng alak.

"Bro. . .baka may dahilan si Reign kung bakit nangyari to" Alo ni Tyler sa kaibigan pero tumawa lang ito at pilit na tumayo mula sa pagkakaupo.

"DAHILAN??? ANO NAMANG KLASENG DAHILAN BRO??? NA PINAGLARUAN LANG NYA KO??? NA PINAASA SA ISANG PUTANGINANG PANGAKO NA DI NAMAN PALA TOTOO??? SINABIHAN NA MAHAL PERO NIMINSAN PALA HINDI SYA NAGING AKIN??? YUN BA??? YUN BA ANG DAHILAN NYA??!!! PUTANGINANG DAHILAN NA YAN!!!" Galit na galit ngayon si El at halatang sobrang nasasaktan.

JENLISA || CHAESOO: Spin To Breathe [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon