CHAPTER 14

3.6K 88 1
                                    

Coffee shop...

Nandito na ako sa office at pasalamat ako dahil hindi ako nakita ni Maam Valdez na pumasok kanina dito. Naka upo lang ako sa upoan ko, nakapatong ang dalawang braso sa lamesa at bagsak ang balikat na nakatulala lang sa labas ng building na kitang kita ang malawak na syodad..

Kahit anong isip ko na kailangan gawin dito sa office ay hindi ko ma isip.

Ito na nga ang sinasabi ko sayo Jessa, sana di ka nalang pumasok sasakit lang lalo ang ulo mo. Hindi ka makakapag focus , ang tigas talaga ng ulo m-

Napatigil ako sa pagsesermon sa sarili ng makarinig ako nang mahihinang katok, at agad naman itong nagbukas.. awang ang bibig ko nang iniluwal nito ang kanina ko pa iniiwasan, si Maam Valdez.. sigurado akong marami itong katanungan ngayon.

Napa ayos ako nang upo habang sya naman ay umopo sa kaharap nang lamesa kong upoan.

" how are you Jessa, are you okay?"

Simulang tanong nito , ngumiti ako sa kanya kahit pinilit kong kinalma ang sarili.

" okay lang po ako maam, ahh.. napagod lang po.."

Nakita ko ang pagtaas nang kilay nito.

" i see, napagod ka sa party kagabi? Saan ka ba nag punta ? Hinanap kita kagabi pati si Leo biglang nawala.."

Bahagya kong nakagat ang labi ko at umiwas sa kanya nang tingin, as if nalang ako na may tinitingnan sa laptop na kaharap ko..

" ahhh... umuwi na po ako kagabi maam, medyo s-sumakit po kasi ulo ko. Hindi narin po ako nakapagpa alam kasi gusto ko na po talagang magpahinga kagabi.. s-sorry po."

Hindi ko parin ito binalingan ng tingin.

" okay, nasaan nga pala si Leo? Wala pa ba sya?"

Tumingin na ako sa kanya at umiling iling..

" wala pa nga po maam ehh.. nagtext naman po sya sa akin na medyo malalate sya ngayon kasi may importante syang meeting na dadaluhan"

Deretso kong explain sa kanya..

Ang galing mo lang talagang magsinungaling Jessa..

Nasa isip ko ..

" okay , call me kung nandito na sya ha? Kasi may kailangan kaming pag usapan .."

" copy po maam.."

" okay, babalik na ako sa office ko.."

Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya. Sya naman ay agad na umalis sa office namin, sinundan ko sya nang tingin hanggang sa sinirado nya ang pinto pagka labas nya. Naglakbay ang mata ko sa table ni Leo, at nagpakawala nang hangin.

" paano ba ako makaka focus nito? Kasalanan mo Mr Fernandez."

Sabay ngiwi sa naroong upoan nya as if na nandon sya, nabaliw na ata ako.

Lumipas ang oras na wala akong ginawa sa office, mukhang naiintindihan naman ako nang tadhana na wag na akong e stress ngayon kasi hindi rin madali ang nangyari sa akin.

Malaking pasalamat ko rin kay maam Valdez dahil wala naman syang pinapagawa sa akin..

Buntong hininga akong napasandal sa upoan ko, nakaka stress talaga pag ang dami mong iniisip. Bakit ba ganito ang nangyari sa akin? Ang gusto ko lang naman ay ang makahanap nang magandang trabaho, magkasahod nang malaki at makakapag pundar ako para sa future ko. Pero bakit ganito? Sana naman hanggang ganito lang yun, sana wag nang mas malala pa ang mangyari sa amin ni Leo ..

Napaigtag ako nang marinig ang phone ko na nakapatong sa lamesa ko . Agad ko itong kinuha at nakarehestro doon ang pangalan ni Leo, pasinghap akong sinagot ang tawag nya.

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon