CHAPTER 15

3.5K 70 7
                                    

The suitors...

Nakatulog naman ako nang maayos kagabi, at maganda ang gising ko ngayon dahil linggo, syempre walang trabaho. Hindi ko na masyadong inisip si Leo , pinilit kong wag ma syang sumagi pa sa isip ko, na eestress lang ako.

Agad akong tumayo at nagtungo sa bathroom para maligo, sasama ako ni Nanang magsimba ngayon.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis at nag ayos , ilang sandali pa ay bumaba na ako . I saw nanang estir na naghihintay sa akin sa sala, tumayo sya nong nakita nya akong pababa nang hagdan.

" tara na Nanang.. "

Ngumiti sya sa akin at sabay na kaming umalis nang bahay.

Agad kaming sumakay nang taxi at nagpahatid sa simbahan. Pagkadating namin doon ay nagtungo kami sa unahan na upoan nang simbahan na lagi naman talagang pwesto namin ni Nanang sa twing magsisimba kami.

Pagkatapos nang mass ay agad kaming umuwi ni nanang sa bahay, ang sarap talaga sa pakiramdam pag galing ka sa simbahan. Agad akong nagbihis nang pang bahay, sleeveless at shorts. Bumaba ako pagkatapos kong magbihis, nagtungo ako sa kosina kung saan nandon si Nanang..

" hi nanang, ano po ba niluluto nyo?"

Umopo ako sa silya at nakapatong ang kamay ko sa lamesa na pinapanuod syang nakatalikod busy sa pag uukay nang niluluto nya.

" nagluluto ako nang champorado anak "

" wow, masarap po yan nanang."

Bulalas ko .

" malapit na itong ma luto anak."

Nakangiti akong nakatingin lang kay manang nang may nag door bell . Napalingon sa akin si Manang ..

" may inaantay ka bang bisita anak?"

Umiling iling ako sa kanya..

" wala naman po nanang.. teka lang po ha, bubuksan ko po.."

Tumayo na ako at lumabas nang bahay, agad ko namang binuksan ang gate at na surprise ako nang nakatayo sa harap ko si Sam. Ngayon ko lang ito ulit nakita.

" hi, goodmorning my dear.."

Bati nito sa akin sabay lahad sa akin nang isang perasong rose at may pa kindat pa.. napangiti nalang ako at kinuha yung rose sa kamay nya.

" pasok ka.."

Sumonod naman agad ito sa  akin, at sabay kaming nagtungo sa sala..

" naparito ka ata .. "

Umopo ako sa sofa at sumonod naman syang umopo sa tabi ko.

" yes, namiss kita kaya bumisita na ako"

Ngumiti nalang ako at inamoy iyong rose na binigay nya .. kahit kailan talaga ang bango nang bulaklak na ito.

" you like it?"

Tanong nya na syang dahilan para lingonin ko sya .

" yes, thanks."

" my pleasure "

Sabay kindat na naman nya sa akin, napatawa ako sa ginawa nya .

" nag breakfast ka na ba?"

Tanong ko sa kanya .

" oo, tapos na ako .. how about you?"

Umiling ako sa kanya.

" wala pa, nagluto kasi si nanang nang champorado, samahan mo kaming kumain"

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon