Chapter 4 of Stranger Has DisconnectedAmber Rushton
Paglayas nu’ng lalaki, pumunta agad si Yana sa pwesto kung saan ako nakahiga. Marahan niya akong sinipa sa paa, hindi ko siya pinansin.
"Hoy, h’wag kang maarte. Kuya ko ’yun! Dyan sa kabilang unit nakatira." Umupo siya sa tabi ko.
Kuya raw! Mukha niya! Kuya kuya pa eh ang lagkit tumingin sa kanya. "I’m not buying." I nonchalanty said. Tinatamad na ako at gusto ko na lang mahiga sa kama ko pero bigla kong naisip yung sinabi niya kanina. "Oh nasa’n na ang heaven?" Napatayo ako, ngumiti ng matamis sa kanya.
"Nasa tabi mo na ang heaven. Kakainin mo ba..." Tanong niya, nangingiti. "..itong binili natin."
Malapit na malapit ang mga mukha namin at nakikipaglaban siya ng titigan. I smirked. " Oo and I’m going to kiss you later." I said.
Naupo ako nang maayos at kumuha ng beer sa ibabaw. Tinungga ko iyon kahit ang pait pait pait. Natatawa siyang binatukan ako ng mahina. "Hoy, hinay-hinay. Tama na iyang isa." Saway niya at layo ng mga beer sa’kin.
Kumagat ako sa sandwich na binili namin at humarap sa kanya. "I want to taste your lips so badly." Naiiling na saad ko, mas kinakausap ko ang sarili ko kaya parang bulong na lang yun.
Kaso may pumipigil sa’kin. Dahil siguro best friend siya ni Neon at si Neon naman talaga ang pakay ko at ang namamagitan sa kung anong meron sa’min ngayon ni Yana.
"Pwede mo naman akong ikiss pero hindi mo ako pwedeng gahasain." Natatawang saad niya. "Unless you’re my girlfriend."
Edi ang labas hindi nga pwedeng i-kiss. Pakiramdam ko, lust lang lahat ng nararamdaman ko towards her, but no, hindi pupwede dahil hindi siya deserving sa ganon. Maybe I’m sexually attracted to her. Eros love. Dapat maging Agape. Hindi siya deserving sa Eros love lang.
Remember that, Rushton.
"Let’s doze off to sleep." I said.
Napataas ang kilay niya. "Sunday bukas, baka gusto mong magpuyat." Suhestiyon niya, "Nood tayo ng movie."
Napatango ako, pero gusto ko talagang matulog. "Anong movie?"
"Saving Face?" Ngiti niya.
"Sure, anything. Isalang na yan."
Tumayo na siya, isinalang ’yung DVD then she walks towards my direction, with that pretty smile on her face. No, I must say, that seductive smile. I mean it. She really is seducing me and making me give up my damn virginity.
"I’m not going to sleep with you, you beast." Bulong niya na nagpagising sa’kin.
Kunot noo ko siyang hinarap, wala naman akong sinasabi eh! I defensively told her this, "I didn’t say anything like that, did I?" sabay abot ng chips sa ibabaw ng mesa at subo sa kanya bago niya pa siya makapagsalita.
Not too fast, Martinez.
Wala siyang nagawa kung hindi ngumuya at sumimangot. Pagtapos ay hinampas niya ako. "How dare you, Amber!"
"Shh. The movie’s about to start."
Naramdaman kong lumayo siya ng kaunti so hinila ko siya at itinabi sa’kin. "Stay still." I whispered.
Hindi na siya gumalaw. Feel good movie itong pinapanood namin. About a stiff doctor, her funny mother, and a pretty ballet dancer. Exactly my type, I mean the ballet dancer. A little aggresive, not too wild. Maganda ang ngiti at simple.
"Oh c’mon. I’m waiting for their love scene. Not this freakin’ scene with that kind of man." Bulong ko sa sarili ko.
I’ve heard that they will do a love scene. Minsan lang ako makakapanood ng love scene ng dalawang babae eh. Naramdaman ko ’yung palo ni Yana sa binti ko. I held her hand and squeezed it, not planning to let her hit me again.
BINABASA MO ANG
Stranger has Disconnected (on indefinite hiatus)
Mizah"Ikaw ba si stranger has disconnected?"