CHAPTER 1
PSYCHE YELA
"I-ikaw?"Halos di ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa hiya at pagkagulat.
Paano ako matatanggap neto eh ang magiging boss ko ay ang lalaking nakaaway ko kanina.
"Ahm. Ehem. G-good morning s-sir" kinakabahan talaga ako. Paano nalang pag di ako tanggapin dito dahil sa nagawa ko? Tapos na, wala ng pag-asa ang mga pangarap ko.
"Can I see your bio- data?" Sabi niya sabay upo sa swivel chair niya.
"Ah e-eto po" sabay abot sa brown envelope na pinaglagyan ko sa bio-data ko.
"Tell me about yourself" sabi niya ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin at abala sa pagtingin sa bio data ko.
"I am Psyche Yela Garcia po. I graduated at UP DILIMAN. I love math so i take up Business Management. Gusto ko pong mag tayo ng sariling business kaya ako nag-apply bilang secretary para mag-ip----" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil agad niya akong pinahinto.
"I'm not asking for your life story . I want to know your skills. What charecteristics you possess para i-hire kita rito." He asked . It seems that he doesn't remember anything pero imposible kasi kanina lang nangyari yun . Ano yun Sudden Amnesia. Pero meron bang ganun?
"Am I talking to a deaf here?" At dahil doon ay nabalik ako sa kasalukuyan.
"P-po?"
"I am asking kung ano ang mga katangian mo that will convince me to hire you.?" He said habang sumisimsim ng alak sa kopitang hawak niya. Ang aga aga naglalasing na. Hahay lasinggero ata itong isang 'to.
"Ahm" I cleared my throat first.
"I am patient kaya kong habaan ang pasensya ko para sayo kahit gaano ka pa kasuplado ka bossy at kung ano pa man sinisigurado kong mataas ang pasensya ko. Pangalawa, is I'm loyal di lang sa boyfriend kung hindi pati narin sa boss ko. I can be loyal to my work po at promise ko po yan sa inyo. Dedicated rin po ako sa trabaho ko.--"
"How can you say na loyal ka kung ang sabi mo ay nag apply ka lang dito para makaipon para makapagpatayo ng sariling business. I conclude that pagkatapos mong gamitin ang kompanya ko ay aalis ka rin then how can you say na loyal ka.!" I don't know kung saan galing yun pero ang lalim ng hugot ni boss ah.
"Ahemm , ang lalim nun ah. May pinagdadaanan ka ba? Hahaha okay lang yan lahat naman tayo dumaan jan eh. Kung hindi pinaasa, kung hindi pinagpalit eh iniwan ng walang dahilan." Sakay ko naman sa hugot niya pero napansin kong di na naman maitsura ang mukha niya. Patay lalo akong di matatanggap neto....
"Okay you're hired you can start tomorrow" dahil dun natulala ako. I didn't expect na matatanggap ako. I'm sure naaalala niya ang ginawa ko kanina kaya ako nagtataka kung bakit.
"You're speechless, if you don't want the job then tell me para makapag-interview pa kami ng ibang applicants." Sabi niya habang abala sa pagkalikot sa cellphone niya.
"A-ah h-hindi po gustong-gusto po syempre. Thank you po. Thank you." Sabi ko na sobrang tuwa.
"You can go now, you'll start tomorrow."sabi niya.
Nagtaka ako diba secretary kailangan niya pero bat di ako pwede mag start ngayon agad?
"Bakit bukas pa po?" Nagtataka kong tanong.
"What do you mean?" Balik niyang tanong.
"I'm applying for the position of secretary right at secretary niyo po kung hindi ako nagkakamali pero bakit bukas pa ako mag uumpisa? Diba dapat ngayon na kasi dapat lagi niyo po akong kasama? I mean diba trabaho ko pong samahan ko kayo lagi." Sabi ko pa at bigla namang nakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Wait, may nasabi ba akong masama?
BINABASA MO ANG
PLAYING WITH FIRE ( Seducing Series #3)
RomanceWhat if Fire meet someone who look exactly with his deceased ex girlfriend? Is destiny playing with FIRE?