CHAPTER 3

44 0 0
                                    

CHAPTER 3

PSYCHE

NAPAGDESISYUNAN ng board na si Sir Fire ang ipadala sa Palawan upang mag ayos sa problema doon.

"Pack your things we will be going to Palawan as soon as possible. " Sir Filip instructed.

At dahil doon hindi ko alam kung paano ko tatanggihan yun baka mawalan ako ng trabaho dahil dito.  Pero paano naman ang mga kapatid ko.  Hindi ko sila pwedeng iwan.

"Ahm, Sir Fire--este Sir Filip hindi ko po kasi pwedeng iwan ang mga kapatid ko . Mga bata pa po yun tsaka di ako mapapalagay kapag di ko sila kasama." Sabi ko.

"So,  you want your siblings to be with us in Palawan?" sabi niya habang nakataas pa ang kilay.

Sira ba siya bakit ko naman iisipin na isama ang mga kapatid ko sa Palawan. 

"Hindi po,  ang ibig kong sabihin ay pwede po bang hindi nalang ako sumama. "Sabi ko habang nakayuko . Hindi ko alam pero may palagay ako na di siya papayag.

"Ok,"he simply said at dahil doon umangat ang ulo ko at tiningnan siya ng naniniguro.

"P-po?"

"I said ok you can stay here but make sure na maayos ang kompanya habang wala ako.  I will just give you instructions and you can call me if may mga tanong ka." He said.

"Ahmm,  S-sir wala kasi a-akong number niyo. " I honestly said.

Nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko na tila ba may hinihingi.

"P-po? "

"Your phone I'll give you my number ." Sabi niya at dali dali ko naman itong ibinigay sa kanya. Medyo nahiya pa nga ako eh kasi de keypad lang yung phone ko di hamak na panget kumpara sa phone niya.

He typed his number on my phone.  Medyo natagalan pa nga ito dahil siguro hindi siya sanay na gumamit nito.  Sino ba namang mayaman katulad niya ang marunong gumamit ng phone na de keypad.

"Here, call me if there is something wrong here." Sabi niya. Agad ko namang tinanggap at binalik sa bulsa ko.

LIMANG araw na simula ng pumunta si Sir Fire ng Palawan para sa problema ng isang resort doon.  Maayos naman ang takbo ng kompanya dahil araw-araw din siyang ngangungumusta --- I mean kinukumusta niya ang kalagayan ng kompanya niya.

Kasalukuyan akong nagchecheck ng future schedules ni Sir sa mismong table niya. Sinusubukan ko lang naman kung ano ang pakiramdam maupo sa upuan ng isang CEO. Ilang minuto pa ay nakaramdam na ako ng antok dahil pasado alas nuebe na at nandito parin ako sa opisina upang tapusin ang pinapagawang report ni Sir. Malapit na akong matapos kaya binilisan ko nalang ang ginagawa ko para makauwi na rin ako.

Bigla akong nakarinig na tila may hinihila.  Teka paano naman may hihilahin dito eh wala namang mabibigat na bagay dito ah tsaka hindi naman nagagawi ang mga utility man dito sa taas ah.  Exclusive lang kasi itong floor na ito para sa office ni Sir Fire.

Tatayo sana ako upang tingnan kung ano yun ng biglang namatay ang mga ilaw.  Juskoo takot pa ba naman ako sa dilim.  Sandaling nawala ang tunog na parang hinihila pero ilang sandali ay bumalik na naman ito.  Nagsimula na akong kabahan dahil na rin sa mga ideyang pumapasok sa utak ko.  Paano kung killer yun tapos may hila-hilang patay na tao.  Imposible yun pero yun talaga ang pumapasok sa utak ko.

Kinapa ko ang phone ko na nasa ibabaw ng mesa. Agad kong in- on ang flashlight nito at naghanap ng bagay na maaring maging self defense ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan at naririnig ko narin tila papalapit na rin ang mga yabag dahil mas lumalakas na eto.

PLAYING WITH FIRE ( Seducing Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon