CHAPTER 2

49 0 0
                                    

PSYCHE YELA

Kringgggg..... Kringggg

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm na sinet ko kagabi. Agad akong bumangon para sana gisingin na ang mga kapatid ko pero paglabas ko ng kwarto nakita ko silang nakalinya habang may hawak hawak na mga hanger na may mga damit.

"Good morning ate." Sabay-sabay nilang bati.

Pansin ko na lahat sila ay nakabihis na pangskwela pwera kay Aphrodite na nakabihis na rin para sa pinagtatrabahuhan niyang fast food restaurant.

"Goodmorning din." Bati ko naman sa kanila at isa-isa silang humalik sakin.

"Ano yan?" Natatawang Tanong ko sa kanila.

"Damit ate." Pilosopong sagot naman ni Loki.

"Oo alam ko pero ang ibig kong sabihin para saan yan?"

"Para san ba ang mga damit ate, syempre sinusuot!" Patuloy niyang pamimilosopo.

"Isa pang pilosopong sagot Loki, makakatikim ka sakin." Banta ko sa kapatid kong mukhang natakot naman sa sinabi ko.

"Sorry" nakayuko niyang sabi.

"Ahm ate diba first day mo ngayon. Naalala ko kasing di pa tayo nakabili ng damit mo sa ukay-ukay kaya nanghiram muna ako ng apat na pares ng damit kay ate Lily." Sabi ni Aphrodite.

"Ahh, hmmm. Thank you Dite." Sabi ko at tiningnan ang mga damit na hawak nilang apat.

"So ate pili ka na po" excited na sabi ng bunso namin.

"Sige. Hmmmmmm........" Sabi ko at umaktong namimili sa hawak nilang mga damit.

Nilagay ko pa ang daliri ko sa baba ko na para bang nag-iisip....

" Gusto ko yung kay Loki." Sabi ko sabay turo sa damit na hawak ni Loki.

"Oh sige na maligo ka na ate.. baka malate ka na .. ako na bahala sa kanila" sabi ni Aphrodite na tinulak pa ako sa kwarto ko sabay bigay sa damit na napili ko.

Agad akong nagtungo sa banyo at naligo. Makalipas ang mahigit 30 minuto ay nagbibihis na ako. Napili ko ang pares ng black pencil skirt atsaka white blouse at pinatungan ko ito ng black coat. Kaso ang problema ko ay sapatos kaya sinuot ko nalang ang black flats ko na matagal ko na ring ginagamit.

Inayos ko na ang laman ng bag ko at lumabas na ng kwarto.

"San na ang mga kapatid mo?" Tanong ko kay Aphrodite ng mapansin kong wala na ang tatlo.

"Ah ipinahatid ko na kay Jr ate." Sabi ni Aphrodite habang pinaghahanda ako ng agahan.

"Di mo na kailangang gawin yan."saway ko sa kapatid ko.

"No ate. Hayaan mo na lang ako . Ikaw na ang tumatayong nanay at tatay samin kaya hayaan mo naman ako na ang tumayo bilang ate, ate" sabi niya.

"Wag ka nga. Paiiyakin mo lang ako eh masisira na tong make up ko." Dahil dun tinawanan niya lang ako kaya natawa nalang din ako.

"Sige na ate kumain ka na diyan baka mahuli ka sa unang araw mo mabad shot ka pa sa boss mo" sabi ni Aphrodite.

Kumain na ako at siya naman ay pumasok sa kwarto niya.

Patapos na akong kumain ng lumabas si Aprodite mula sa kwarto niya na may hawak-hawak na kahon.

"Ate ito na suotin mo ang pangit naman na mag flats ka tsaka medyo luma narin yang sapatos mo." Sabi niya sabay abot sakin nung kahon.

"Ano to Dite?" Tanong ko sa kanya sabay abot nung kahon na bigay niya.

"Sapatos ate, suotin mo yan binili ko yan kahapon." Sabi niya na nakangiti.

PLAYING WITH FIRE ( Seducing Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon