A/N: Before reading this reread Chap 4 kasi inedit ko kasi. Thanks.
PSYCHE
Ilang araw na ang nakalipas kaso naiilang pa rin ako kay Sir Fire dahil sa pagha-----hindi pwedeng lagi ko 'yung iniisip. Mas mahihirapan lang ako.
"Ms. Garcia, can you remind the Marketing Department about the files that I was asking them." Utos ni Sir Filip na sobrang seryoso na naman. Akala mo binagsakan ng langit at lupa dahil sa mukha na di man lang ngumingiti.
"Okay Sir." Lumabas na ako sa opisina ni Sir at nagpunta sa desk ko na nasa labas ng office ni Sir Fire.
Pagkatapos kong tawagan ang Marketing Department ay papasok na sana ako ulit pero tinawag naman ako ni Sir Xy--- iyong kaibigan ni Sir Fire.
"Psyche, good morning. Nandiyan ba si big boss?" Masiglang bati at tanong ni Sir Xy.
"Yes, I'm in here Zamora. What do you want from me? And why don't you just come in? Why are you bothering my secretary?" Masungit na sermon ni Sir Fire kay Sir Xy.
Wala namang ginagawang masama 'yung tao pero kung tratuhin niya para bang may kasalanan ito sa kanya.
"Okay, okay Fire---- I mean Filip. Pwede 'wag kang highblood. May PMS ka yata ngayon e." Biro naman nung isa na mas nagpakunot sa noo nung masungit.
Pumasok na sila sa opisina at sumunod na rin ako. Ipinagtimpla ko na rin sila ng kape habang nag-uusap silang dalawa. Batid kong seryoso ang pinag-uusapan nila dahil hindi lang si Sir Fire ang mukhang seryoso, pati na rin si Sir Xy.
Pagkatapos kong magtimpla ay inihatid ko na rin iyon sa kanila. Gusto ko sanang makinig sa usapan nila kaso bigla rin naman silang nanahimik dalawa.
Binagalan ko ang bawat galaw ko nagbabasakali na mag-usap ulit sila habang nandito ako ngunit pareho lang silang nanahimik at sumimsim lang ng kape ang dalawa.
Sa tingin ko ay hindi na nga sila mag-uusap habang nandito ako kaya wala akong choice kung hindi lumabas nalang muna habang nag-uusap silang dalawa.
"Huy... Bakit para kang binagsakan ng dalwang sakong bigas?" Tanong ni Janara na bigla nalang sumulpot kung saan.
"Bakit? Ganito ba dapat ang mukha ng taong binagsakan ng dalawang sakong bigas kasi kung ako babagsakan ng dalawang sakong bigas mahiging masaya ako hindi ganito." Sagot ko naman kay Janara.
"Bakit ano bang nangyari?" Tanong niya sabay pakialam sa mga files na nakakalat sa desk ko.
" Wala naman. Naku-curious lang ako sa pinag-uusapan ng dalawang boss na nasa loob. Ngayon ko lang kasi nakitang seryosong nakipag-usap si Sir Xy " sagot ko sabay abot ng chichiryang palihim kong kinakain.
"Ano kayang pinag-uusapan ng dalawa?" Sandaling nag-iisip ang katabi ko.
"Baka may problema sa kompanya? May napapansin ka ba sa kanya? Masungit ba siya nitong mga nakaraang araw--- ay lagi nga palang masungit 'yang big boss mo. "
"Shhhh, wag ka ngang ganyan, baka marinig ka nun. Ikaw pa mapagbuntunan ng sungit nun." Saway ko sa bruha na sinimot ang chichirya ko.
Nagchika muna kami ni Janara bago siya bumalik sa trabaho niya. Ilang sandali lang din ay lumabas na si Sir Xy na nakangiti na ulit.
"Psyche, tawag ka pala nung masungit mong boss." Sabi ni Sir Xy bago naglakad paalis.
Agad rin akong pumasok para malaman kung ano ang kailangan ni Sir Fire.
"Sir may kailangan daw ho kayo?" Tanong ko sa tahimik na naman na si Sir Filip.
"Huh? What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong sa akin.
BINABASA MO ANG
PLAYING WITH FIRE ( Seducing Series #3)
RomanceWhat if Fire meet someone who look exactly with his deceased ex girlfriend? Is destiny playing with FIRE?