Eins.

2K 42 30
                                    

"Come on, Earl Ramses. Wala ka pa rin bang mapapakilala samin na special someone mo?" His mom asked. Agang aga, eto agad ang bungad sa kanya ng nanay niya. "You're turning 27 this year." Dugsong pa nito.

"Ma, pwedeng mag-inat muna ako? Kagigising ko lang, bungad niyo agad talaga yan?" He said.

His mom just laughs. "Gusto ko lang talagang ibungad. Para makapag-isip isip ka na."

"Ma naman." Ungot niya rito.

"Hayaan mo muna ang anak mo, mahal. Kagigising lang." Saad naman ng papa niyang mukhang kakadaan lang sa may kwarto niya. "Morning, son."

"Thanks, Pa. Morning, too." He said.

"Go downstair. Breakfast is ready." Pahabol naman nito sa kanya. Marahan nitong hinila ang mama niya palayo sa kwarto niya. Nakalimutan nanaman niyang mag-lock kaya nabungaran siya agad ng Mama niya.

Siya lang ang naiwan sa bahay ng parents niya, her sister and her older brother already has a family. Kung tutuusin magkakalapit lang naman sila ng age. His older brother is already 32, and his sister is already 29. Both of them are settled. No wonder why his mom keeps bothering him to have a special someone.

Wala naman siyang mapapakilala. He tried to have girlfriends before, noong confused pa talaga siya. Pero hindi rin nagtatagal kapag nalalaman nilang tagilid siya. He never had a relationship with a guy before. Puro babae lang talaga.

"Your hair is a bit long. Pa-trim mo na kaya?" Natigilan siya nang umagang iyon.

With wide eyes saying, "Ate?"

"Miss you, brother." His sister Raja laughs. Saka siya nito pinanggigilang yakapin. "Is mom bothering you again?" Tanong nito.

Binalik niya ang yakap nito at hinalikan ang tuktok ng ulo nito. His older brother, Rama likes to do that to her too. "Miss you too. Oo e. Pinaghahanap na ako ng special someone." Nguso pa niya.

Her sister laughs. "Ma, yaan mo na nga si Earl. May ipapakilala rin yan sayo soon." Then grins at him.

"Bakit parang kinakabahan ako dyan?" He whispered to her sister.

"Oh well." Nagkibit balikat lang 'to.

——

"Come on, Rae! Mag move on ka na!" Ngali ngali niyang batuhin ng Encyclopaedia si Abigail dahil agang aga binubwisit nanaman siya ng magaling niyang pinsan. Kasama pa nitong mambwisit si Brielle, ang isa pa nilang pinsan. Gusto niya itong batuhin ng Almanac.

"Tantanan niyo nga ako! Matagal na kong naka-move on sa kulugong yon!" Angal niya sa dalawa.

"Talaga?" Abi asked.

"E ba't wala ka pang jowa?" Segunda naman ni Bri.

She groaned. Sa lahat ng pinsan niya, etong dalawa lagi ang partners in crime. No wonder kung bakit pati ang jowa nilang dalawa e mag-best friend. "Hindi ko feel."

"Hindi mo feel?" Tiling tanong ng dalawa.

Tinakpan niya ang tenga niya. "Kelangan sabay? Oo, hindi ko feel!"

Abi's married already and Bri is engaged. At malapit na ang engagement party nito at required siyang magdala ng ka-date. Alam niyang dadating din kasi ang grandparents niya. At kung wala siyang mapakilala o sabihing may ka-relasyon na siya, bye bye mana na siya. 

E may plano na naman siya makukuha niyang mana. Sideline niya rin ang volunteer work bukod sa pastry business ng family nilang Gracia.

"Lagot ka kay Lola pag wala kang naipakilala sa engagement ni Bri." Pananakot pa sa kanya ni Abi.

"Gusto mo tulungan ka namin? You're turning 27 this year. Akala ko ba balak mong mag-asawa na ng 25?" Tanong ni Bri na nilalantakan na ang ensaymada niyang ginawa. Inalok pa nito si Abi.

"Tawa tayong tatlo. Joke lang yon." Sagot niya saka napangiwi.

"Ah!" Si Abi, mukhang may nag-ilaw na light bulb sa ibabaw ng ulo nito. "May ipapakilala ako sayo. Gusto mo?"

Napa-facepalm na lang siya. Kabilaan kasi ang paga-alok sa kanya ng blind date ng mga pinsan niya. Ganon ba talaga kamukhang hikahos ang lovelife niya?

"Ano nanaman yan, Abigail?" She asked. Although mas matanda sa kanya si Abi.

Nginisihan siya ni Abi. "Okay lang sayo, kahit tagilid?"

"Ha? Anong tagilid?"

"May lahing sirena." Sagot ni Bri. Bakit mukhang kilala ni Bri?

"Ano yan? Tomboy? Gaga ba kayo?" She said confusingly.

Binatukan siya ni Abi bago sumagot. "Tanga, sirena nga e! Edi beki. Ano? Okay lang sayo?"

"Gwapo ba yan? Matangkad ba yan?" Unang tanong agad niya. Given the height of 5'8, unang una sa listahan niya ang dapat matangkad.

Todo tango naman si Bri. "Matangkad 'to, Rae! 6'2 ang height. Tsaka gwapo. Tapos mabango."

"Naamoy mo na?" Takang tanong niya.

"Gaga, oo. Pasimpleng amoy lang sa kanya nung college kami."

"Kaklase mo?" She asked. Umiling si Bri.

"Pero ka-org namin." Dugsong ni Abi.

Napakunot noo siya at napaisip. Wait, there's one guy na crush nila parehas dati, she meant gay, actually — "The Earl Ramses Adriatico?" She asked. Wide-eyed.

Tumili ang dalawa saka nag-apir. "Tumpak ka dyan, pinsan!"

"Earl Ramses is still single?" She asked.

"Oo, kaya nga namin nirereto sayo, di ba?" Saad ni Abi na sumubo ng ensaymada niya.

"In fact, his parents are already bugging him to have a special someone." Segunda ni Bri.

"Pano niyo nalaman?"

"Reliable source." Mabilis na sagot ni Abi.

"Sa ate niyang si Raja." Segunda uli ni Bri.

Magka-sing age kasi sina Abi, Bri at Raja. Magka-klase sina Raja, Abi at Bri noong college. Tapos ka-org ng dalawa si Ramses noon.

"What?"

"Uh huh. Ano? You want to meet Earl Ramses?" Tanong ni Abi.

"Kilala ko na yon, ano." Sagot niya. Sikat kasi si Earl Ramses sa school nila. Varsity kasi ito ng volleyball dati. Plus, he's the youngest among the Adriatico's. Binayayaan masyado ng brain and beauty.

"E kilala ka ba?" Sabay na tanong ng dalawa.

Umiling siya. "Hindi ko sure." Although kilala rin naman siya sa school since she's one of the granddaughters of the Gracia's. Pero hindi siya katulad ng dalawang 'to na nasa spotlight lagi. 

Hindi kasi siya masyadong papansin noon, joke.

"Oh, see?" Saad pa ni Abi. "I'm meeting with the three of them tomorrow. I'm with Bri. Ano? Sama ka?"

"I'll let Raja know na you'll tag along." Sagot ni Bri. Naubos na nito ang ensaymada niya.

"Sarap, Bri?" She asked. Nag-thumbs up pa ito sa kanya.

"The best ka talaga sa baking skills mo, Rae. Pwede ka na talaga mag-asawa."

Ngali-ngali niyang batukan ito. "Wala pa nga, di ba?"

"Sumama ka nga kase." Saad pa ni Abi.

She sighed. "Oo na, oo na!"

Bahala na si Batman bukas.

Pink SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon