Zwei.

860 38 14
                                    

May dala dala siyang limang box ng cinnamon roll na mismong galing sa pastry shop nila. Ang Danke, ang magaling niyang mga pinsan ang dahilan.

"Asan ka na?" Abi, on the other line.

"Papunta na ho, mahal na reyna. Malapit na."

"See you!" Tili ni Bri. Agang aga, hyper nanaman ang dalawa.

Abi and Bri told her that the Adriatico's really like their own version of cinnamon rolls. 

Kaya eto, limang box ang pinadala sa kanya. They'll be meeting with the Adriatico's. Kaya ayan, ewan. Monthly meeting ata nila yon. 

Hindi naman siya kasali sa meeting so she opted for a cotton type sweater, semi-fit sweatpants at dirty white na chucks niya.

Agad naman siyang pinapasok ng guard sa company ng asawa nila Abi at Bri. Its actually a merge company. At ang mga Gracia's ang isa sa mga stockholder nito pati na rin ang mga Adriatico's. 

Tinuro siya ng receptionist sa conference room, sinabi nitong nandoon na nga ang dalawa niyang pinsan.

"Morning." She greeted the two. Nagbeso ang dalawa sa kanya.

"Oh em gee. Cinnamon!" Tili ni Bri. "Thank you, Rae!" Bri gave her a sloppy kiss on cheeks.

Pinahid naman niya ito. "Brielle naman!" Reklamo niya. Abi just laughs. Abi and Bri has a habit of baby-ing her. Only child lang kasi siya.

Nakarinig sila ng katok na nagpalingon sa kanila sa pintuan ng conference room. Niluwa noon ang isang babaeng maganda. Ash blonde ang kulay ng buhok nito. Nakasuot ito ng gray na body hugging dress at denim jacket. 

Nakasunod dito ang isang lalakeng sa tantya na nasa 6', ang tangos ng ilong nito, he has broad shoulders, and prominent jaws. 

May kausap pa pala ito, hula niya nasa 6'2 ang tangkad nito, hawig nito ang lalakeng kausap at ang naunang babae, if the other guy has soft features, eto naman, medyo pa-suplado ang katauhan nito. Matangos din ang ilong nito. 

Wait, eto si Earl Ramses, di ba?

"Oh, hi. Good morning." Bati ni Abi dito. Bumeso sa dalawa ang babae. "Ah, si Rae nga pala. Pinsan namin. Sa Danke siya nagtatrabaho."

"Hi, I'm Raja." Saad nito pagkabeso sa kanya, inabot nito ang kamay.

"Rae Gracia nga pala." She said. Ngumiti ito sa kanya.

"Ah, I'm with my brothers nga pala." Saad nito. Napatingin siya sa dalawa. Ngumiti sa kanya ang isa. "This is Rama.." The guy that's standing 6'. Turo nito sa isa. Ngumiti naman ito sa kanya. Saka nakipag-shake hands sa kanya. 

"And this is Ramses." Saad nito sa isa. Napako ang tingin niya kay Ramses. Pasuplado pa rin itong nakatingin sa kanya. Kaya napaiwas siya ng tingin dito. Napalunok siya.

"Suplado." Mahina niyang bulong.

"Alright, let's start the meeting." Saad ni Abi.

Mataman siyang nakikinig sa meeting ng lima. Although hindi naman siya kasali, well atleast may matutunan siya sa mga ito. Baka may maiambag siya sa Danke sa susunod. She even jot down notes.

"Meeting adjourned." Saad ni Bri. The meeting was held for two hours.

"Ah, guys. Nga pala, Rae has something." Biglang saad ni Abi.

"Ha?" She said. Siniko siya ni Bri. "Ah, may dala nga pala akong cinnamon rolls."

"From Danke?" Masayang tanong ni Raja.

Tumango siya. "Yep, I have three boxes here." Sagot niya. Napatingin sa kanya si Earl Ramses. Napangiwi ang ngiti niya rito. Muka kasi siyang tatarayan ng isang 'to.

"Raja, Rama and Ramses. Me and Bri have a proposal to make." Biglang saad ni Abi. Patayo na sana siya ng hilahin siya uli paupo ni Bri.

She mouthed 'what' to her.

"We know Ramses dilemma." Napataas ang kilay ni Ramses sa sinabi ni Abi.

"We know, Ram." Sabi ni Bri.

"And we have Rae's dilemma." Abi.

"Hoy—"

"And we're thinking what if Ram and Rae?" Bri cut her off.

"Ha?" She and Ramses said in unison. Napatawa naman si Rama sa kanila.

"Rae's single, Ramses. Don't worry. Matagal na yang single. Mga 6 years na. And you're single too. You need someone, di ba? Para tantanan ka na nila tita at tito sa special someone mo na yan." Litanya ni Abi.

"Ramses, mahaba ang pasensya ng isang 'to." Saad ni Bri. Tumingin sa kanya si Ramses. For the first time, na-intimidate siya sa presensya ni Ramses. Umiwas siya ng tingin.

Pakshet, ang gwapo naman kasi masyado. Ramses long hair looked suits him. Isama pang naka-fanstasy color ang buhok nito. Kulay violet.

——

Ramses wanted to meet her. Yung sila lang dalawa. He even asked for a lunch date. If that's okay with her. Para na rin daw pag usapan ang mangyayare sa set up nila.

She just opted for a white shirt and ripped shorts at white slip ons. Since, sinabi naman nitong sa Danke na lang sila magkikita. 

Since papasok din naman talaga siya sa pastry shop nila. Tinitingnan niya ang monthly reports ng shop nang kumatok sa opisina niya ang isa sa mga staff niya.

"Ma'am, kayo raw po order nung sa table 15." Kinikilig pang saad nito.

Napailing na lang siya. Saka tumayo at lumabas sa opisina niya. Hinanap niya agad ang lalaking may kulay violet ang buhok. 

And there he is, nakatingin ito sa glass window. Naka-gray itong tshirt at naka-ripped pants. Napalunok siya.

E bakit kasi sirena?

Kinakabahan din siya. Hindi siya nito napansin ng lumapit siya rito. "Hi." She greeted him.

"Oh, hey." Saad nito. Tumayo ito saka bumeso sa kanya. Naamoy niya agad ang pabango nito.

"Kanina ka pa?" She asked.

"Not really. Are you busy?"

"Ah, chine-check ko lang yung mga monthly reports ng shop."

"Hands on?"

"Well, yeah. Ako na kasi ang namamahala dito. Since, ako kasi yung mahilig mag-bake."

"You really made that cinnamon roll last week?" Tanong nito.

Tumango siya. "Oo, ako nga." She shyly answered. "Ah, gusto mo na ba umorder?" Tanong niya. Napatingin siya sa wristwatch niya, its already 11:45 AM.

"Sure." Sagot nito.

Tumayo siya saka kumuha ng isa sa mga brochure ng menu nila. Lumapit pa siya sa counter saka sinabing oorder sila. Sumunod naman sa kanya ang isa sa mga staff niya.

Little did she know, Ramses was observing her. Mula nang tumayo ito, sinusundan ito ng tingin ng mga customer sa pastry shop nila. 

Lakas din kasi maka-hatak ng shorts nito. She's even given with long legs.

Ang merlat, walang masyadong make up, pero ang kinis ng muka. Mahaba rin ang buhok nitong may highlights. 

Matangos ang ilong nito, her face has soft features compare to her cousins Abi and Bri. Naka-Dutch braid ang buhok nito. Papasa nga 'tong model.

Looks like, Rae isn't really a bad choice.

Pink SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon