Neunzehn.

622 30 6
                                    

Siya ang pinakahuling susunduin, kaya pa-chill chill lang siya. Hindi na siya nagbreakfast, dahil sinabi ni Bri na magbe-breakfast sila sa fave cafe shop nila.

Either Ramone's or Saffron's yun malamang.

Nagkape na lang siya bago maligo. Usapan nilang around 6:30am siya susunduin, kaya ayun, tamang nuod pa siya ng tv. Tutal nakapag-handa na siya ng mga gamit niya.

This beach trip will be three days and two nights. And she's excited. Saktong sakto kasi ngayong summer.

Maya maya lang ay nakarinig siya ng busina, pati ang pagtunog ng doorbell niya. Agad siyang kumilos at pinatay ang tv. Bago lumabas ay chineck niya muna ang lahat kung wala ba siyang naiwan na nakasaksak o ano.

Nang mabuksan niya ang pinto, si Ramses ang unang bumungad sa kanya. Nakasuot ito ng gray na hoodie, itim na shorts at Vans na kulay navy blue. Nakalugay din ang buhok nitong kulay violet. Amoy niya rin ang pabango nito.

Uy, bagong ligo.

He yawned. "Good morning, babe." Bati nito sa kanya. Saka siya hinalikan sa noo.

"Good morning." She greeted back.

Ramses smiled at her. But she can still see that he's a bit sleepy. He yawned again.

She reached out to his face and touched his cheeks. Kiniling naman nito ang ulo. "Okay ka lang?"

"Yeah. I'm just a bit sleepy." Saad nito. He then intertwined his hand to her and carried her bag. "Let's go."

Kapatid ni Ramses ang nagbukas ng pintuan ng van. It was Kuya Rama.

Napatingin siya sa driver side. Si Cam pala ang nagda-drive. He mouthed "Tulog", he knows that she'll ask about Bri.

"Good morning, Rae." Bati nito. Kaya napatingin siya pabalik.

"Good morning too, Kuya." She greeted back. Then she saw someone popped her head behind Rama's shoulders.

"Hi, Rae!" Bati nito. It was Calliope's. Kilala niya ito, dahil naging kasama niya ito sa Culinary School dati.

Nanlaki ang mata niya. "Ate Calli?" She asked. Napanganga siya. No wonder why Rama's kids is a bit familiar to her. Dahil mixed ito ni Calliope and Rama. "You're Kuya Rama's wife?"

Calliope giggled and nodded. "Yep! Sorry, I wasn't there when you went to the mansion. Nasa flight palang ako pabalik e."

"It's fine." Sagot niya rito, saka ngumiti. Papasok na dapat siya nang hilahin siya pabalik ni Ramses. Napalingon siya. "Why?"

"Baba si Kuya Thorn." Sagot nito. "Pati si Caer."

Tumango siya, pero kumunot ang noo niya. Thorn? Why does it sound familiar?

"Hey, Rae." Bati nito saka pinat ang ulo niya.

"What the heck?" Saad niya rito.

Calliope and Thorn are cousins. Parehas niyang naging kaklase niya ang dalawa sa Culinary School.

"Yeah, I'm Raja's husband." Saad na agad nito. Napansin niyang tulog din si Ate Raja na nakasandal ang ulo sa bintana.

Sunod na bumaba si Caer nginitian siya nito saka siya binati. "Tulog si Abi." Saad nito. Napatingin siya. Nakasandal nga ang ulo ni Abi sa bintana at tulog na tulog ito. "Pasok na, antok na yang boyfriend mo." Saad nito.

Ba't ba puro sila mukhang antok na antok? Ano bang mga pinagka-abalahan ng mga 'to?

Napalingon siya kay Ramses. Humikab nanaman ito. Kaya agad siyang pumasok, inalalayan naman siya ni Kuya Rama.

Pink SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon