Zehn.

595 30 14
                                    

She's been very busy these past few weeks. Malapit na kasi ang kasal ni Bri. Kaya eto siya ngayon, bilang isa sa mga bridesmaid, tumutulong siya sa pagaayos ng kasal neto. Isama pang, medyo busy din siya sa Danke. Nag-release rin kasi sila ng bagong products, kaya eto sila ngayon todo kayod sa paggagawa ng bago nilang products. It was a trial and error. And it was successful.

Her grandparents are even proud of her. Agad niya kasing binalita sa mga ito na tinangkilik ng mga old & new customers nila ang products nila. She even told Ramses. He says his congrats and told her that he was proud of her. Siya kasi na talaga ang hands on sa pagma-manage ng Danke.

Its already Friday, and grabe yung pagod niya buong week. Mas dumami pa kasi ang customers nila. Dahil nadagdagan na pati mga estudyante since pasukan na nga.

Earl Ramses calling..

Dug dug dug.

She breathed deeply first. "Hello?"

"Hi, babe."

"Hi. Kumain ka na?" She asked.

"Aww, babe. Wag pa-fall."

"Grabe siya? Kung kumain ka na nga? It's already 8 na kaya." Sagot niya.

Ramses laughs on the other line. "Yea, I ate my dinner already. You?"

"Nakain pa lang, actually. Dami kasing tao kanina. Di ako makasingit ng kain."

"Geez, you're so busy. You should've ate a bread or something."

"Sorry na."

"I missed you already. Can I see you?"

Dug dug dug.

Matutunaw ata ang puso niya. Jusku.

Sasagot na sana siya nang umimik uli ito. "It's been three weeks, babe. Please don't make it to a month. Come on, I miss my Rae Eagan already."

Masasabunutan niya si bakla!

"Anla si Ramses? Di ka ba busy? Nandito lang ako sa Danke."

"Hindi mo ba ako miss?"

She bit her lip. Juskolord talaga 'tong si Earl Ramses. She can't stop herself from smiling. "Miss na rin."

"Oh see? Can I fetch you later? Please say yes."

"Oo na. Hindi ka ba pagod? Sabi mo naka-apat kang meeting ngayon?"

"I am. But I badly wanted to see you."

"Sunduin mo ko mamaya. Magtampo ka pa sakin e." She said then laughs.

"Magtatampo na talaga ako sayong merlat ka!"

"Oh bakit? Maghahanap ka ng iba?"

"Nah, that's not gonna happen."

"Pano mo naman nasabi, aber?"

"I only want Rae Eagan, okay? I'll hung up. Eat your dinner, babe. I'll see you later. Bye."

Napapaypay siya sa sarili niya. Hindi niya talaga kinakaya minsan ang mga banat ni Earl Ramses. Minsan gusto na niyang sabunutan si bakla.

"Ma'am Rae, si Sir Ramses po. Andyan na." One of her staff said.

"Sige, salamat."

It's a good thing na natapos na niya ang reports niya bago paman nila i-release ang new products nila. Maha-hassle kasi siya. Since, Bri is going to get married na.

Pink SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon